V.

50 6 6
                                    

Wendy's POV:

"Ano pa nga bang kailangan natin?"

Oh my goooooosh! Am I in heaven already? Guuuuys! Si Kyungsoo my cutiepie katabi ko guys! Para kaming mag-asawa ngayon I kennat 😩😱😳😍

Nakatitig lang ako sa kanya ng biglang may malutong na tunog ang nanggaling sa noo ko

Napahawak tuloy ako dito at nakita kong tumawa si Kyungsoo ng onti

"Tinatanong kita kung anong gusto mong flavor nung cupcake." Sabi niya at pinitik na naman yung noo ko. Oo na! Malapad na! Ano ba kase kyungiebaby 😭

"Kahit ano" sabi ko habang hinihimas yung noo ko

"There's no such flavor" sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa'kin. Buti pa yung contents ng gatas napapansin niya 😭

"Chocolate?" Tanong ko

Binigyan niya lang ako ng thumbs up at lumakad na.

So ayun. Balik na naman sa kanina.. Nakatitig lang ako sa kanya. Habang kinukuha niya yung mga kailangan namin narealize kong napaka-husband material pala ni Kyungsoo. Lalo tuloy akong naiinlove kainis 😍

"Saan mo gustong kumain mamaya?"

"Ha? Ano yun kyungie-- ha? Saan? Kahit saan."

"There's no such place" ayan na naman siya sa sagot niya na yan. Hay...

"Pizza house?"

"Call"

~~~

Tapos na kaming mamili at asdfghjkl para kaming mag-asawa talaga!! 💕😍 newly-weds tapos nag-go-grocery kami ngayon kasi magbebake kami bukas.. Alam niyo yun? Yung mga ginagawa ng couples. 😍

Nagulat na lang ako kasi bigla akong nauntog. Bigla kasing tumigil si Kyungsoo, nauntog tuloy ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko

Bigla siyang humarap sa'kin at pinitik na naman yung noo ko "Wala"

"Teka! Bakit noo ko na naman?! Nakakatatlo ka na ah!" Sabi ko at hinimas na naman yung noo ko. Ano bang kasing meron sa noo ko?! 😭

"Sorry na. Haha Ang cute kase" napatigil naman ako sa ginagawa ko at pati siya mukhang nagulat sa sinabi niya

"Nung noo mo, nung noo mo. Haha" sabi niya at biglang ginulo yung buhok ko "Tara na nga"

So ayun.. Nandito na kami sa pizza house. Sa kabila nito ay bookstore.. Which is nandun si Kai.. Calling me. ... What? Anong problema nun?

"Kyunsoo, sorry ah. Nakalimutan ko lang. May bibilhin kasi ako sa bookstore. Don't worry, saglit lang." Pagpapa-alam ko. Nag-nod lang siya ng hindi man lang tumitingin sa'kin. Bakit kanina nakikitawa lang siya sa'kin tapos ngayon tahimik na naman siya? Ano ba yan! Pero syempre si Kyungiebaby yan. Ok lang 👍🏻

Tumakbo ako papuntang bookstore at nakakita ng buhay na sunog na fried chicken

Kumuha ako ng libro at muntik ko na yong mabato sa kanya. Nakalimutan kong babayaran ko nga pala 'to kung nagkataon. Ang kapal pa naman ehehe

"Hoy ikaw na sunog na fried chicken! Ano yung nakita ko kanina?!" Sigaw ko pabulong

"Wala yon! I swear! Si Krystal kase.. Gusto na namang makipag-balikan. Di kasi nagkaroon ng closure yung rela-- Aray!!" Ayon. Nabatukan ko na siya.

"Anong walang closure?! Ayusin mo na yon! Ngayon na! Asdfghjkl ughh! Akala ko ba gusto--mahal mo si Irene?! Kung oo, titigilan mo na si Krystal, magbe-bake ka mag-isa mo."

"Hindi ako marunong mag-bake!"

Ano ba yan.. Ano bang gagawin ko?! 😩

"tuturuan ka namin bukas ni Kyungsoo!" Sabi ko "ayusin mo lang yang tungkol kay Krystal ha. Kapag nakita ko pa ulit kayo sa Monday kalimutan mo nang tinulungan kita kay Irene"

Pagtapos nun ay binato ko sa kanya yung libro at umalis ng bookstore. Naiinis ako. Pero dapat ikalma ko yung sarili ko.

Bumalik na ako ng pizza house.

"Anong binili mo?"

"Wala dun eh. Yung The Little Prince"

"The Little Prince?" Parang biglang sumigla yung boses niya.

"Oo. Yung asteroid B-612"

"Yes!"

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka interesado.

So ayun. Habang kumakain kami nag-uusap kami tungkol don. Ang saya pala ng ganito.. Buti naman nakausap ko na si Kyungsoo.

~~~

"Sige na. Una ka na" sabi ko sa kanya

"Hindi ka pa uuwi?"

"Oo eh. Bibili pa ako ng phone"

"Samahan na kita." Pagvovolunteer niya. Ngumiti na lang ako. Syempre, makakasama ko pa siya ng mas matagal. O-oo ako syempre.

~

"ano bang mas maganda, Kyungsoo? Samsing o youPhone?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano dapat kong bilhin

"Samsing gamit ko. So yun yung isasuggest ko sa'yo" I nodded

"Sige, yun na lang"

At tinulungan niya akong pumili ng magandang phone. Isang samsing na kulay puti yung binili namin. Actually parehas kami ng model. Black yung sa kanya, puti yung akin.

"Salamat, Kyungsoo"

"Binilhan na rin kita ng sim card."

"Thank you" hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Ewan ko eh. Kanina pa nakikiliti yung tyan ko tapos hindi ko talaga mapigilang ngumiti

Okay.. Lalakasan ko na loob ko. Minsan lang 'to.

"Ano.. Pwede ba tayong mag-picture?" Sabi ko "R-remembrance" mga picture niya kasi sa'kin puro galing lang rin sa internet.

"Sure"

At kumuha na nga kami ng picture namin. It turned out well, kaso nagulat ako dahil bigla niyang kinuha yung phone ko. May ginawa siya dun ng nakangiti. Ang cute talaga ni kyungiebabe 💕

Binigay niya na sa'kin yung phone at nagsalita "hatid na kita sa inyo."

"Ah. Hindi na. Wag na. Susunduin ako ni manong eh. Actually andyan na ata siya"

"Sige. Hatid na lang kita sa kotse niyo" sabi niya at hindi ko na talaga ma-attain yung nararamdaman ko! Masyado na akong flattered.

So ayun. Na-una na ako sa kanya. Andito na ako sa kotse namin nang biglang tumog yung phone ko

From: Kyungie 😁

I had fun. Bukas ulit. Take care of your new phone. Thank you.

He had fun daw! FUN!

"Best day!"

Wendy changed Kyungie 😁 to Kyungie 💕

Changing the Playboy [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon