Episode 1 : New set of FRIENDS

33 1 0
  • Dedicated to Ayin Mae Agajan Obillos
                                    

June 10, 2012... tatlong buwan bago naganap ang isang masamang insidente kay Kono, ang mga estudyante ng RC ay abalang-abala sa paghahanap ng kanilang mga classrooms. Ngayon kasi ang unang araw ng mga freshmen sa college life nila. Kasama na sa mga freshmen na iyon ang magpinsang sina Kono at Mashy.

Lahat nagtatawanan, nagbubulungan, nagtatanungan ng mga iba't ibang impormasyon, at yung iba naman ay medyo nahihiya pang makihalobilo sa bago nilang makakasama sa kolehiyo. At isa na doon si Kono. Sabay silang pumasok ni Mashy sa kanilang classroom pero di tulad ng pinsan niya, umupo lang siya sa upuan sa likuran ng klase at nagbasa lang ng aklat sa halip na makipagkilala sa iba. Binabati din naman siya ng kanyang mga kaklase at nginingitian niya lang ito, ng dahil doon, inakala ng iba na suplada siya at medyo weird. Di lang dahil sa ugali niya, kundi pati na rin sa glasses na suot niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyonan ni Kono na pumunta muna sa fountain para uminom ng tubig. At sa paglabas niya sa kwarto ay may nakasalubong siyang isang babae. Maputi, maganda, mahaba at maitim ang buhok, may mapupulang labi, at pinapalibutan ng iba pang mga kaklase ni Kono.

"Hmm.. classmate ko din ba ang babaeng 'to\ Maganda siya kaya di mahirap intindihin kung bakit ang daming may gustong makipagkaibigan sa kanya." sabi ni Kono sa kanyang sarili habang papunta sa fountain. Pero bigla siyang tumigil sa paglalakad ng napansin niyang may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran at doon nakita ang babaeng kanila lang ay nakasalubong niya sa pintuan.

"Hi, classmate." bati nito kay Kono na may kasamang matamis na ngiti.

"Ah.. hi din sayo, uhmmm..."

"Hehe.. ako nga pala si Zhen. Ikaw\"

"Kono."

"Kono\ Haha.. nice meeting you. So saan ang punta mo\" tanong ni Zhen.

"Iinom lang ng tubig sa fountain." sagot naman ni Kono.

"Kung ganun, sabay na tayo. Parang naubusan kasi ako ng tubig sa katawan sa kakausap sa mga kaklase natin eh. Ganun ka din ba\"

"Ah, hindi. Naiwan ko lang kasi ang baon kong tubig kaya iinom ako sa fountain, medyo mainit na din kasi sa classroom eh. Hindi kasi ako sanay..."

"Hmm.. okay. Gusto mo, pagkatapos nating uminom ng tubig, ipakikilala kita sa kanila. Tanungin natin sila ng kanilang mga pangngalan, kung saang school sila nanggaling at pwede ding isama na natin yung contact numbers nila para meron na tayong textmates and..."

At habang nagsasalita siya, walang iba pang magawa si Kono kundi ang tumingin at makinig sa kanyang mga sinasabi. Dahil sa kadaldalan ni Zhen, medyo di na ganun ka-aloof si Kono sa iba. Para sa kanya, makakaya niya ng harapin ang iba ng di naiilang. Pagkatapos ng limang minuto, pabalik na ulit silang dalawa sa kanilang classroom at doon ay sinimulan na ni Zhen ang pagpapakilala kay Kono sa kanilang mga kaklase.

Kaunti lang silang magkaklase kaya di gaanong mahirap para sa iba ang makilala agad ang bago nilang mga kaibigan.

...............................................................................................................................................

Sa simula ng klase ay nagpakilalang muli ang bawat isa sa kanila para matandaan sila ng kanilang prof. Nauna sa pagsasalita si Zhen, gaya ng inaasahan ng lahat.

"Hi sa inyong lahat. Ako nga pala si Zephira Vhenyl Alonzo or Zhen nalang para sa inyo. Masyadong mahaba kasi yung pangngalan ko eh. hahah."

Sa pagtawa niyang yun, ay napangiti ang katabi niyang si Kono na siya namang susunod na magpapakilala. Bago siya tumayo mula sa kanyang upuan, inayos muna niya ang kanyang eye glasses saka tinignan ang kanyang teacher.

Deadly LoverWhere stories live. Discover now