Kyle’s POV
Nagtatanggal pa ako ng muta ng pumasok ako sa campus. Habang humihikab pa ako at nag uunat ng makarating sa guidance office. Napuyat ako kagabi. Wala pa si Aimee, mukhang mamaya pa siya papasok. Malapit nang mag 7am kaya naman nag mamadali na halos lahat ng istudyante. Malamig sa loob ng office, inaantok ako!
“Paki dala naman ‘tong mga filler sa sections,” sabi nung isang coordinator.
Ughh, fine. Kinuha ko yung mga filler at tinignan ang mga sections nito. Sa amin pala ito. Lumabas na ako sa office, naasar ako dahil isa pala itong long quiz sa science. Paniguradong babagsak ang mga grades ko nito. Umakyat ako sa fourth floor para lang mamigay ng mga fillers nila. Nung nasa tapat na ako ng section ko, medyo nag alangan akong kumatok. Panigurado kasing uulanin nanaman ako ng asar. Pero wala akong choice, so kumatok ako.
May nag bukas naman agad nagulat pa nga nang nakita ako.
“Oh, Kyle anong ginagawa mo dito di ‘ba suspended ka?” Sabi ng classmate ko.
“Baliw, ito na yung mga feeler niyo. IPAMIGAY MO ha?” Sagot ko sa kanya sabay kindat.
Nakuha naman niya ito. Bumaba na ulit ako sa office. Sakto naman na nandoon na si Aimee.
“Day two, last day na natin tomorrow,” sabi ni Aimee sa ‘kin habang nakangiti.
“Oo nga ‘eh,” maikling sagot ko.
Joy’s POV
Recess time na. Papunta ako sa locker para kunin ang mga books para sa mga susunod na subjects. Nagulat ako ng biglang bumuhos ang napakaraming sobre pag bukas ko ng pinto ng locker ko. Ano nanaman ‘tong kalokohan na ‘to? Inisa-isa ko ang mga sobre. Puro love letters ito. Pamilyar ang mga sulat na ‘to sa ‘kin. Isang tao lang ang nagsulat nito. Masasabi ito sa strokes ng mga letters at ang pagkapareho ng pagkatupi ng mga envelope.
“Mukhang meron nanliligaw sa’yo Joy ha?” Hirit ng isang classmate ko.
Panigurado si Mark ang may pakana nito. Imposibleng si Kyle dahil suspended siya ngayon. Pinulot ko ang mga sulat at inilagay ito sa loob ng bag ko. Baka kasi makita ng teachers pati ako ma-suspend. Wala si Paula ngayon absent siya dahil meron “daw” silang family reunion. Ewan ko kung reason niya lang iyon. Mag-isa akong mag rerecess ngayon. Bumaba na ako grounds para bumili sa canteen ng makakain. Habang nag lalakad naisipan kong ayain si Kyle na samahan ako. Ililibre ko na siya para sumama na agad siya. Isang magandang pagkakataon na ‘rin para sabihin ang nararamdaman ko. Ano kaya magiging reaksyon nu’n? Kunting hakbang na lang malapit na ako sa guidance office nang biglang makarinig ako ng tawa. Isang tawa na lagi kong naririnig dati. Alam ko na tawa ni Kyle ‘yon.
Masaya akong sumilip sa kanto, pero hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Nagtatawanan sila nung babaeng kasama niya kahapon. Sino ba talaga siya? Hindi na ako makapagtimpi, nilapitan ko na sila para alamin kung ano ba ang relasyon nila ni Kyle.
“Sino ba talaga siya Kyle?!” Galit na tanong ko. Pareho naman silang napatingin sa ‘kin.
“Ah, siya ba? Siya si Aimee. Kasama k—“ Putol na sabi ni Kyle dahil nagsalita na ulit ako.
“Ano mo siya?!”
“Woah, Joy ano nangyayari sa’yo? Kaibigan ko lang siya,” sabi ni Kyle sabay tayo sa inuupuan niya.