13 : HALF OWNER

159 11 1
                                    

RIX'S POV

Nandito ako sa veranda ng kwarto ko. Gabi na. Napatingin ako sa kalangitan. Maraming stars. Napatingin ako sa pinaka-makinang sa kanilang lahat.

"Hi mom. I miss you so much."-sabi ko habang nakatingin sa star. Naaalala ko ang mga panahong magkasama kami. Bakit naging ganun na lang kadali ang lahat at iniwan niya ako? Ngayon ay nasa situation ako kung saan hindi ko alam kung kakayanin ko. "What should I do? I'm not yet ready."-dagdag ko.

Naiisip ko pa lang na pamumunuan ko ang organization ay sumasakit na ang ulo ko.

"Why did you just left me? Why you didn't fight the pain? Why you didn't think of me before you killed yourself? How did you do that?!"-mahinahong sambit ko habang nakatingin pa rin sa star. Naramdaman kong may nahuhulog ng mga luha sa magkabilang dulo ng mga mata ko. I never cried for how many years. Yumuko ako at pinunasan ang mga mata ko. The pain is breaking my heart again. Sa lahat ng masamang nangyari sa buhay ko ay ito ang hinding-hindi ko magawang makalimutan. 

"Its nice seeing you crying..."

Napalingon ako sa nagsalita.

Amber.

"Don't get me wrong. Matagal na kitang hindi nakikitang umiiyak. Pagkalibing natin kay Tita Frances ay naging bato ka na."-saad niya. Nakasandal siya sa clear glass wall. Humarap ako sa kanya.

"Ganun ba talaga ako?"-tanong ko. Nagbago ba talaga ako na parang hindi ako?

"Yes but you became strong and brave. Wala ka nga kinakatakutan maliban lang sa isang bagay. Ang magmahal."-sabi niya.

"I have to be strong. Ayokong maging mahina tulad ni Mommy. Nagpakamatay siya dahil niloko siya ni Dad."-pait na sabi ko.

Kaya ko nilalayo ang loob ko sa mga tao na nasa paligid ko lalo na ang mga lalaki dahil ayokong matutunang magtiwala at magpahalaga...lalo na ang magmahal. Sapat na ang nangyari sa mommy ko.

"Malakas at matapang din naman si Tita db?! Siya pa nga ang nag-training sa atin. Hindi niya siguro inasahan na magagawa iyon ni Tito Ricky sa kanya. Pain controlled her whole system."-pahayag niya.

Nagtinginan kaming dalawa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Tinalikuran ko siya at pinagmasdan ang paligid.

"Mahal na mahal niya si Dad. She even sacrificed everything just to be with him. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Dad. Kahit anong paghahalaga at pagmamahal ang ibigay mo ay sasaktan at sasaktan ka lang"-sabi ko.

Naramdaman kong naglakad siya papunta sa akin. Inakbayan niya ako.

"Part ng love ang masaktan. Hindi mo malalaman ang tunay na ibig sabihin ng love kung ayaw mong masaktan. Pag nasaktan ka, matututo kang bumangon at magmamahal ka muli."-sabi niya habang nakatingin sa akin. "In your part, you should learn how to give yourself a chance to feel what love is and let someone love you. Hindi lahat ng lalaki ay gagawin ang nagawa ni Tito Ricky kay Tita. Think about it, be brave enough to face your fear."-nakangiting sabi niya.

Isang bagay ang ayaw kong mawala sa buhay ko. Ang mga kaibigan ko na tulad ni Amber. Simula bata ay sila na ang nakasama ko. Wala na akong hihilingin. Masaya na ako sa kanila.

"Ikaw may mahal ka na ba?"-tanong ko.

o__o siya

"Naku! Wala wala wala!!!"-pasigaw niyang sagot.

Napangisi ako sa inasta niya. Obvious naman siya.

"Bagay kayo ni Xian"-sabi ko. Kita ko ang pamumula ng mukha niya. 

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon