20 : IN DANGER

149 14 6
                                    

A/N:
pasensya po sa late update mga hart hart!!!

-------------------------------

RIX'S POV

Habang nandito kami sa eroplano ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang nangyari. Sino ang kumuha kay Abi? Ano ang kailangan niya kay Abi? Ilang araw lang ako nawala ay marami na g nangyayari. Napabuntong hininga ako na lang ako. Itinuon ko ang atensyon ko sa madilim na ulap sa labas ng bintana.

Tulad ng gabi ay may liwanag ng umaga na naghihintay.

"Drink this."-napatingin ako kay Hunter na inaabot ang tasa ng kape. Kinuha ko ito. Humigop ako. "Masarap ba?"-tanong niya. Tumango ako. "Ako nagtimpla dyan."-nakangiting sabi niya. Tinignan ko ang kape. Lihim akong napangiti. Ito ang unang pagkakataon na may nagtimpla ng kape para sa akin.

"Oo. Salamat."-sagot ko. Lumapad naman ang ngiti sa labi niya. Umiling iling pa siya na tila hindi siya makapaniwala. Sumenyas siya na babalik na siya sa upuan niya. Tumango lang ako.

Isang hari ng gangster ay may ganito siyang ugali. Kakaiba talaga. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa naisip ko. Pinagtimpla niya ako ng kape. Kape lang pero sobrang natutuwa ako. Humigop ako muli at tumingin sa labas ng bintana.

May kinalaman ka lang Kevin Lopez ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa'yo.

NICKY'S POV

Hello! Ako si Nicky Hyun. Ang isa sa council slash bestfriend ni Empress Lee. Ayaw niyang tinatawag na Empress. Pinauwi niya ako dito sa Pilipinas dahil sa isang bagay at hindi ko alam kung ano iyon. Maraming kinakaharap na suliranin ang Empire lingid sa kaalaman niya. Itinago ito ni Chairman Lee. Hindi ko alam kung bakit. Kahit si Athena ay kumikilos na rin. Sana malutasan nila ang lahat bago malaman ni Louise. Iba pa naman iyon pag nagalit.

~insert ringtone~

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Tristan Calling...

"Napatawag ka?!"-tanong ko pagkasagot ko.

("Nandito ako sa airport. Nag-email sa akin si Louise na umuwi raw ako dito. Nasaan ka?")-tugon niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Nasa airport."-tipid na sagot ko habang naghahanap.

("I already see you.")-sabi niya at binabaan niya ako ng phone. Naupo na lang ako muli. Ano ba ang ngyayari at halos sabay kami pinauwi ni Louise. May nangyari bang hindi maganda?

"Ano ang ginagawa mo dito?"-napatango ako sa taong nakatayo sa harap ko.

"Hinihintay sila Louise. Galing Davao sila."-sagot ko. Naupo naman siya sa tabi ko at itinabi ang maleta niya.

"Sa palagay mo ba mayroong hindi magandang nangyayari kaya tayo pinauwi ni Louise?"-tanong niya.

"Wala pa bang nangyayaring masama sa Empire?! Kung ano man ang dahilan ni Louise ay paniguradong hindi maganda."-saad ko habang kinakalikot ko ang phone.

"Hindi ko maintindihan si Chairman kung bakit tinatago niya kay Louise ang nangyayari."-mahinang sabi niya. Tinignan ko siya pero may nasagi ang mata ko na pamilyar sa akin. Ano ang ginagawa niya rito?

"Dwane!!"-tawag ko. Lumingon naman siya. Patakbo siya pumunta sa amin. "Ano ang ginagawa mo dito?"-tanong ko pagkadating niya.

"Hinihintay si pinsan."-sagot niya. "Oh Tristan... Long time no see."-baling niya kay Tristan. Nag-fist bomb sila.

"Bakit mo siya hinihintay?"-tanong ko.

"Kailangan ko ang tulong niya."-malungkot na sagot niya. "May dumukot sa girlfriend ko."-dagdag niya. Naikuyom niya ang kamao niya. Tumayo si Tristan at tinapik ang balikat. Hindi na ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nakatayo sa harap ko na nag-uusap.

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon