Kasalukuyan ngayong tumatakbo papunta ng school si Wendy. Laking pasalamat niya dahil maagang binuksan ni Seulgi yung music room.
Makakahabol pa siya ngayon sa first subject nila which is cookery. Ayaw na ayaw niyang nalelate dito dahil classmate niya si Kyungsoo doon.
"Wendy!" May sumigaw ng pangalan niya at napalingon naman ito. Nakita niyang tumatakbo rin papunta sa kanya si Kai
"Sabay na tayo" sabi pa nito. Tumango na lang si Wendy at parehas silang nagmadali sa paglalakad. Pati si Kai na walang pake sa first period niya ay napamadali na rin.
"Psst" papasok na sila ng gate nang may sumitsit sa kanila
"Lagot.. Nakita tayo nung guard.." Bulong ni Wendy. Pero parang wala lang ito kay Kai
Lumapit sila dito at halatang confident pa'rin si Kai
"Why are you later? Where is your I.D.s huh?" Nag-english pa si manong guard oh yes naman sa grammar niya.
"Uhmm.. Sorry po.. Bago lang kami dito." Sabi ni Kai. Oo eh. Paniniwalaan sila eh.
"How dare you do that to me? You can't uto me. I know you na ha.. Nako. Halikayo't--" hindi na natuloy ni manong guard yung sasabihin niya dahil hinablot na ni Kai si Wendy at tumakbo na ng napakabilis
May isinigaw pa si englisherong guard pero hindi na nila ito narinig pa.
"Teka lang! Hindi na tayo hinahabol ni manong guard! Wag na tayong tumakbo!" Sigaw ni Wendy na hingal na hingal na
"Diba cookery first subject natin? Importante ang punctuality ng isang tao kay Kyungsoo. You can thank me later" sabi ni Kai at kumindat pa ito sa kanya. Napa-eww face na lang si Wendy. Pero thankful pa'rin yan syempre.
Nakarating na sila sa kitchen ng school. At nagtaka naman si Wendy dahil nakatingin lahat ng mga kaklase niya sa kanila. Tumatawa ng mahinhin si Irene.
"Cut that out Ms. Son and Mr. Kim. You know that PDA is not allowed in this school, right?" Sabi ng teacher nila. Napatingin na lang si Wendy sa kamay niya at agad itong hinawi sa pagkakahawak ni Kai
"I'm sorry, I'm late, sir" yoon na lamang ang nasabi ni Wendy at tumabi na kay Irene
Ayon si Kai. Napakamot na lang sa ulo at tahimik na tumabi kay Kyungsoo.
Isang makabuluhang ngiti ang nakita ni Wendy kay Irene kaya tinaasan niya ito ng kilay.
"Sus. Ayaw pa kasing umamin eh. Okay lang naman ata kay Kyungsoo oh. Tingnan mo inaasar niya nga si Kai oh." Asar ni Irene sa kanya
"Hindi nga kami ni Kai!--"
"Ms. Son! You're late and now you're starting a noise? Do you want to go outside?!" Napagalitan na siya nung teacher nila
"No, sir. I'm sorry" yoon na lang ang nasagot ni Wendy at tiningnan ng masama si Irene. Na pa-peace sign na lang tuloy ito.
"So okay.. Next week, we will be doing cupcakes and it will be by pair." Ang sabi nung teacher nila.
Nag-simula na ngang mag-group yung sir nila. Yung mga medyo mahihina, ginugroup sa mga magagaling magluto.
"You, Kai, you'll be paired with.." Hindi na mapigilang mapapikit ni Kai dahil pinapanalangin niyang si Irene ang makakasama niya..
Mukha na siyang gwapong wizard dahil nagsimula na diyang mag-orasyon
"Krystal." Napanganga na lang si Kai. Sa dinami-rami ng pwede niyang makasama si Krystal pa.. Si Krystal na ex-girlfriend niya..
Yan kasi.. Landi pa more.
Pero on the other side, kung anong malas kanina ni Wendy ay yoon naman ang swerte niya ngayon.. Silang dalawa na lang kasi ni Kyungsoo ang walang partner kaya napagdesisyunan nung sir nila na sila na lang ang magkasama.
"Heaveeeeen"
~~~
Kinabukasan...
"Ano bang dapat kong suotin?" Tanong ni Wendy kay Yeri na ngayon ay nakasubsob sa math book niya
Napagkasunduan kasi nila ni Kyungsoo na ngayon bumili ng gagamitin nila pangluto at bukas nila ito ita-try iluto dahil sa susunod na araw na ang practical dito.
"Bakit ka ba kasi naghahanda? May date kayo ni kuya Kai?" Pagtatanong nung bata
"Hindi nga kasi kami ni Kai! Anak naman ng-- kami ni Kyungsoo ang may date!"
"WEH?!?! OMG OMG I NEED TO TEXT JOY, SEULGI AND IRENE!" Napatayo naman si Yeri para kunin yung phone niya pero napaupo rin agad dahil kinutongan ito ng nakatatanda
"Mag-aral ka muna. Ikaw talaga! Mag ate ka nga sa kanila! Para lang yun sa cookery namin kaya magkikita kami ni Kyungsoo pero syempre dapat presentable ako"
"Sus. Hindi ka naman mapili sa damit. Kahit ano na lang suotin mo! Maganda ka naman eh"
"Teka... Ikaw ba yan Yeri?! May lagnat ka na ba dahil sa Math problems na sinosolve mo?!"
"Oo! Kaya shoo! Maaari ka nang umalis dito. Baka ma-late ka."
"Salamaaaat"
Ayun.. Simpleng damit lang ang suot ni Wendy at ponytail
Tingnan niyo na lang sa multimedia ehehe (© to the owner/s)
~~~
"Wala pa siya ah.. Masyado ba akong maaga? Halata bang excited--" Natigil ang pag-tanong ni Wendy sa sarili dahil biglang nakita ng mga mata niya ang isang oh-so-adorable-cutiepie Kyungsoongie heart-heart 💕 ko-- ah I mean niya 😂
"Kanina ka pa ba? Pasensya ka na ah." Pag-aapologize ni Kyungsoo pero isang pigil na ngiti ang naisagot ni Wendy. Aysus. Hindi na mapigilan ang feels ni ate oh!
Habang naglalakad sila papunta ng supermarket ay nakasalubong nila si Kai... Kasama si Krystal na magkahawak pa kamay.
Nagkita sila at nabalisa si Kai. Pinipilit niyang alisin yung kamay niya sa kamay ni Krystal kaso hindi niya magawa.
Nagulat si Wendy dahil dito. Magagalit sana siya kaso bigla niyang narinig ang boses ni Kyungiebabe ko-- niya.
"Lagot ka sa'kin, sunog na fried chicken. Jongina"
------
A/N: Pasensya na po sa matagal na hindi pag-update. :3 Sana lang po nagustuhan niyo 'tong chapter na 'to at ipagpatuloy ang pagbasa :) Thank you!! 💕
BINABASA MO ANG
Changing the Playboy [EXO FANFIC]
FanficPaano kung nagpaturo sa'yo ang pinakaplayboy sa lahat ng playboy sa school niyo kung paano mangligaw at sa bestfriend mo pa? Papayag ka ba kung willing naman itong magbago? ©FansHope|GullinLuv