3 : ABI

184 17 9
                                    

HUNTER'S POV

Pagkatapos ng Likes and Dislikes na yan ay dinismissed na kami ni Miss Hernandez. Honest and traitor. Pareho pala kami. Lihim akong napangiti. Nauna na kami naglakad ni Xian palabas ng room. Nasa likod namin sila Lee.

"Hi Hunter.."-napahinto ako sa paglalakad sa taong nasa harapan ko.

Anong ginagawa niya dito sa Buss.Mngt. Bldg? Nakatingin siya sa akin. Kahit si Xian ay nagulat sa nakita. Lalo naman na ako. Sa peripheral vision ko ay nakita ko si Lee na tinignan kung sino ang nasa harapan ko.

"Abi..."-sabi ko. Ngumiti siya sa akin. Blanko ko lang siya tinitignan.

"How are you?"-tanong niya sa akin.Pait akong napangiti.

Kinakamusta niya ako? How nice of her! Damn it!

"I'm fine...you?"-sabi ko.

"Likewise..."-sagot niya.
Tumingin siya kay Lee at Amber. Sumandal sa pader si Xian habang naka-crossarm. Pag ganyan siya, siguradong ayaw niya ang nakikita niya.

"What are you doing here?"-tanongko.

"Nandito ako kasi may ipapaki-"putol na sabi niya. Lumingon siya sa likuran niya dahil napansin niya nanakatingin ako sa bandang likod niya. May isang tao na ayaw kong makita.

"Babe..."-sabi ni Abi. Humalik siya sa pisngi ng lalaking dumating. Ang tinawag niyang babe.

Naikuyom ko ang kamao ko sa nakikita ko. Ano ang karapatan nilang maglambingan sa harapan ko pagkatapos ng ginawa nila sa akin? Naninikip ang dibdib ko sa galit. Gusto ko ng magwala pero pinipigilan ko. Tama na ang isang taong pagtitiis sa sakit.

"I'm sorry medyo napahaba ang misa ni Coach sa akin haha"-natatawang sabi ng lalaki. Nanlaki ang mata niya nang dumako ang paningin niya sa gilid ko. Tinignan ko kung sino ang tinititignan niya. Si Lee.

"Babe do you know her?"-tanong niAbi sabay palupot sa braso ng lalaki. Sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

"Siya yung sinasabi ko sayo naipapakilala ko sayo Babe. My cousin Rix Louise Lee."-sabi ng lalaki. Tinanggal niya ang pagkakapalupot ng kamay ni Abi sa braso niya. Lumapit siya kay Lee at inakbayan niya pa ito.

"Hi! Nice to meet you cousin of Dwane! I'm Abigail San Jose. His girlfriend."-nakangiting sabi niAbi. Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap naman ni Lee.

"Nice to meet you too. Call me Rix."-sabi ni Lee. Tumingin siya sa akin. Bakit naman agad tumitingin sa akin ito?

"Girlfriend ka ba ni Hunter?"-tanongni Abi. Kumunot-noo si Lee na nilingon siya. Umiling lang ito.

Tumango-tango naman si Abi.

"Hi bro..."-bati ni Dwane sa akin.Tama kayo, si Dwane. Dati kong kaibigan.

"Tss"-narinig kong singhal ni Xian.

"Don't call me bro coz you're not my'friend'."-idiniin ko ang salitang friend. Parang biglang lumamig ang paligid dahil sa inasal ko.

"Nagugutom na ako, hindi pa ba kayo tapos dyan?"-agaw eksenang tanong ni Amber. Siya lang ang tahimik sa amin kanina pa.

"Amber!!!"-bulalas ni Dwane. Ngayon niya lang ata napansin na may kasama pa kami.

"Buti at napansin mo ako, Dwane?Akala ko nabulag ka na at ako lang ang hindi mo nakikita dito."-sabi Nni Amber sabay binatukan si Dwane. This is awkward. Tumingin si Lee sa akin. Ano ba ang iniisip nito at kanina niya pa ako tinitignan?

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon