II.

65 7 25
                                    

"Guys, may itatanong lang ako" pagpapa-alam ni Wendy sa mga kasama at tumango lang naman sila. Kasalukuyan kasi silang nanonood ngayon ng "running man"

"Real talk, anong tingin niyo dun sa members ng exo? Isa-isa."

"Bakit mo naman natanong? Kayo na ni Kim Jongin no?" Tanong ni Yeri na binibigyan siya ng makabuluhang ngiti. Aba. Kabata pa lang eh

"Sira! Ikaw na bata ka ang dami mo ng alam! Yung mga ate mo tinatanong ko. Wag ka."

"Basta. Super duper gwapo ni Sehun-senpai." Sabi ni Yeri at parang lumipad na sa dreamland

Hinawakan naman siya ni Joy sa balikat

"Senpai will never notice you" sambit nito

"Eh bat ikaw?! Hmph! Sinwerte ka lang kay Sungjae-oppa! Dyan na nga kayo." Sabi nito at pagalit na umakyat

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Irene sa kanya

"Tutulog na ho ako. Good night!" Sabi niya at tuluyan ng umakyat. Hinayaan naman ito ng ate niyang si Wendy dahil sanay na siya dito. Cute naman ang tantrums ni Yeri para sa magbabarkada eh

"GOODNIGHT!" Habol ni Seulgi na kasalukuyang inaatake yung stock na pringles nila Wendy

"Guys, ano na?" Tanong ulit ni Wendy

Una nang sumagot si Joy "lahat naman sila gwapo at talented. Pero mas gwapo at talented pa'rin si Sungjae" sabi niya at napaka-bitter naman ng mukha nung tatlo. Wala eh. Lumalove life eh. Ganyan talaga

"Walang poreber urur." Sabay sabay na sambit nung tatlo

"Mga bitter!" Sabi niya at tinuon na lang ang pansin sa pinapanood nila

"Ganoon din yung sagot ko. Lahat sila pogi at talented pero mas gwapo at talented pa rin si--" natigilan naman si Seulgi dahil tiningnan siya ng masama ni Joy. Kung kaya lang nitong maglabas ng laser beams ay kanina pa tunaw si Seulgi

"Mr pringles." Pagtutuloy na lang ni Seulgi

At tumingin na si Wendy kay Irene. Ang pinaka hinihintay niyang sumagot. Kasama na yon sa pagtulong niya kay Kai

"Ikaw Irene?"

"Ah.. Ako? Okay lang naman sila.. Hindi ko nga alam na makakasalubong natin yung isa kanina.. Pero.. Ano.. Ang puti nung leader nila ano? Haha si Junmyeon. Mas maputi pa ata sa'kin yun eh ehehe" halata mo na namumula si Irene at hindi mapakali yung ngiti habang nagdodoodle sa papag gamit ang daliri, alam na ng magbabarkada kung bakit. Halata naman eh. Pabebe ang puts

"Maputi lang ba talaga?" Makabuluhang tanong ni Joy sa kanya

"Baka matalino rin" dagdag ni Seulgi

"Oo na! Gwapo si Junmyeon. Siya pinaka-gwapo sa kanila para sa'kin" sabi niya na lalong namula yung mukha

Napa-facepalm naman si Wendy dahil halatang mahihirapan siya. Pero isa na ang alam niya, crush ni Irene si Suho.

~~

Pagpasok sa classroom ni Wendy ay gusto niya na agad umuwi. Papasok pa lang kasi siya ng pinto ay sinalubong agad siya ni Kai.

Nakasandal ngayon si Kai sa pintuan at naka-stretch yung paa para hindi makapasok si Wendy

"Good morning, mie" bati nito sa kanya

"Walang good sa morning ko ngayon kaya lumayas ka dyan" masungit na sabi ni Wendy

"Mainit ata ulo mo? Bad blood day ba?" Para namang nag-echo sa ulo niya yung huling sinabi ni Kai. Namula si Wendy dahil dito at binatukan siya

"Sira! Umalis ka na nga dyan!" At pumasok na nga sa loob si Wendy

"Aray.." Bulong ni Kai sa sarili at hinimas na lang niya yung batok niya

Umupo na si Wendy at umupo sa tabi niya si Kai

"Umalis ka diyan. Hindi ikaw ang katabi ko. Shoo" pagpapaa-alis ni Wendy sa kanya

"At saka puro babae ang naka-upo dito!" Pagalit na dagdag ni wendy. Napakamot na lang sa ulo niya si Kai at naisip na baka meron nga si Wendy.

Sakto naman ay dumating na yung katabi ni Wendy.

"Uy, Naeun, good morning" bati ni Kai sa kanya

"Ah, K-Kai! Good morning!" Namula naman yung babae dahil kamukha ni Kai si Taemin.

"Miss gorgeous, pwede bang magpalit muna tayo ng upuan?" Sabi ni Kai at nag-pagwapo sa harapan nito. Napatango na lang Si naeun at dun na nga umupo sa upuan ni Kai

Pagkabalik na pagkabalik ni Kai ay nakatanggap siya ng kutos galing kay Wendy

"Aray naman, mie! Nagseselos ka ba?" Sambit ni Kai at napatigil ng onti si Wendy. Only to realize na mahihirapan talaga siyang tulungan si Kai

"Sira ka talaga! Paano ka magugustuhan ni-- asdfghjkl" hindi mo na maiintindihan yung sasabihin ni Wendy dahil tinakpan na ni Kai yung bibig niya.

Kinagat ito ni Wendy kaya agad niya itong kinalas

"Napaka-brutal mo talaga! Bakit ba?!" Pagalit na tanong ni Kai pero isang nandidiring mukha ang isinagot ni Wendy sa kanya

"Yuck! Kadiri! Kadiri! Kadiri! Ang alat ng kamay mo!"

"Ah, yun ba? Hindi kasi ako naghu--"

"KADIRI!!" At natawa na lang si Kai dahil kay Wendy. Isa lang ang masasabi ko, ang baboy ni Kai dito.

~~

Breaktime naman na nila at muli, sinundan ni Kai si Wendy

"Hindi ba kayo sabay nila Irene mag-breaktime?" Tanong ni Kai kay Wendy

Hindi na lang pinapansin ni Wendy si Kai dahil napapagod na rin siya sa kakulitan nito.

Naghahanap na sila ngayon ng mauupuan at napansin ni Wendy ang itsura niya kapag magkalapit sila. Ang liit niya. Maliit na nga siya mas nagmumukha pa siyang maliit. Kaya nakabusangot yung mukha niya

Nagliwanag naman ang mukha niya dahil nakita niya sila Irene. Parehas sila ng kasama niya

"Irene!" Sigaw nito at lumapit na nga sa kanila.

"Asan si Joy?" Paghahanap ni Wendy sa kabarkada

"Ayon. Kasama ngayon si Sungjae" yung bata talaga na yon oo. Puro Sungjae ang nasa isip. Tsk. Tsk.

"Oh, kasama mo ulit si Kai-oppa" sabi ni Yeri at binigyan ulit ito ng makabuluhang ngiti. Dinilatan lang naman ito ni Wendy

"Gusto mong sumabay ka na lang sa'min, Jongin?" Tanong ni Irene sa kanya. Nagulat si Kai at hindi niya na alam kung anong sasabihin. Para namang tumigil ang oras niya. Pinitigil ata ni Tao. #OT12 FTW

"Ah.. Hindi.. Ano!" Kinuha ni Kai yung tray na hawak-hawak ni Wendy "Tinulungan ko lang maghanap ng upuan si Wendy. Kasabay ko na yung exo eh. Sa susunod na lang" sabi ni Kai at ngumiti. Pero san ka, kanina pa kinikilig at nagcecelebrate sa loob niya si Kai. Wala eh. Pumapag-ibig si sunog eh. Pagbigyan niyo na.

Tinulungan sila ni Kai na maghanap ng upuan at nagpaalam na ito

Pagka-alis na pagka-alis ni Kai ay iningtriga na siya ng mga kaibigan

"Ano yon ate, ha? Tinutulungan ka lang ni Kai-oppa? Aba, napaka-gentleman naman niya at sa'yo niya lang yun ginagawa." Sabi ni Yeri

"Magtapat ka sa'min Wendy. Kayo na ba?" Tanong ni Seulgi.

At ito namang si Irene ay halatang nakatitig kay Suho na nakapila sa sandwich section ng cafeteria.

Napapaface-palm na lang si Wendy at napabulong sa sarili

"Juthko jugigo. Jongina mo Kai"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


A/N: Dedicated to minsharmjeon :) thank you ate! Sana magistuhan mo! :D

Changing the Playboy [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon