21 : I'M SORRY

154 16 16
                                    

A/N:

Ito na ang simula ng totoong kwento wahahahaha

maxinejiji idol!!! Eto po ang lame na UD ko.. sana magustuhan mo :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NICKY'S POV

Nandito na ako sa tapat ng mansion ng mga Lee. Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ni Chairman. Hula ko importante ito. Hindi niya ako ipapatawag ng walang mabigat na dahilan. Nilibot nang paningin ko ang paligi ng mansyon habang naglalakad ako patungo sa main door. Ang daming tauhan na nakatayo kung saan. Pagkapasok ko sa loob ng mansion ay ang butler ang sumalubong sa akin at iginaya ako kung nasaan man si Chairman Lee. Mukang hinihintay niya ako. Napakalaki ng mansion na ito kumpara sa ibang mansion na nandito sa Pilipinas. Lahat ng bagay dito ay mas mahalaga pa ata sa buhay ng mga tao. Kita ang kamahalan ng bawat gamit. Pinagbuksan ako ni butler ng pinto. Bumungad sa akin ang napakalaking opisina. Mas malaki pa ata ito sa kwarto namin ni Hannah sa bahay ni Tristan. Hinanap ko si Chairman kung nasaan siya. Kumanan ako at nakita ko silang nag-uusap usap sa harap ng malaking parihabang lames habang may tasa ng tsaa sa harapan nila.Inimbitahan ba niya ako para makisali sa tea party nila?

"Goodmorning Chairmans."-pag-agaw ko sa atensyon nila at yumuko ako bilang pagbibigay galang sa kanila. Nang nag-angat ko ng ulo ay nakatingin na silang lahat sa akin. Tinignan ko silang lahat. Nandito din ang pamilya ni Hunter. Anong meron? Sinenyasan ako ni Chairman Lee na maupo. Napili kong maupo sa tabi ng Daddy ni Louise. Nakapalibot kami sa lamesa. 

"Kasama mo ba daw sila Louise?"-tanong ni Chairman Lee.

"Yes Chairman."-sagot ko.Hindi na ako magtataka kung alam nila na magkakasama kami. Maraming mata ang Empire sa bawat kilos ni Empress. 

"How is she?"-tanong niya.Ngumiti ako. 

"She's fine, Chairman."-tugon ko. Tumango tango naman siya. Ibinaling ko ang tingin ko sa pamilya ni Hunter. Kausap nila si Chairman Jang. 

"I-report mo sa akin ang bawat kilos na gagawin ni Louise, Nicky."-napalingon ako kay Mr.Lee. "Everything."-dagdag niya. 

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Palihim akong huminga ng malalim. 

"Pinatawag kita dahil may ipapagawa ako sa'yo para sa auction na magaganap bukas ng gabi."-sabi ni Chairman Lee. "Alamin mo kung paano natin mailalabas ang sasakyan na iyon kung saan man nila tinatago. I want that car."-ma-awtoridad na saad niya. 

Tumayo siya. Nakatingin siya sa mga mata ko. Wala akong mabasang emotion sa mga mata niya. Mag-Lolo nga talaga sila ni Louise. May pinadulas siyang folder patungo sa akin. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. Address. "Iyan ang address."-sabi niya. 

Tumingin ako sa kanya. "Why Chairman? Ano po ba ang nasa sasakyan na ito?"-tanong ko.

"I can't answer that. Just do what I said. Ikaw na bahala kung paano mo papalitan ang sasakyan na iyon."-sabi niya. Naupo siya at uminom ng tsaa.

Sasakit na ata ang ulo ko. Halos pareho lang sila ng iniuutos ni Louise pero mas malala naman ang pinapagawa ni Chairman. Paano ko naman mailalabas ang sasakyan na iyon? 

"Masusunod po Chairman Lee."-sabi ko. 

Tumayo na ako at nagbigay galang sa kanila. Nagpaalam na ako at lumabas ng opisina. Sasabihin ko ba ito kay Louise? Napa-buntong hininga na lang ako. Mabilis ako nakalabas ng mansion at sumakay na sa kotse ni Tristan. Babalik na ako sa bahay ni Tristan. Tinakas ko lang ang kotse niya. Dadakdakan na naman niya ako panigurado.

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon