Episode 3: Maxim Shyrlan Gomez
<Kono's POV>
Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayaring yun sa buhay ko... ilang linggo din ang nakalipas at laking pasasalamat kong di na naulit pa ang pagpapakitang yun. Hay... buti sana kung isa lang tong mystery story eh, huwag lang gawing multong may unfinished business pa sa mundo. Iba na kasi yun. Hehehe...
July 28, 2012, Saturday, nandito ako ngayon sa crib ng pinsan kong si Mashy! Haha, paminsan-minsan kasi nandito ako para bumisita kina tito at tita. Pero sa pagkakataong ito, nandito ako para samahan lang siya. Only child kasi kaya mag-isa lang siya dito sa bahay nila kapag wala ang parents niya. Sina Tita kasi may business seminar na pinuntahan sa Cebu, medyo malayo kaya kailangan talaga nilang manatili doon for an overnight. At bilang request ng pinsan ko, nandito na nga ako.
6:30 pm, naghahanda na ng hapunan si Mashy sa kusina at ako naman ay nagbabasa lang ng book entitled Tell me your Dreams by Sidey Sheldon. Psychological thriller to kaya trip na trip ko talaga basahin at saka... ayaw akong patulungin ni Mashy sa pagluluto eh.
Nandoon na ako sa away thing sa binabasa ko ng biglang tumunog yung doorbell.
"May tao ata insan. Pakibukas naman oh." sabi ni Mashy.
"Okay. Ako na ang bahala." sabi ko naman at agad binuksan ang pinto. "Hi, good evening--- Chuck?!"
Naku naman... ba't ba siya nandito? -__-
"Hi, Kono. Pasok na ako ha? Pwede?" sabi niya.
"Ops. Sandali lang." bago pa siya makapasok ng tuluyan sa bahay ni insan minabuti ko ng harangan siya. "Bakit ka ba nandito ha?" tanong ko habang tinititigan siya directly to his eyes.
"Well, nandito ako ngayon dahil unang-una sa lahat, magpapaturo si Mashy sa assignment niya then, inatasan na naman ako ni Papa at ng papa mo, na bantayan ka--- este kayo ni Mashy dahil dalawa lang kayong babae dito sa malaking bahay na ito. So? Any more questions miss Rivas?" paliwanag niya na may kindat pa sa huli.
"Ah... okay. Pasok ka na." sabi ko naman [emotionless] at bumalik na sa inuupuan ko kanina.
"Eh? Ang suplada talaga oh." dagdag pa niya at inilagay na ang bag niya sa sofa.
Pagkatapos niyang batiin si Mashy sa kusina, agad siyang naglibot-libot sa buong bahay. Nagtaka ako sa mga knikilos niya kaya minabuti ko na siyang tanungin.
"Uy, Chuck. Ano bang ginagawa mo ha?" tanong ko. Pero parang di ata ako napansin nito eh. Busy pa din sa mga ginagawa niya. Eh ano nga ba kasi ang ginagawa niya?
"Chuck? Hello? Kinakausap kaya kita noh. Nabibingi ka na ba ha? Oy! Chuck!"
"Woi---! Ano ba naman, Kono. Di mo naman kailangan sumigaw noh. Naririnig kita."
"Naririnig? Sigurado ka? Kanina pa kaya kita tinatawag noh. Tapos iniisnaban mo lang ako."
"Aw... ganun ba? Hehe... sorry." he said with a smile.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo ha?" tanong ko sa kanya.
"Ah... tsinitsek ko lang ang mga lock sa bawat pintuan, ganun din ang mga exit area at mga bintana. Sa panahon kasi ngayon, delikado kapag hindi tayo mag-iingat."
"Hmmm... tama ka nga."
Sa pagsabi niyang yun... bigla ko na namang naalala ang aninong dalawang beses ng nagparamdam sa akin. Again, natakot na naman ako.
"Uy, Kosh. Natulala ka bigla ah. Anong problema?" Nilapitan ako ni Chuck.
"Whaa--- wala to. Hehehe... may naaalala lang ako." Tama... all I could do now, is to be a great pretender. Ayoko naman kasing mangdamay ng iba eh. "Araay!" napahawak ako bigla sa noo ko ng pinatik ito ni Chuck.
YOU ARE READING
Deadly Lover
Misteri / Thriller...But when I look into her eyes... nagiging iba na. She's the killer who's hunting me for many months. She's the master of this death game. Will I be able to survive...?