(A/N) ‘Wag kayong magugulat kung tatalon ang story ngayon. Nahihirapan na kasi ako kung double stories ang inuupdate ko. Isa pa, short story lang talaga ito. Umabot lang ‘to ng chapter 20 dahil sa katamaran ko dati XD Last chapter na ‘to. Kung gusto niyo ng revision or part 2 comment lang po kayo. Feel free! Malalaman niyo na kung sino si Secret Admirer!
Joy’s POV
Months passed, first day ng school festival. Sa isang buwan na nakalipas marami ang nangyari. Unang-una, si Kyle. Hindi na siya sumasama sa ‘kin. Lagi niya ng kasama si Aimee. Minsan nga kung umusta sila daig na nila ang magsyota. Ako naman, hindi ko na nasabi kay Kyle ang tunay na nararamdaman ko. Nakikita ko na kasi na masaya siya pag kasama niya si Aimee. I’ll keep him that way na lang. Si Mark naman, na drop-out. Parang sinira niya ang buhay niya ng mawala ang babaeng minahal niya dati.
Nakaupo lang ako sa isang school bench habang nag-iisip kung ano ang gagawin ngayon. Lalo na school festival ngayon. Nami-miss ko na si Kyle. Isang buwan kaming hindi nag pansinan dahilan sinumulan ko na siyang iwasan. Oo nga pala, si Secret Admirer? Naglalagay pa ‘rin siya ng mga sulat sa locker ko. Hindi ko pa ‘rin siya kilala. May balak nga ba siya magpakilala? Hay, ewan ko.
Ang sungit naman ng tadhana sa ‘kin. ‘Di bale na, choosy naman kasi ako dati ‘eh. Nandiyan na si Kyle nag-inarte pa ako. Parang ayoko na tuloy.
“Psst, Joy. Sama ka sa amin. May ipapakita lang kami sa’yo,” sabi ng mga classmates ko habang hinihila ako sa bench na inuupuan ko.
“Hala? Ano nanaman iyan?” Nag aalala na tanong ko.
Hindi na sila sumagot at hinila pa nila ako ng mas malakas. Sumama na lang ako kasi gusto ko ‘din naman malaman iyon. Dinala lang nila ako sa classroom namin. Pero nagulat ako ng mayroong red carpet na nakalatag at may mga rose petals ito. Ang mga tao sa loob ng room, kunwari kung ano-ano lang ang ginagawa parang hindi nga nila alam na mayroong carpet ‘dun eh. Sinundan ko ang carpet. Dulo nito ang locker ko.
“Open me!” Nakasulat sa locker ko.
Binuksan ko ang locker ko at mayroon lang akong nakita 4 na piraso ng papel.
Binasa ko ito isa-isa at ito ang mga nakalagay.
“Will” nakasulat sa unang papel.
“You” pangalawang papel.
“Be?” Pangatlo.
“Turn around,” nakasulat sa huling papel.
Tumalikod ako kasi sabi nung papel. Nagulat na lang ako nang lahat ng classmate ko nakapila. May hawak silang roses. Nagulat ako ng isa-isa nilang iniabot ito sa ‘kin. Ito na ba talaga si Secret Admirer?
Nakompleto na ang roses. May isang tao lang akong hindi napapansin sa loob ng room. Si Kyle. Yung panghuling tao nakamask kaya hindi ko siya makilala. Wala siyang hawak na bulaklak. Dahan-dahan siyang gumalaw para tanggalin ang kanyang mask. Bukod tanging siya lang ang naka suit sa mga kalalakihan. Omg! Excited na ako!
Nung tuluyan na natanggal ang mask si Kyle pala ang nasa likod nito.
“Girlfriend?” Sabi niya. Siya ang tumapos nung sentence! Siya si Secret Admirer?!
Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat. All this time akala ko wala na siya.
“Bakit sa locker ka nanligaw?” Tanong ko sa kanya at natawa lahat ng tao sa room kabilang siya.
“I guess, masyado akong torpe para ligawan ka sa personal. Pero sa nakikita ko sa’yo ngayon parang nagustuhan mo naman,” sagot niya.
Lumapit siya sa ‘kin ng dahan-dahan at hinatak ako papunta sa gitna ng room. Nakakahiya! Ang daming tao!
“Pero, akala ko si Aimee na ang mahal mo?”
“Pfft, ako nga ang tumulong sa kanya ‘eh!” Sabi ni Aimee na nasa gilid ng room.
“Paano mo nagawa ilagay ang mga unang letters kung suspended ka?”
“Meron akong kaibagan Joy,” sagot naman ni Kyle.
Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ako kahit anong oras!
“Akala ko, tumigil ka na sa pagmamahal sa ‘kin?” Sunod na tanong ko.
“I never stopped loving you, I never did,” sagot niya.
Hinawakan na ni Kyle ang mga kamay ko. Lahat hinihintay na ang sagot ko.
“Ano na?” Tanong niya sa ‘kin.
Binitawan ko ang mga hawak ko at hinawakan ang ulo ni Kyle. Hinalikan ko siya sa labi! Lahat nagpalakpakan at naghiyawan. Ilang saglit pa bumitaw na ‘rin ako. Nagulat si Kyle sa ginawa ko ako din naman ‘eh!
“Ano sa tingin mo yung sagot ko?” Pabiro na tanong ko.
“It was a yes!” Sagot niya.
(A/N) Ano ba ‘yan! Wish ko meron akong ganu’n na lovelife XD So, there you have it guys. Comment below if you want me to revise it or another part na mas matino! Thank you for reading this!
Add or follow me?
Facebook.com/kiievember
Twitter.com/kiieve
Wattpad.com/user/TheFireGuardian
Check out my new story! http://www.wattpad.com/story/10504412-nothing-can-break-us