Episode 4: Ang Tatlong Itlog
<Kono's POV>
July 29, Sunday, 8:30 am. Sumunod na araw matapos ng isang nakakatakot na eksena sa bahay nina Mashy, nagising ako dahil sa alarm clock ni Chuck.
Hmmm... di nga niya binitawan ang kamay ko. Hay... salamat talaga.
Nakangiti lang ako ngayon habang nakatitig sa tulog na mukha ni Chuck.
"Hmmm... ahh---!" nagising si Chuck at biglang napaupo sa comforter at napahinga ulit dahil nahilo siya. Hahaha... para siyang ewan.
"Araay...! Ang sakit ng ulo ko ah... tss. Kasalanan mo to Kosh, eh. Ginulat mo naman kasi ako. Hay!"
"Aba! At kasalanan ko pa talaga ah? Nakakainis ka talaga. Good na sana yung morning ko eh, yan pa ang naging intro mo sa umaga ko! Hmp! Diyan ka na nga!" nakakainis! Ke-aga-aga nang-aaway na! Hmp! At iniwan ko na nga siya sa kwarto ng mag-isa. Urgh!
Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Mashy na naghahanda na ng breakfast namin.
"Goodmorning, pinsan." sabi niya ng nakangiti.
"Ah... goodmorning din." Hmmm... mukhang nakaget-over na si Mashy sa nangyari kagabi kaya ngumiti na din ako.
"Handa na ang breakfast natin. Tawagin mo na si Chuck at kakain na tayo."sabi niya habang inilalagay na ang mga pagkain sa mesa.
"Hmp. Mauna nalang tayo, Mash. Tulog pa yun eh." Huh. Ayoko kaya siyang kasamang mag-agahan noh.
"Anong tulog, Kono? Ikaw--- sinungaling ka talaga." sabi ni Chuck na biglang sumulpot sa likuran ko at ginulo lang naman ang kaka-brush ko lang na buhok.
"Pwede ba, Chuck." itinulak ko ang kanyang kamay mula sa aking ulo. "Huwag kang magulo, okay?" at binalingan siya ng isang pasupladang look.
"Ouch! Mga tingin mo talagang yan, Kono, nakakasakit ah. Ang suplada mo talaga." sabi pa niya na parang nagpapa-cute pa. May pa-pout-pout pa siyang nalalaman! Batuhin ko kaya to ng pinggan?! Hay.
Pagod na akong makipag-away sa kanya so inisnaban ko nalang siya at maghapon na di kinakausap. Alam kong nagtataka na si Mashy kung bakit hindi ko gustong makausap si Chuck pero minabuti niya nalang na di magtanong.
6:00 pm, dumating na sina tito at tita at dito sinundo na ako ni papa sa bahay ni pinsan.
"Hi, po, tito!" bati ni Mashy sabay halik sa pisngi ni papa.
"Hello, Mashy. Tumaba ka ng konti ah." biro ni papa.
"Ha? Di naman po ah. Si tito talaga oh." heto namang si Mashy tinitignan ang sarili sa salamin. Nagpapaniwala talaga kay papa? Hay...
"Hahaha... O anak, kamusta naman ang pag-stay niyo dito ni Charlie sa bahay nina Mashy ha?" tanong ni papa sa amin ni Chuck na kasalukuyang magkatabi sa sofa.
"Ahh---"
"Ang totoo niyan tito--- araay!" siniko ko ng malakas ang tagiliran ni Chuck. "Kono ano ba---"
"Ako ang tinatanong ni papa di ba? Kaya manahimik ka lang diyan. Huwag ka ngang epal. Hmp." [snob]
"Ano---"
Tinignan ko si papa, nginitian at sinabing... "Hahaha... ayos lang ang lahat papa. Parang ayoko na ngang umalis dito eh. Hehehe... all is well." pagsisinungaling ko.
"Talaga? Mabuti naman at walang nangyaring masama sa inyo. Buti nalang talaga at nag-volunteer tong si Charlie na samahan kayo dito. Hahaha..." sabi ni papa habang nakaakbay kay Chuck na tumayo sa sofa para kunin ang kanyang bag sa mesa.
YOU ARE READING
Deadly Lover
Mystère / Thriller...But when I look into her eyes... nagiging iba na. She's the killer who's hunting me for many months. She's the master of this death game. Will I be able to survive...?