Lucky I'm With You Chapter 16: Suspended!

10 1 0
                                    

Kinabukasan pag pasok ko sa school hindi ako dumiretcho sa classroom di tulad ng kinaugalian dumiretcho ako sa guidance office para sa community service ko. Pagbabayaran ko ang kasalanan na hindi ako nag umpisa. Ang unfair naman ‘eh! Pero wala akong magagawa.

          “Oh, Kyle you’re here early,” sabi ng guidance staff sa ‘kin.

          “Is there something wrong ma’am?” Pabalang na sagot ko.

          “Nothing, here stamp this papers and bring them to the principal’s office,” sabi niya habang inaabot ang kabundok na papel.

          Napamura ako sa isip ko. Seryoso? Lahat ng ‘to?! Kahit sobrang labag sa kalooban ko kinuha ko ang mga papel at sinimulan ko na itong tatakan. Sa bawat papel na tinatatakan ko palakas ng palakas ang tatak na ginagawa ko. Hanggang sa mapansin ng isang staff.

          “Galit ka ba sa mundo?!” Galit na tanong nito.

          Umiling lang ako at nag dahan-dahan na lang sa pagtatak baka mamaya madagdagan pa ang days of suspension ko. Kamusta na kaya ang mga classmates ko? Panigurado masayang-masaya si Vincent! Bababa ang mga grades ko dahil hindi ako pwede kumuha ng sw’s, hw’s, at special quizzes. Bwiset! Bigla na lang tumunog ang bell sa may pintuan ng office akala ko kung sino pumasok isang istudyante rin pala na suspended.

          “Aimee, kindly help Kyle,” utos sa kanya ng staff.

          Nagdadabog na ibinaba ni Aimee ang bag niya sa lapag. Paniguradong ayaw  ‘rin nito sa suspension niya. Ibinigay ko sa kanya ang mas makapal na stacks para kakaunti na lang ang tatatakan ko.  Hindi naman siya nag reklamo at nag simula na ‘rin mag stamp. Maya-maya pa’y natapos na ako sa pag i-stamp habang si Aimee halos wala pa sa kalahati. Ang bagal kasi niya ‘eh.

          “Need help?” Prisinta ko sa kanya.

          Hindi siya sumagot pero binigay niya ang mas maraming paper sa ‘kin. Halos 1/4  na lang nga ang matira sa kanya.

          “Huh? Ang unfair naman ng hati mo,” sabi ko sa kanya.

          “’Eh, kanina ba? Fair din ba ang hati mo?” Sagot niya naman.

          Napahiya ako sa sagot niya pero parehas kami natawa. May punto naman siya ‘eh. Nung natapos na kami sa pag stamp sinimulan kong buhatin ang mas konting stacks. Napansin ito ni Aimee kaya naman sinipa niya ako sa hita.

          “Aray!”

          “Alam mo napaka duga mo! Kanina ka pa ha?!” Galit na sabi ni Aimee.

          Tinawanan ko lang si Aimee, pero binuhat ko rin ang kalahati ng stacks niya at nagsimula na kaming maglakad para dalhin ito sa princ-epal, I mean principal’s office. Habang naglalakad, hindi ko naiwasang hindi usisain kung sino si Aimee.

          “Ano nga pala ang full name mo?” Tanong ko sa kanya na parang ang awkward.

          “Aimee Sebastian, ikaw?”

          “Ako naman si Kyle, Kyle Mariano,” sagot ko sa kanya.

          “I’m pleased to meet you!” Sabay abot ng kamay niya para sa isang shake hands.

          “Mamaya na tayo mag shake hands pwede? Baka mahulog itong mga papers. Mahirap magpulot, hahahaha,” biro ‘kong ganu’n.

          Tumawa si Aimee, mukhang mabenta ang jokes ko sa kanya. Pagdating naming sa Principal’s office ibinaba ko ang mga papers sa table ng secretary. Paglabas naming dalawa du’n kami nag shake hands. Pabalik sa guidance office muli kaming nagkwentuhan.

Lucky I'm With You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon