If I told you I was perfect I'd be lying~
Napatayo si Wendy sa kama niya dahil biglang tumunog yung phone niya. Sakto. First call kaya excited siya...
"Asdfghjkl kay kyungsoo ko binigay yung ringtone na yon diba?! Tumatawag siya sa'kin?!" Tuwang-tuwang pakikipag-usap ni Seungwan sa sarili niya. Wala eh. Nabaliw na ata dahil kay Kwago-- este kay kyungsoo
Sinagot na ito ni Wendy at sumalubong sa kanya ang masungit na boses ni Kyungsoo. Yung stern. Genern.
"Wendy?" Ang sabi ni Kyungsoo sa kabilang linya. Hindi sumagot si Wendy dahil nagulat ito.
Narinig niya sa kabilang linya na bumuntong hininga si Kyungsoo the kwago. Juk onleh Kyungiepie ko yan bente dos poreber walang titibag to infinity and beyond k
"hello? Wendy?" This time, mas kalmado na yung boses niya.
Pinagpapawisan na si Wendy dahil alam niyang meron siyang maliit na kasalanan kay Kyungsoo at alam niyang yoon ang dahilan ng pagtawag nito.
"Sorry" inunahan na ni Wendy si Kyungsoo bago pa siya mapagalitan nito
"For what?"
Lumiwanag naman bigla ang mukha ni Wendy.. Hindi siya pinagalitan. Yehet raw. Pero may chance na mapapagalitan pa'rin siya sa ipapaalam niya
"Ano.. Si Kai kase..."
"It's fine. Yun din sana sasabihin ko. So dito nalang tayo sa bahay namin.." Tahimik lang si Wendy.
Kung ano-ano na kasi pumapasok sa isip niya hanggang sa namumula na buong mukha niya
"Don't worry, don't worry. Andito ang ate ko. Sasamahan niya tayo. Magaling yon gumawa ng brownies"
"A-ah.. Hehe. Sige-sige. Okay lang"
Ayan kase... Pinkish ang utak natin hindi berde. Tss.
"Sige. Good night"
"Good night"
*call ended*
"Sino yun?" Makabuluhang tanong ni Irene kay Wendy
"Wala.. Friend." Sagot ni Wendy
"Eh bakit kung maka-ngiti ka, abot hanggang tenga? Aysus."
"Wag ka nga"
"Nagkaroon lang ng cellphone suplada na oh."
"Bakit ka nga pala nandito?"
"Sleepover? Wala kasi sila mama kaya okay lang daw na pumunta muna ako dito. I brought foooooods." Pasayaw-sayaw pa na sabi nito.
Lumipas ang gabi at nakatulog naman sila ng maayos..
~*~*~
"Ha? Hanggang bukas ka pa dito?" Nagtatakang tanong ni Wendy.
"Yep." Sagot ni Irene sa kanya
"Paano yung sa baking niyo? Hindi kayo magpa-practice? Sumama ka na lang kaya sa'kin?"
"sus. Maaasahan naman yun si Jin. At saka okay lang ako dito sa bahay niyo noh. Ikaw naman. Sanay na ako dito."
"Ikaw lang kase maiiwan dito. Pupunta ako kila Kyungsoo para magbake. Okay lang naman siguro na tumulong ka sa'min. Turuan mo si Kai mag-bake"
"Eh? Kasama si Kai?"
"It's a long story.. Ano, okay lang?"
"Okay."
-----
"Ah Kyungsoo.. Sasama ko si Irene ha? Para siya na lang magturo kay Kai."
*sent*
Kakaba-kaba niyang text kay Kyungiebabe ko--niya.
"Sige. It's better. Para makapag-concentrate tayo din sa'tin" sagot ni Kyungsoo.
"Haha. Surprise Kai"
~*~*~
"And who are you?" Bumungad kila Wendy ang ate ni Kyungsoo na si Taeyeon
"Ah.. Kaklase po ako ni Kyungsoo sa cookery.. Kasama ko po yung kaibigan ko para tulungan kami" pagpapaliwanag ni Wendy
"Sure kang kaklase lang?!"
"Taeyeon! What are you doing?!" Sosyal oh. Paenglish-english pa si Kyungiebabes.
"Ikaw naman.. Iniinterview ko lang sila.. Baka mamaya masamang tao na pala sila. Mga ganon. Hehe sige. Pwede na kayong pumasok" sabi ni taeyeon. Tinulungan ni Kyungsoo sila Wendy sa mga dala nilang ingredients
"Ano ba yan, Seungina! Bakit ang tagal--" nagulat si Kai dahil nakita niya si Irene na kasama nila. Sa loob loob niya ay kumakanta na siya ng dalandan song.
"Haha surprise" bulonh ni Wendy kay Kai at e'to namang si Kai ay hindi na makagalaw si pinaroroonan niya
"Pwede mo siyang tulungan, Kai" sarkastikong banggit ni Wendy
Tumakbo si Kai papunta kay Irene at tinulungan ito
"Tulungan na kita diyan" syempre pachill pa'rin yang sunog na yan kahit sa loob loob niya ay nasusunog na siya.
Ibinigay ni Irene sa kanya yung mas mabigat na plastic bag
"Salamat"
"Heaveeeeen"
~*~*~
"Oh ayan. Dapat tama yung measures.. Kase kapag hindi, magiging fail yan. Huy! Nakikinig ka ba?" Tanong ni Irene kay Kai dahil pagkatingin niya dito ay nakatitig lang ito. Paano ba naman kasi. Nagpapantasya na si Kai.
"Ah eh oo.. Lalagay ko na ba yung flour?" Kinakabahang tanong ni Kai
"Teka lang muna wait.. May gagawin pa tayo.." Ang sabi ni Irene. Hindi mapigilan ni Kai na mapangiti sa sarili niya dahil ang cute-cute ni Irene kapag nakasuog ng baker's hat at pink na apron.
Sa kanilang dako, seryoso at tahimik lang nag nagbebake yung dalawa. Alam na kasi agad nila kung ano-ano ang mga dapat nilang gawin. Ang kaso lang...
"A-aray!" Sigaw ni Wendy. Bigla niya kasing na gupit yung daliri niya.
Agad namang nabalisa si Kyungsoo at tinigil ang ginagawa para matingnan si Wendy. Nakita niya ang dumudugong daliri ni Wendy. Agad niya itong kinuha at dahan-dahang hinugasan.
"Magdahan-dahan ka lang kasi" sabi ni Kyungsoo matapos niyang gawin iyon. Napatulala na lang si Wendy sa mga kamay nila. Nahawakan niya kamay ni kras! Hinahawakan ni kras kamay niya!
"Kyungsoo" may tumawag sa kanya at napaharap sila sa kanya ng subo-subo ni Kyungsoo yung nasugatang daliri ni Wendy
"Ahh classmate" natatawang sabi ni Taeyeon. Lumakad siya at pinaghiwalay yung dalawa
"At dahil diyan, tuturuan ko kayong mag-bake ng brownies"
BINABASA MO ANG
Changing the Playboy [EXO FANFIC]
FanfictionPaano kung nagpaturo sa'yo ang pinakaplayboy sa lahat ng playboy sa school niyo kung paano mangligaw at sa bestfriend mo pa? Papayag ka ba kung willing naman itong magbago? ©FansHope|GullinLuv