4 : First Trouble

196 16 4
                                    

RIX'S POV

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko pa siya kilala. Hindi kami mabait sa isa't-isa. Naiinis ako sa kanya. Pero kanina habang tinitignan ko siya, nakaramdam ako ng awa. Hindi ko alam ang kwento nilang tatlo pero parang si Hunter ang na-aggrabyado. Paglabad ko ng cafeteroa ay may nakita akong ibat't-ibang stall na nagtitinda ng pagkain.  May ganito dito? May nakita akong selecta stall.

"1 cookies and cream and 1 vanilla..cornetto please."-sabi ko.

"Here.. thank you..come again."-naka-ngiting iniabot ng babae ang ice cream.

"Keep the change.."-sabi ko.

Nagsimula na akong naglakad. Ok na ang cornetto. Sana mahanap ko na siya bago pa matunaw ito. Tss.hindi ako ganito sa mga tao lalo na sa bagong kakilala lang. At sa lalaki pa!

HUNTER'S POV

Pag ganitong badtrip ako, isang lugar lang dito sa school ang pinupuntahan ko. Akala niyo sa rooftop? Common na yan. Dito sa Swimming pool para maiba. Mas tahimik kasi dito. Atleast sa tubig ako babagsak pag gusto kong tumalon. May swimming pool dito sa JLU. Elite school ba naman kung walang swimming pool db?
Nakaupo ako dito sa gilid ng pool habang nakalubog sa tubig ang mga paa ko. Syempre tinanggal ko ang mga sapatos ko. Hinayaan ko na lang mabasa ang babang part ng pants ko. Nakatukod ang dalawang kamay ko sa likod habang nakatingin ako sa langit. Open kasi ang pool area. Walang bubong. Napaka-ganda ng langit pero kabaligtaran ng araw ko ngayon. I closed my eyes.
Nakita ko siya ulit after 1 year. Hindi kasi kami nagkakasalubong dito sa school. Naalala ko na iniwan niya ako para kay Dwane na naituring kong bestfriend. I was so stupid. Sobrang nasasaktan pa rin talaga ako pag nakikita ko sila magkasama. Fashion and Design ang kinikuha ni Abi samantala si Dwane ay pre-med na nursing. Magka-edad lang kami.
Bakit ganun sila makipag-usap sa akin? Sa palagay ba nila nakalimutan ko na ang ginawa nila? Tapos pinsan pala ni Lee si Dwane. What a small world. Naalala ko ang sinabi ni Lee kanina. Wala daw siyang dahilan para hindi magustuhan si Abi pero wala din siyang dahilan para magustuhan niya ito. She's really something na hindi ko pa nakikita sa ibang babae.
Teka!
Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun? Di naman kami close para isipin ko siya. Hay.
F*ck!!!
Bakit may bagay na malamig na sumusindot sa pisngi ko? Dinilat ko ang mga mata ko. Nakatingala ako at nakita ko si Lee na busy na kumakain ng conrnetto habang sinusundot niya ng cornetto ang pisngi ko.
O____O ako
Loading...
Ice cream?
"Ice cream is the best stress reliever.."-sabi niya habang iniaabot niya ang ice cream."Nangangalay na ako.. kukunin mo ba o kukunin mo?"-tanong niya. Salubong pa ang kilay. Kinuha ko ang ice cream. Binuksan ko at inumpisahan ko ng kumain. Umupo siya sa tabi ko na naka-skwat.
"Thanks.."-sabi ko. Masarap ang cookies and cream. Favorite ko to e.
"Bakit di ka na lang mag-swimming para mas gumaan ang pakiramdam mo?"-tanong niya sa akin.

Ano ba sinasabi niya?

"Bait naman ako magsi-swimming?"-tanong ko.

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"You're not good on hiding things especially your emotions. Hindi man tayo close pero ramdam kita."-sabi niya. Ibibalik niya ang tingin niya sa pool.

Ganun ba ako kadaling mabasa?

"What do you want?"-tanong ko. Hindi siya nagsalita. Tahimik kami habang kumakain. Napapatingin ako sa kanya at nahuhuli niya ako.
"Bakit mo ako tinitignan?"-tanong niya?
"Unbelievable kasi na kinakausap mo ako, you know what I mean?"-sabi ko. Hindi naman kasi kami nagpapansinan since day 1 nila dito sa JLU tapos nagalit siya sa akin kahapon. Tapos ngayon, binigyan niya pa ako ng ice cream.
"Okay ka na ba?"-tanong niya sa akin sabay lingon sa akin. Ubos na niya ang ice cream.
"Medyo.."-sabi ko.
"Mag-kwento ka na."-sabi niya.
"Ha?"
"Sabi ko magkwento ka na para naman may idea ako kung ano ang gagawin ko sa pinsan ko, knowing Dwane? Napaka-pilyo nun."-sabi niya habang nilalaro ng kamay niya ang tubig sa pool.
Bakit gusto niya malaman?

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon