Kyle’s POV
Pagka uwi ko, nagdadabog akong umakyat sa kwarto ko. Pakshet, ang galing manira ng mood ni Paula. Sabi ko tulungan niya ako, ang ginawa niya lang pinalala niya lang ang sitwasyon. Oras na siguro para mag MOVE-ON! Nagpalit ako ng damit pantulog, pinatay ang ilaw tsaka natulog.
Joy’s POV
Nakita ko si Kyle mukhang kaaway si Paula. Wala akong magawa dahil ayoko naman bastusin si Mark. Napaka EPIC FAIL na naisip ni Paula. Pumasok siya sa bahay may dalang bulaklak. Na figure out ko na agad na dala ito ni Kyle at nabadtrip kaya naman binigay kay Paula.
“Nakikinig ka ba?” Tanong sa’kin ni Mark.
“Ayy, nasaan nab a ulit tayo? Sorry ha?” Katwiran ko.
“Sabi ko ang ganda ganda mo Joy!” Sabi ni Mark kaya naman kinilig ako. Sino naman hindi kikiligin kung sa isang gwapo mangagaling iyon?
Dumirecho si Paula sa kwarto ko dala-dala ang mga bulaklak. Habang ako inin-tertain ko lang si Mark. Pero may isang tanong na hindi ko inaasahan.
“Joy pwede bang mag tanong?” Sabi ni Mark.
“Mark, nagtatanong ka na kaya?” Sarcastic kong sagot kaya naman natawa kami.
“Seryoso na ulit. Kung any chance ba Joy…”Putol na sabi ni Mark.
“Kung any chance ano?” Napakamot ulo ako sa tatanong ni Mark.
“Pwede ba akong manligaw?” Tanong niya.
Nagulat ako sa tanong ni Mark, napatakip pa nga ako ng bibig eh. Si Mark nakangiti lang sa ‘kin. Di ko alam ang isasagot ko pero ayoko naman siyang maging malungkot. Oo, siya yung taong bigla na lang papasok sa buhay mo pero kahit ganu’n alam kong mabuting tao si Mark.
“Ha? Ewan? Siguro naman pwede?” Di ako sure sa sagot ko.
“Ahh, sige thank you,” sagot niyang mahinahon.
Kakunting oras na lang umalis na rin si Mark. Pumasok na ako sa kwarto. Tumambad sa ‘kin ang nakasimangot na Paula. Napatingin ako sa orasan malapit na pa lang mag 11.
“Di ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo ako pa sisihin,” sabi ko sa kanya.
“Hindi, hindi ‘yan. Ano nangyari sa inyo ni Mark?” Tanong niya.
“Ayun,” maikling sagot tapos na ngiti ako.
“Ano? Parang alam ko na,” sagot niya habang tumatawa.
“Oo na, nag paalam para manligaw,” mahinang sagot ko kasi baka marinig ni Mama.
“Ano naman sabi mo? Pinayagan mo? Shocks! Kinikilig ako!”
“Syempre, sino ba ang hihinde di’ba?” Sagot ko sa kanya.
Napatingin ako sa isang vase na nasa study table ko. Ito yung flowers na dala ni Kyle. Napaka ganda naman nito. Saan niya kaya ito nakuha?
“Dapat pala mauuna si Kyle, kinuha niya pa kasi yung mga flowers na ‘yan kaya naunahan siya ni Mark,” mahinang singit ni Paula.
Bigla na lang may nabuong guilt sa loob ko. Dapat pala hinabol ko na si Kyle kanina…
Hindi nagtagal umalis na rin si Paula dahil gabi na. Puyat nanaman ako, baka ma-late nanaman ako bukas. Nag palit ako tsaka ako natulog.