I.

116 8 10
                                    

Normal na araw lang ito para kay Wendy at sa mga kaibigan niya. Napagpasyahan nilang sabay-sabay silang uuwi at pupunta sa bahay niya para ituloy ang panonood nila ng "It's okay, It's love".

Nagulat na lang silang lahat dahil bigla siyang tinawag ng isang "oh so hot greek god" known as Kai-- the playboy

"Hoy Wendy, tawag ka daw ni Kai oh." Sambit sa kanya ni Yeri na halata mong hindi mapakali dahil nga sa hot 'tong sunog na 'to. Sa sobrang pagka-hot ay nasunog na pati sarili niya.

Tinaasan naman ng kilay ni Wendy si Kai. Sa totoo lang, kahit may itsura si Kai ay ayaw na ayaw niya dito. Pero hindi siya yung hater na lantaran.

"Anong kailangan mo?" Masungit na pagtatanong ni Wendy.

"Gusto sana kitang kausapin.. Yung tayong dalawa lang.." Nagpakyut pa 'tong sunog na 'to hindi naman gumana kay Wendy. Makikita mo naman na hindi mapakali si Joy at Yeri.

"Sorry Sungjae. Ngayon lang naman" bulong ni Joy sa kanyang sarili

"Guys, ako daw muna kakausapin niya. Wag muna kayong magsalita. Oh sige, anong sasabihin mo?" Sagot ni Wendy

"Pwede yung tayo lang makaka-alam ng pag-uusapan natin?" Halata mo sa mukha ni Kai na medyo nainis siya sa ginawa ni Wendy dahil for the first time ay pinilosopo siya ng isang babae. Tama nga ang narinig niya.

"Bigyan mo muna ako ng rason kung--" naudlot naman si Wendy dahil nagsalita bigla si Irene.

Napatingin naman si Kai sa kanya at mukhang natatae dahil sa kilig

"Kausapin mo na Wendy. Pupunta na lang kami sa inyo" sabi ni'to at ngumiti na para kila Wendy at Kai ay mukha itong anghel

"Ah sige" nagulat sila dahil pati si Kai ay sumagot

"Ibig sabihin ko. Ah sige, okay lang ba talaga sa inyo?" Sabi niya at dagdagan mo na ng pagpapakyut kay Irene. Kunyare makati yung batok niya. May balakubak ata.

"Sige. Wendy ha, una na kami. Bye" sabi niya at nauna na yung apat kay Wendy

Parehas naman sila ni Kai na sinundan ng tingin ang mga ito hanggang mawala na sila sa paningin nila

"Ano bang sasabihin mo?" Iritadong tanong ni Wendy

"Sasabihin ko na ng straight to the point. Gusto ko si Irene at magpapatulong sana ako kung paano ko siya liligawan" alam naman na ni Kai na ayaw sa kanya ni Wendy. Nagulat naman ito dahil tumawa ng malakas si Wendy. Tawang mala-tita mo ang peg. Wagas.

"Nagjojoke ka ba Kai? Jongina, boom yon ah" at tumawa na naman siya ng malakas. Nagulat naman si Kai dahil ginamit pa talaga ni'tong pamalit sa mura yung pangalan niya

"Seryoso ako Wendy"

"Hindi ako payag. Baka mamaya lokohin mo pa si Irene. Makonsensya pa ako. Kilala ka kaya ng buong Exodus Academy bilang playboy"

"Kaya nga sa'yo ako nagpapatulog. Sa bestfriend niya para mapatunayan kong gusto ko siya. Tingin mo ba gagawin ko 'to kung lolokohin ko lang siya? Tingin mo ba hindi ko lulunukin yung pride kong magpatulong sa'yo kung hindi ako seryoso sa kanya? Wag namang ganun."

"Yep. Baka mamaya, dare lang pala sa'yo 'to ng mga kaibigan mo" naiinis na si Kai. Mabuti na lang at naging babae si Wendy. Napapaface palm na si Kai at wala siyang choice kundi i-blackmail siya.

"Sasabihin ko kay Kyungsoo na maingay ka rin pala. Mas maingay pa sa pinagsamang Chanyeol hyung at Baekhyun hyung" ngingiti-ngiting sabi ni Kai. Pero parang wala lang ito kay Wendy

"Asa namang maniniwala sa'yo si Kyungsoo. At saka hindi niya naman ako kilala."

"Hindi mo ba alam na nanood siya ng dance at song cover niyo noong nagkaroon ng festival dito sa school? At talagang humanga siya sa galing mo."

"Hindi mo ako maloloko."

"Gusto mo bang ipakita ka sa'yong may saved picture ka ni Kyungsoo hyung sa phone niya para mapaniwala pa kita?" Hindi na alam ni Wendy kung maniniwala ba siya kay Kai pero the thought na may naka-save na picture niya sa phone ni Kwago este ni Kyungsoo ay nagpapakilig sa kanya

"Bahala ka. Wala akong oras makipag-lokohan sa'yo"

At umalis na nga itong si Wendy. Pero hinabol pa rin siya ni Kai at nangulit. Hanggang sa may tumawag kay Kai.

Alam niya yung boses na yun. At kay Chanyeol yun. Ibig sabihin lang ni'to ay andyan rin si Kyungsoo kaya agad na hinawakan ni Kai ang kamay ni Wendy

"Ano ba?!" Reklamo ng babae at napalingon naman siya. Nakita niya kaagad si Kyungsoo na maliit-- yung bag.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Wendy

"Oh, bakit kanina lang ang sweet mo sa'kin? Nahihiya ka ba, mie?" Aba! At tinawag pa siya ni Kai ng shortened word for mommy. Nagsitaasan naman ang balahibo ni Wendy

"Kakasagot mo lang sa'kin kanina diba?" Pasweet pa 'tong sunog na 'to pero san ka, minumurder na yan sa isip ni Wendy

"Wow. Pang-ilan mo na yan ngayong araw?" Tanong agad ni Baekhyun at nakatanggap lang naman 'to ng mid fing galing kay Kai

"Kailan mo ako tatanungin Kai oppa?" Pagbibiro ni Chanyeol

Nakita ni Wendy na nag-thumbs up lang si Kyungsoo kay Kai

At agad siyang napasigaw ng "I can explain!!"

"Anong I-eexplain mo, mie?"

Hinila naman ni Wendy pababa si Kai para makabulong sa kanya at tumingkayad pa #pandakproblems nga naman.

"Sige na. Oo na. Payag na ako. Ayusin mo lang 'to, BUGOK!!" Bulong ni Wendy at nakatanggap pa ng bonus na batok si Kai

Agad naman na inakbayan ni Kai si Wendy

"Joke lang guys. Naniwala naman agad kayo, e'to nga pala si Wendy, kaklase ko na may gusto kay K--" hindi na natuloy pa yung sasabihin ni Kai dahil siniko na siya ni Wendy

"Nice to meet you. Una na ako ah. Tinanong lang naman ako ni Kai tungkol sa report namin. Bye" sabi Ni Wendy at bago siya umalis ay tiningnan niya ng masama si Kai

Nag-wave naman 'tong sunog na 'to na parang bata.

"Bye, mie!!"

Changing the Playboy [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon