Lucky I'm With You 15: Beaten Up For Love (Part 2)

13 1 0
                                    

Kyle’s POV

          Nakangiti si Mark sa ‘kin ng makita ko siya sa malayo. Hindi ko siya kaya. Alam ko iyon sa sarili ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa desk dahil sa takot.

          “Kami bahala sa’yo,” Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naman tinignan ko kung sino.

          Sila Luis pala kasama ang tropa. Nakaramdam ako ng ginhawa sa loob ko.

          “Salamat, pero iiwasan ko ‘to hanggat kaya ko,” mahinang sabi ko.    “Ikaw bahala, pero nandito lang kami,” sagot nila.

*KRRRIIING*

          Tumunog na ang bell para sa dismissal. Agad kong inayos ang gamit ko para makaalis agad ako. Mabilis akong bumaba ng hagadanan at tumakbo sa corridor pauwi di ko nakikita si Mark, siguro nga nakatakas ako. Sa kabilang entrance ako ng school lumabas para hindi nila ako makita. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makalayo ako ng konti sa school. Dun ako nagkamali, nauna na pala sa ‘kin si Mark sa eskinatang madalas tinatambayan nila. Nasa likod ng school iyon.

          “San ka pupunta? Tatakasan mo ba ako?” Tanong sa ‘kin ni Mark.

          Napahinto ako sa paglalakad ng palagpas na dapat ako ng eskinita nang bigla akong harangin ng tropa nila Mark.

          “Ano ba kailangan mo sa ‘kin?! Nasa’yo na nga si Joy di’ba? Ano pa ba?!” Galit na tanong ko.

          “Naniniguro lang ako, ayoko kasi may katunggali. Alam mo, ayoko ng meron akong kasabay, ayoko ng meron kinakatakutan,” sabi ni Mark habang lumalapit sa ‘kin.

          “So, inamin mo? Takot ka sa ‘kin? Huh, tama nga ako! Sa ‘ting dalawa ikaw ang naduduwag at hindi ako.” Alam kong nainis si Mark sa sinabi ko.

          Biglang dumami ang tumitigin sa amin. Hindi na maganda ang kutob ko dito. Ito na siguro ang ipinapahiwatig niya sa ‘kin kaninang umaga.

          “Hanggang sa huling paghinga pala ha?” Bigla-biglang sabi ni Mark.

          Huh? Iyon ata yung sinabi k okay Mica kanina. Paano niya nalaman iyon? Nag-isip ako. Pinlano na ito ni Mark nung umaga pa. Wala na akong takas kailangan ko ng lumaban.

          Binagsak ko ang bag ko sa lapag at nag patunog ang aking mga daliri.

          “Aba, mukhang lalaban ka na?” Mayabang na sabi ni Mark.

          “You leave me no choice,” sagot ko naman.

          Papalapit ako kay Mark pero sumugod ang mga katropa niya. Bigla akong napaatras apat laban sa isa?

          “Akala ko ba ikaw ang may problema sa ‘kin? Bakit hindi ikaw ang lumaban?” sabi ko habang umaatras.

          “Hindi ko pag sasayangan ng oras ang katulad mo,” sabi niya.

          “Ikaw ang nag plano nito di’ba bakit hindi ikaw ang sumugod sa ‘kin at labanan mo ako?!” Sigaw kong ganu’n.

          Nagsimula nang magkumpulan ang tao sa paligid namin. Lalo na ang mga lalaki.

          Sinugod ako ng ka tropa ni Mark apat sila halatang hindi ko sila kaya. Hinawakan ako ng isa habang yung dalawa sinimulan ako suntukin sa mukha, katawan, at sa binti. Nararamdaman ko na ang pagbasag ng katawan ko. Ito na ang katapusan ko.

          “Apat laban sa isa?! Hindi naman ata patas ‘yan,” isang pamilyar na boses ang nagsalita kaya lahat kami napatingin.

          Nandito na ang tropa ko, maasahan talaga sila.

Lucky I'm With You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon