Chapter 11: Susuko na ba?

11 0 0
                                    

Kyle's POV

*beep* *beep* *beep*

Nagising ako ng 2:46am nag ring kasi yung cellphone ko.

"Ang aga pa pala," Bulong kong ganon

"Aaaaaaaaaahhhh," Bumangon ako sa kama ko at nag unat ng katawan.

Pumunta ako sa may pintuan ko dahil nandun ang switch. Binuksan ko yung ilaw

[Switch]

Napapikit ako sa lakas ng ilaw! Nag luha pa nga yung mata ko eh!

"Sino ba 'tong nag text?"

Kinuha ko yung cellphone ko sa may kama ko tapos binuksan ko yung message.

1 New Message from Joy <3

"Uy gising ka pa?" yun ang text niya sakin

Si Joy? ‘Bat naman magtetext yun ng gantong oras? Tinignan ko ang message details 2:30 ko na-receive ang message. Ni-replayan ko sib Joy nagbabasakaling gising pa siya.

“Uyyy, bakit gising ka pa ng gantong oras?” ayun lang yung nireply ko sakanya.

Binulsa ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto ko. Sumilip ako sa hallway, napakadilim! Wala ka talagang makikita. Lumakad ako ng kunti at kinapa ang switch. Noong nakapa ko na binukasan ko at biglang lumiwanag ang hallway. Bumaba ako ng hagdanan at binuksan din ang mga ilaw. 

        Dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng tubig na maiinom. Pagkainom ko biglang nag ring ang cellphone ko. Binaba ko ang baso at inabot ang cellphone sa aking bulsa. Inaasahan ko ng si Joy ang nag reply.

“Hindi kasi ako makatulog. Nabakasakaling gising ka pa kaya tinext kita.” Ang reply sakin ni Joy.

“Bakit naman hindi ka makatulog? May pasok pa tayo mamaya! Baka malate ka pa niyan? Diba wala ka pang late? Saying naman ang ‘perfect attendance’ kung magkakaroon ka ng isang late. Hahahahaha!” yun naman ang reply ko sakaniya.

Pinasok ko ang tubig sa ref., pinatay ang mga ilaw, at pumasok ulit sa kwarto ko. Humiga na ako sa kama ko at hinintay mag reply si Joy pero sa sobrang tagal nung susunod niyang reply hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagvibrate ang cellphone ko ng 7:00am. Sakto lang ang gising ko. Nakita kong may message nanaman pala ako kay Joy.

“Naistorbo ba kita? Sorry! By the way, Goodmornight =).” Lokong ‘to gising pa pala kagabi. Nakatulog kaya ‘to?

Bumangon ako ng kama, naghilamos, pumunta sa dining table para mag almusal, at pumasok. Naglakad ako papuntang kanto napansin ‘kong gawa na ang daan kaya hindi ko ng kailangan dumaan doon sa eskinatang iyon. Pag-dating ko sa kanto pumara ako ng dyip at sumakay. Nag-bayad ako at bumaba sa school. Isang pangkaraniwang araw nanaman para sakin. Umakyat ako sa floor naming sa tapat ng room nakikita kong nagkakagulo pa ang mga classmate ko ibig-sabihin wala pa ang teacher namin ng first period.

Dumiretso ako ng pasok at umupo sa aking upuan. Napansin kong wala pa si Joy. Mukhang malalate nga siya. Hahahaha! Buti nga hindi niya makukumpleto ang perfect attendance! Pumunta ako ng locker ko para kunin ang libro at notebook ko para sa first to subjects ng umaga. Nakita ko ang pinto ng locker ko na parang nayupi pagkabukas ko may nakita akong sticky note na may nakasulat na ‘layuan mo si Joy’. Luminga ako sa classroom para tignan kung may nakatingin sakin.

“Sino kaya ‘to?” tanong ko sa sarili ko.

Nilamukos ko na lang ang sticky note, kinuha ang mga gamit ko, at bumalik sa upuan ko. Nilagay ko sa bulsa ng bag ko ang sticky note. Biglang dumating sila Vincent at umupo sa tabi ko.

Lucky I'm With You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon