Kyle’s POV
Di na ako makatiis, tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom. Tinulak ko yung pinto ng napakalakas na naging dahilan para lumagapak ito sa pader ng malakas.
[BLAAAAAG!!!]Tunog ng pinto.
Nakatingin sa’kin lahat ng tao sa corridor. Nanlaki ang mata ko sa hiya dahil hindi ko naman sinasadya ‘yun. Parang nadala lang kumbaga. Si Joy at Mark nakatingin din sa’kin. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa at nag simulang mag-lakad. Habang papadaan ako sa sa dalawa. Nagulat na lang ako ng biglang humila ng kaliwa braso ko. Si Joy pala.
“May problema ka ba?” Tanong sa’kin ni Joy na parang nag-aalangan.
Hindi ko siya sinagot at naglakad na lang ako pababa ng hagdan.
Joy’s POV
Nagkwewentuhan kami ni Mark. Kinekwento niya ang mga kalokohan at kapalpakan niya sa buhay niya kaya tawang tawa ako. Kahit pigilan ‘kong tumawa hindi ko talaga magawa eh.
[BLAAAAAAGGG!!!]
Biglang bumukas ang pinto si Kyle pala. Ano nanaman kaya problema nito? Hindi nanaman mangiti eh, baka badtrip nanaman?
Nung dumaan siya sa harap ko agad ‘kong hinawakan ang balikat niya.
“May problema ka ba?” tanong ko sakanya ng nag aalangan.
Hindi naman niya ako pinansin at naglakad lang siya pababa ng hagdanan.
“Mark, mamaya na lang ha?” Sinabi k okay Mark sabay takbo pababa ng hagdan para habulin si Kyle.
Binilisan ko ang pagbaba ko sa hagdanan, muntikan pa nga ako mahulog at gumulong sa bilis eh. Pagbaba ko nakita ko agad si Kyle naglalakad ng sobrang bagal. Naka drugs ‘ata to eh! Hinabol ko siya at kinalabit buti naman tumingin siya.
Kyle’s POV
Nakakabadtrip talaga. Ewan ko ba parang simpleng ganu’n lang nagseselos na ako. Teka, may karapatan nga ba akong magselos? Parang na ‘Ok zoned’ nga lang ako ni Joy dati nung sinabi ko sakanya yung totoo.
Nagulat na lang ako ng biglang may kumalabit sa’kin. Si Joy nanaman pala!
“Ano ba ang problema mo?!” Medyo galit na tono ni Joy sa’kin.
“Ahh, ako? Wala NAMAN!” Sabi ko sakanya. Medyo na blangko ang galit na mukha ni Joy.
“Ano ba Joy gusting gusto parin kita! Di mo ba alam yun? Wag ka ngang manhid! Konting konti na lang Joy sasabog na ako dito!” Sabi ko sa isip ko.
Nagsimula na akong maglakad upang bumili ng kakainin ko. Sumusunod pa rin si Joy.
“May gusto ka ‘bang sabihin or may pinapahiwatig ka?” Tanong ni Joy kaya napahinto ako. Tumingin lang ako sakanya pero hindi ako nagsalita.
Konting-konti na lang sasabog na ako. Ayokong may masabi. Isang-isa na lang!
“Napaka nice talking mo naman Kyle!” Sabi ni Joy sabay gawa ng puppet sa kamay niya na kunwari ako.
Nagsimula na ulit akong maglakad. Hindi ko na pinapansin si Joy kahit na alam ‘kong bumubulong-bulong siya. Ilang minute pa’y nakarating na rin ako sa canteen. Maraming tao kaya medyo matagal yung service nung crew. Nung maglalakad na ako, bigla na lang humarang si Joy sa harapan ko at itinulak ako.
“Ano ‘bang problema mo sa’kin? Ha?! Kanina ka pa tinatanong pero ayaw mo sumagot. Alam mo ang hilig mong mag ganyan! Puro ka kaartehan sa katawan eh! Kung may problema ka sabihin mo na hindi yung kikim-kimin mo sa sarili. Hindi mo ba naiisip minsan nag-aalala ako? Manhid ka ba?!” Sabi sa’kin ni Joy ng napakalakas kaya naman ‘yung ibang tao sa canteen nakatingin na sa’min.
Sasagot ba ako or ‘wag na? Nagtatalo ang isip ko. Bumibilis ang tibok ng puso, nagsisimulang mag pawis, namumula na ako. Kailangan ‘kong kontrolin ang mga sasabihin ko. Naguguluhan ako. Pero kahit gusto ko na sumagot pinigilan ko parin ito. Napabuntong hininga na lang ako. Halata sa mukha ni Joy na nag aabang siya ng sagot. Galit na siya alam ko ‘yon. Pero hindi ito ang tamang oras at tamang lugar para magka-alaman.
“Ano?! Naghahantay ako ng sagot Kyle!” Sabi ni Joy na naging dahilan para maging tingin-tinginan na kami sa canteen.
Tinalikuran ko siya at nag lakad para pumila. Nakakahiya! Lahat nakatingin sa’kin.
Naramdaman ko ang kamay ni Joy sa balikat ko. Iniikot niya ako sa mukha niya. Seryoso na siya. Nako, scandal nanaman ‘to para sa iba.
“Naka drugs ka ba?! Sagot lang hinihigi ko Kyle!” Nakakainsulto na tanong ni Joy.
“Alam mo Joy? Sa ating dalawa ikaw ang manhid eh! Sinabi ko na sa’yo diba? Sinabi ko na sa’yo ‘nun na gusto kita! ‘Ok Zoned’ mo nga lang ako diba? Ano ba gusto mo yung paulit-ulit?! Yung paulit-ulit para nasasaktan or napapahiya ako ganu’n ba? Ok, sige pag-bibigyan kita! JOY GUSTONG-GUSTO KITA! Oh, ayan na masaya ka na ba? Ewan ko nga kung bakit tuwing may lalapit sa’yo na lalaki nag seselos na ako. Alam ko naman na wala akong karapatan eh! Pero hindi ko mapigilan! Kung pwede lang hindi kita gustuhin gagawin ko! Pero HINDI KO MAGAWA!” ‘’yan ang mga salitang lumabas sa’king bibig. Hindi ko na nakayanan at sumabog na ako. Lahat nakatingin tila’y tumigil ang oras at kami ang ‘center of attraction’ dito sa canteen. Pakshet, paniguradong yari ako nito.
Nagsigawan ang mga tao sa canteen. Iba sa’king inaakalang tawanan. Napatingin ako kay Joy. Namumugtong ang kaniyang mga mata. Nagulat na lang ako ‘nung tumakbo siya palabas ng canteen takip-takip ang mukha niya.
Joy’s POV
Magkasabay na pagkagulat at pagkahiya ang reaksyon sa mga sinabi ni Kyle. Hindi ko inaasan iyon. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumakbo ako palabas ng canteen. Pumunta ako sa girl’s cr at doon nagmuk-mok. Bakit ganito? Gusto ko naman si Kyle pero parang ayoko. Parang may mali kasi. Ewan ko ba, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. Nahihiya na akong lumabas. Parang gusto ko ng umuwi.
Kyle’s POV
Nagulat rin ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ako makagalaw para bang nanigas ang mga binti ko at ayaw ng gumalaw. Gusto ‘kong habulin si Joy pero nag-alangan ako. Siguro nga hindi talaga siya ang para sa’kin. Bakit nga ba pinipilit ko ang sarili ko sakanya?
Marami ‘pang iba diyan. Para sa’kin at para kay Joy hindi maliit ang mundo para paikutin ko sakanya. Siguro ayun na lang ang papaniwalaan ko.
Nagulat na lang ako ng akbayan ako ng mga seniors. Inaasar pa nila ako. Ang galing daw ng ginawa ko. Isa na ako sa mga ‘famous’ sa school na ito.
------------------------------------------------------------------------
Ewan ko dito sa chapter na 'to! Hahaha, medyo late night at rush kaya magulo. Gets niyo naman diba? Sorry sa mga typo di ko na aayusin dahil isa akong tamad na writer XD