Pagkatapos na pagkatapos ng klase nila ay hinila ni Wendy si Kai sa music room para kausapin tungkol sa pangliligaw niya.
"Hindi ko alam na may ganitong side ka pala, mie" paasar na sabi ni Kai sakanya
"Bugok! Ikaw lang yon! Wag mo akong igaya sa'yo!" Sabi niya na hila-hila parin si Kai
"Secretive ka pala. Bakit ayaw mong sabihin kila Irene?" Napatigil naman si Wendy doon sa sinabi ni Kai
"Kakausapin nga kita tungkol don" mahinang sabi ni Wendy at nagpatuloy na sila sa paglalakad
Ilang minuto pa ay nakarating na rin sila sa music room at sinara ito ni Wendy.
"Ngayon, anong plano mo?" Tanong agad ni Wendy sa kanya. Umupo lang naman si Kai sa isang speaker
"Wala rin.. Kaya nga ako sa'yo nagpapatulong. Wala akong ideya dyan. Kung sa mga bugok naman ako nagpatulong, walang pag-asa don. Ako yata pinaka-matik sa kanila pagdating sa babae" pagyayabang ni Kai at konti na lang ay makukutusan niya na naman si Kai.
Napabuntong hininga na lamang si Wendy at nag-isip.
"Kapag hindi ka umayos hindi ka magugustuhan ni Irene. Alam mo bang MAPUTI ang ideal man ni Irene?"
"Wala namang ganyanan, Seungwan!"
"Jongina"
"Seungina"
At bigla silang tumahimik... A moment of silence for Kai's comeback XD
"Aghhh! Ako na ngang bahala! Sasabihin ko ba kila Irene o hindi!? Ikaw na ba magsasabi sa kanya kapag kayo na, ha?" Pagsisira ni Wendy sa katahimikan
"Ayos" at nag thumbs pa si Kai.
"Jongina mo talaga Kai. Umayos ka.. Wag mo na akong tawaging mie! Wag ka rin masyadong lalapit sa'kin dito sa school. Nag-sched ako ng meeting natin pagtapos ng klase. Every M-W-F. Masyado na akong inaasar ng mga kasama ko sa'yo. Nako. Baka iniisip nila na..." Wendy suddenly shivered. Iniisip niya pa lang na magiging sila ay kinikilabutan na siya
"Basta. Baka mamis-understood ni Irene." Pag-eexplain niya kay Kai
"Sige bahala ka. My lovelife is up to you, Son Seungwan" tumayo na si Kai sa pagkakaupo at tinapik yung balikat ni Wendy. Tumango lang naman si Wendy sa kanya at tuluyan ng pumunta sa may pintuan.. Ang kaso lang...
"Seungina" bulong ni Kai habang pinipilit na buksan yung pinto.
"Anong nangyare?" Tanong ni Wendy sa kanya at lumapit na rin ito sa may pintuan.
"Na-lock yung pinto galing sa labas"
Nagulat si Wendy sa sinabi ni Kai pero naisip niya na baka niloloko lang siya nito
Kaya't sinubukan itong buksan ni Wendy ngunit hindi niya ito nagawa. Kinatok-katok niya yung pinto at nagsisigaw pero walang sumasagot
"Jongina.. JONGINA BAKIT KAILANGANG MANGYARE 'TO?!" Sigaw ni Wendy at nag-hysterical na
"Hindi 'to pwede.. Hindi 'to pwede.." Bulong niya sa sarili niya
"Uy"
"Ay sunog na fried chicken!!"
"Hindi ko alam kung sinasadya mo yan oh ano eh"
Medyo natawa naman si Wendy. Hindi niya naman kasi intended yon. Nagulat lang talaga siya
"May cellphone ka ba?" Tanong ni Wendy kay Kai
"Oo." Nilabas niya at automatic ay nag-dial siya ng number. Ang kaso lang.. Biglang na dry yung battery niya
BINABASA MO ANG
Changing the Playboy [EXO FANFIC]
FanfictionPaano kung nagpaturo sa'yo ang pinakaplayboy sa lahat ng playboy sa school niyo kung paano mangligaw at sa bestfriend mo pa? Papayag ka ba kung willing naman itong magbago? ©FansHope|GullinLuv