VI.

46 6 2
                                    

Kai's POV:

"Krystal, please. Could you stop? I told you already. May gusto akong iba." Ilang beses ko ng pinapalayo si Krystal pero bakit ba ang kulit kulit niya?! At saka matagal nang nangyare yung sa'min. Hindi pa'rin siya maka-getover sa kagwapuhan ko.

"Sige, tell me. Sino yan? Mas maganda ba sa'kin? Mas matalino? Mas talented? Wag mong sabihing yung Wendy na yon yan!" Minsan iniisip ko rin kung anong naisipan ko at pinatulan ko pa ang babaeng katulad niya.

Bigla akong nainis. Don't get me wrong, wala akong gusto kay Wendy sadyang ang sarap niya lang talagang asarin. But I can't stand Krystal's statement. Walang problema kay Wendy. Kung una kong nakilala si Wendy, baka sa kanya nga ako nagkagusto.

"Oo siya nga. What's wrong with her?"

"Arghh! I hate you!" Sigaw niya at binato yung mga pinamili namin "mag-bake ka mag-isa mo! Tandaan mo Jongin, this is not the end" Habol niya at pagalit na umalis.

I just shrugged. Tutulungan naman ako ni Wendy eh.

Right?

~~~~~~

Dumiretso ako kila Kyungsoo. Sigurado naman akong naka-uwi na yon eh.

"Oh, Kuya Jongin. Wala si kuya dito. Sabi niya pupunta lang daw siyang mall"

"okay lang. Hihintayin ko na lang siya."

"Ey ey ey! Hindi waiting shed ang bahay namin. Bayad muna." Sabi niya at inilahad yung kamay niya sa'kin. Kinuha ko agad yung wallet ko at dinukot ang isang picture ni Chanyeol. Buti nalang talaga hindi nila kinukuha sa'kin wallet ko. Kung hindi... Ewan ko kung anong gagawin nung mga mokong na yon.

Marami akong pictures ng mga kabarkada ko dito. Lahat sila meron. Wala. Baka kailanganin ko eh.

"Uwaaaaaah!! Ang gwapo ni Chanyeol-senpai dito oh! 😍"

Siya nga pala, may kapatid si Kyungsoo na patay na patay kay Chanyeol. Ugh.. I know. Kahit ako hindi makapaniwala.

Siya si Gayoung.

"Sige kuya. Kuha ka nalang pagkain sa fridge. Ehehe salamat!!!" Sigaw niya at excited na umakyat sa kwarto niya.

Pumunta akong kusina para kumuha na makakain.

"Psst. Ibalik mo sa pinanggalingan yan. Who are you and how did you get here?" Dahan-dahan akong lumingon dahil bago sa'kin ang boses niya. Wag mong sabihing... Nope. Nope. Nope. Seungina naman oh. Paano na ako tatambay dito?!

"Hi ate Taeyeon" humarap ako at binati siya na parang bata

"Jongin?! Hahahaha ang tangkad mo na ah!" Maliit kalang talaga ate "Pumuti ka pa!" Tapos tumawa na siya ng wagas. Di bale ng moreno. Gwapo pa'rin ako

~~~~

"So... May nililigawan ba si Kyungsoo?" Sabi ko na at mapupunta at mapupunta pa'rin dito yung usapan namin

"Taeyeon!!" Wala talagang galang 'to si Kyungsoo pagdating sa ate niya

"Kyungsooooooo" sabi nito

"Wag kang makikinig kay Kai!"

"Na mabait ka sa school? Nako.. Lahot ka kila mama"

"Maniwala sa inyo!" At lumakad na siya papuntang hagdanan napatawa tuloy kami ni Ate Taeyeon

"Oo nga pala. Sasama ako sa inyo ni Wendy mag-bake bukas." Habol ko. Napatigil siya pero tumuloy rin. Hindi man lang tumango. Anong problema nun?

xx

A/N: sorry po kung ang tagal ko na ngang hindi nag-update, sabaw pa. Babawi na lang po ako sa susunod :)

Changing the Playboy [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon