Episode 5: After Prologue

27 1 0
                                    

Episode 5: After Prologue                                                                                 

<Kono's POV>

September 9, two days after the car crash accident.... or should I say... pinlano talaga para sa akin... isang murder na naman ang naganap malapit sa subdivision namin.

Normal lang ang naging araw na ito para sa akin, nagkulitan lang kami sa loob ng classroom kasama ang mga makukulit kong kaibigan na sina Zhen, Chill, at Mashy. At sa uwian, nakisali pa sa usapan ang tatlong itlog na sina Kuya Claude, Drei, at Seb. Tinutukso namin sina Drei at Zhen pero parang mas nagiging awkward pa ata ang sitwasyon ng dalawa kaya naman tumigil na kami sa ginagawa namin. Nagpraktis din kami para sa presentation next week kasama ang banda nina kuya Claude. At pagkatapos nun, balik sa dating gawi na naman kaming dalawa ni Chill kapag uwian.

Actually... hindi ito normal--- medyo boring kasi eh.Boring na siguro ang buong araw ko kung di lang dahil sa isang insidenteng naganap sa isang kanto malapit sa subdivision namin. Dahil dito... naging excited na naman ang mga RBC at brain cells ko.

Nag-imbistiga din ako katulad ng mga ibang pulis na nakapalibot sa area of investigation. Ayos lang sana ang lahat kung di lang nangi-alam ulit si Chuck. Minsan naiisip kong O.A. na siya kung mag-alala sakin. Hindi naman kami magka-ano-ano.

Looking at the victim's dead body, napansin kong medyo sariwa pa ang kanyang dugo kaya naisip kong baka hindi pa nakakalayo ang pumatay sa kanya. Nagmasid ako sa buong paligid at di kalaunan ay may napansin akong isang aninong tumakbo sa kalsada dala-dala ang kasing hugis at haba ng nasasabing murder weapon. Kahit na kinakabahan at natatakot sa madilim na daan--- patuloy pa din ako sa paghabol sa kanya. Natapos ang habulan na iyon sa isang makitid na eskinita.

Naisip kong baka nagkamali lang ako ng akala sa kanya kaya naman binalaan ko siyang delikado sa lugar na iyon.

Noong una ay hindi ko makita ang kanyang mukha... pero ng lumapit na siya at hinila ang  collar ko... doon ko nalaman kung sino talaga siya.

..."Kono... ano bang ginagawa mo dito...delikado ang lugar na ito--- SAYO!"

Bago pa ako makapag-isip ng maayos, huli na naman ang lahat. Kasabay ng pagdaan ng isang puting kotse sa harapan ng eskinita ay ang pagtulak niya sa akin papunta sa kalye.

Sa isang kisapmata... nakahandusay na ako ngayon sa harapan ng puting sasakyan na natintahan ng aking dugo. Humihinga pa ako... ngunit wala ng sapat na lakas para alamin ang nangyayari sa aking paligid.

Ito na ba...? Ito na ba ang sinasabi mong laro ha...? Bakit? Bakit....

 ...Zhen...?

Umiiyak ako ngayon di dahil sa mga sugat na aking natamo... kundi sa sugat na dinulot ng pagtataksil ng isang kaibigan sa aking puso. Bakit... bakit niya yun nagawa...? Kung pwede lang... gustong kong makalimutan ang karumaldumal na katotohanang yun... ayoko ng maalala ang araw na ito...

---------------------------------------------------------------------

<Chuck's POV>

One month had passed.... October 9, 2012.....

Nakatulog ako sa pagbabantay kay Kono sa hospital at nagising lang sa sigaw ni tito sa akin.

"Chuck, gising na si Kono!"

Sa sobra kong saya... halos yakapin ko na siya ng mahigpit. Pero di ko yun magawa dahil nandito ang papa niya.

Dumating na ang kanyang doktor at tinignan ang mga vital signs niya. Fortunately, normal na ang lahat sa kanya. Pero ng tinanong siya ni tito sa kung ano ba talaga ang nangyari, wala daw siyang naaalala. At ang sabi ng doktor tungkol dito... baka daw nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa pagtama ng ulo niya sa sasakyang nakabangga sa kanya.

Deadly LoverWhere stories live. Discover now