This is it!

27 0 0
                                    

Kyles POV

So ayun 5 am na ng umaga bumangon na ako. Hirap pa ako tumayo kasi may mga pasa pa ako sa katawan.

"Ahhhhh" Sabi ko habang bumabangon habang natunugan ang mga buto ko sa katawan.

"Kailangan kong pumasok kaya ko to!" Sabi ko at unti-unti na ako na ako bumangon.

Pag dating ko sa room nagkakaguluhan pa sila dahil wala pang teacher. Umupo na ako sa upuan ko at binaba ko ang bag ko.

"Hi!" Sigaw ni Joy sakin

"Hello" Sabi ko sakanya ng mabagal

"Okay ka lang?" Tanong niya sakin habang tinapik yung pasa ko.

"Aray!" Sigaw ko!

"Oops sorry!" Sabi ni joy sakin

"Salamat nga pala ha kahapon kung hindi sayo.... Ummmm" Sabay titig sakin

"Kung hindi ano?" Sagot ko habang kinukuwa ko yung notebook ko sa bag. At dahil di nakasagot si joy inulit ko yung sinabi ko. "Ano nga?"

That time napatingin ako kay Joy. Nakatitig siya sakin na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Bumilis ang tibok ng puso ko tumititig narin pala ako sa kanya.

Biglang bumitaw ng titig si Joy at sinabing "Salamat kahapon, Salamat!"

"Ahh- Ahh yun ba?, Wala yun" Sabay tawa ng kunti.

Dumating na si sir tumahimik na ang lahat at nag upuan na din. Umupo na rin si Joy sa tabi ko pati si Kev.

Nung nag discuss na si Sir ay hindi ko mapigilang tumingin kay joy.

Sa isip ko.

"Ang ganda ni Joy noh?"

At biglang tumingin si Joy sakin. "Ohh bat ka nakatingin sakin?" Tanong niya sakin.

"Wala lang" Sabi ko habang nakangiti sa kanya

At may sumigaw ng..

"Kyle! Ano pinag uuspan niyo ni Joy? Di ka ba nakikinig sakin? Gusto mo bang lumabas ng room?!"

(-.-")

"Ayyy! Hindi po sir wala po!" Sagot ko kay sir at biglang humirit si kevin! "Baka naman nagkakagustuhan na kayo?!" At hiyawan ang buong room!

"Quiet!" Sigaw ni Sir at tumahimik na sila.

Napahiya ako nun pero parang kay joy wala lang.

Buong class hour ay hindi na ako nakapag salita. At tumunog na ang bell. Recess na pala. Inalok ako nila kevin kung gusto ko daw bang sumama sa kanila. Ayaw kong sumama sa kanila kasi alam kong pag tritripan lang nila ako kaya ang sabi ko "Hindi pa ako gutom, Mauna na kayo" So iniwan na nila ako.

Yumuko nalang ako sa desk ko. "Ano ba tong nangyayari sakin?! Hayyyy!" Sabay kamot sa ulo

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Joy kasama yung mga kaibigan niya. Kala ko aalis na siya ginulat niya ako at sinabing "Di ka pa ba kakain?"

Sumagot ako ng ayaw ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Joy sakin

"Basta ayaw ko" Sagot ko

Hinatak ako ni Joy at nag pupumigil ako dahil ano nanaman sasabihan nila kev pag nakita nila ako kasama ni Joy paniguradong trip nanaman nila ako.

"Sumama ka na!" Sabi sakin ni Joy

Gusto ko rin naman eh natatakot lang ako sa balitang ka M.U ni Joy na si Paul. Maraming ka tropa yun eh at ayokong masira ang relasyon nila Joy nang dahil sakin.

"Hay sige na nga!" Sabi ko sakanya at tuwang tuwa naman si Joy. Habang pababa kami ay hatak-hatak ako ni Joy grabe! Sobrang daming nag titinginan samin. Yung mga tao kasi dito school laging may mali sa iniisip nila.

Ayun! Nilibre ako ni Joy ng food. Ako naman kain lang ng kain hanggang sa nag time na.

Habang nag susulat ako ng lecture ay hindi ako mapakali. Tingin ako ng tingin kay Joy karamihan tuloy sa lecture ko hindi tapos! Pero okay lang at least masaya ako kasama ang bestfriend na crush ko. Hahaha.

Nung nag uwian na at nag lalakad ako sa campus pa uwi ay hinatak nanaman ako ni Joy

"Tara may papakita ako sayo" Sabi niya sakin.

Agad naman ako sumama dahil gusto ko rin makita yun. Umakyat kami sa burol at nakita namin ang sunset! Wow! Ang ganda dito!

"Oh nga pala Joy bat na sama mo ako dito?" Tanong ko sakanya.

"Huh? Wa-wala lang" Sagot niya

"Weh?"

Di ako naniniwala dahil kilala ko si Joy di siya mahilig sa mga bagay ng walang dahilan.

Di na sumagot si Joy at napagisip isip ko na sabihin ko na kay Joy na gusto ko siya! Wala na akong paki alam kung magalit man siya oh hindi.

"Alam mo Joy...." Dahan dahan kong sinabi

"Hmmm? Ano yun?" Sagot ni Joy.

THIS IS IT!

"Gusto kita eh. ."

-------------------------------------------

Lucky I'm With You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon