S.N.A 17 - GABBY's FIRST LOVE

133 15 8
                                    

A/N:

EVERYBODY HURTS by AVRIL LAVIGNE is a song for Gabby and Pia para sa muli nilang pagkikita... :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RIX'S POV

Pagkatapos ko kumain sa resto ay naisipan kong magliwaliw sa paligid. Bakit pa ako magtatago kung nandito na rin naman sila? Makikita at makikita lang din nila ako.

Nakatayo ako dito sa ilalim ng puno malapit sa dalampasigan. Nakita ko si Hannah. Kinukunan niya ng litrato ang paligid. Kahit ang mga batang naglalaro sa buhangin. Gusto ko siyang lapitan pero may nagsasabing huwag. Pinagmamasdan ko na lang siya mula rito. Sumandal ako sa puno. Nilanghap ang sariwang hangin. Nasisilaw sa kinang ng dagat habang umaalon. Naramdaman kong may nakatingin sa akin. Hindi na ako lumingon. Malamang isa sa mga kaibigan ko. Hindi kasi masyado matao ngayon sa resort. Hindi naman kasi summer. Iilan lang din ang nagse-surf. Napadako ang atensyon ko sa naghihilaan. Mga isip bata. Si Kurt at Yana. Buti pa sila tahimik ang buhay nila. Di tulad ko. Parang nasalo ko lahat ng problema sa mundo. Napa-buntong hininga na lang ako. Aalis na sana ako ng may narinig akong nagkekwentuhan.

"Ang gwapo niya db?! Nakakatunaw ang titig niya!"

"Tara lapitan natin!"

Sinundan ko ang pinagmulan ng boses. Napaatras ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ng dalawang babae. Nakaupo si Hunter sa isang bench sa ilalim ng puno habang naka-de kwatro at nakapatong ang dalawang braso niya sa taas ng sandalan ng upuan. Nakatingin siya sa dagat. Napaka-aliwalas ng mukha.niya. Nagtago ako sa puno. Napahawak ako sa dibdib ko. Kelan pa naging ganito ang tibok ng puso ko? Napailing - iling ako sa naiisip ko. Hay
Naglakad na ako palayo sa dalampasigan. Hindi naman niya.siguro ako nahahalata dahil sa ayos ko. Nakapusod ang buhok na band style.Nakashades ako. Naka-loss shirt at maiksing short.Then flip flops.
Malapit na ako sa hotel resort ng may nakita akong nakatayo sa harapan ko. Tinignan ko kung sino. Gabby.

"Kahit anong suot mo, makikilala pa rin kita"-sabi niya.

"Tss"-sabi ko. Nilampasan ko na lang siya.

"Do you think you will win the race by running away from your problems?"-tanong niya. Napahinto ako sa sinabi niya.

Hinarap ko siya. "Hindi ko tinatakbuhan ang problema dahil wala ako non"-sagot ko. 

Ngumisi siya at lumapit sa akin.

"Hindi ba problema ang ginagawa mong ito?"-tanong niya. Kunut-noo ko siyang tinignan. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tinaggal niya ang suot kong salamin. "You cried. Kung gusto mo lang pala umiyak, bakit di ka na lang nagkulong sa kwarto mo? Dinayo mo pa ang lugar na ito."-tanong niya habang sinusuot niya ang salamin ko. Nakapamulsa na nakatayo sa harap.

"You don't understand"-sabi ko.

"You have to go back"-sabi niya.

Tinitigan ko siya."No"-sagot ko.

"Don't be too hard headed, the empire needs you. May bumabalak na banggain kayo."-pahayag niya. Tinanggal niya ang shades ko na suot niya at isinuot niya sa akin. "They can't stand without you. You're the heart of FORE. Think about it."-dagdag niya. Naglakad na siya paalis. Nakatingin lang ako sa kanga na papalayo.

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng hotel.

HUNTER'S POV

"Troy??"-sabi ng babae na nasa harapan ko. Takha ko siya tinignan. "Ikaw nga!!! Waaa!!!"-sigaw niya sabagay yakap sa akin.

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon