'PROLOGUE'

36 1 0
                                    

'PROLOGUE'

Friday, 5:30 pm, kakatapos lang ng klase namin sa Human Anatomy sa 7th floor ng building kung saan makikita ang mga medical laboratories. Masaya kaming nag-uusap nina Zhen at Chill tungkol sa mga bloopers ng mga classmates namin sa ally pababa ng building ng biglang lumiwanag at medyo nasilaw ang mga mata ko dahil sa glasses na aking palaging suot. When I gained my sight, nakita kong nakikipag-usap na sina Chill at Zhen sa tatlong kalalakihan. Hmm... sino nga ba ang mga lalaking 'to\ Ah...oo nga pala, ang mga lalaking 'to ay ang tinatawag naming "Tatlong itlog" bakit\ haha.. ewan, nakalimutan ko din ang dahilan. Ang kausap ni Zhen ay si kuya Claude, isang 3rd year student na ka-department din namin. Si Drei naman ay ka-course din namin na nasa kabilang klase na pawang may tinatanong kay Chill at ang bagay na iyon ay di ko na inalam. At ang huli ay... teka...nasaan na ba siya\ I looked around but none of his existence was found. Not until someone had poked my head. I turned around...

Hay..okay. Heto na siya... ang lalaking 'to ay si Seb. Classmate ni Drei at ka-bandmate din nina kuya Claude. Di man halata sa kanyang mukha, pero siya ang vocalist ng banda. Binati niya ang lahat na may pakaway-kaway pa.

Kahit nagkasalubong ma'y di pa rin kami nag-usap, ganun din kina kuya Claude at Drei. Hindi naman sa snobbish ako o ano pero... hindi ko lang talaga hilig ang kausapin ang taong di ako inuunahang maka-usap.

Makalipas ng ilang minutong tinagal namin sa bench ng ally na iyon, sa wakas, napagdesisyunan na din ng grupong umuwi. Hinatid namin si Zhen sa kanyang boarding house at doon na din sumukay ng jeep ang talong itlog. Habang kami ni Chill ay naglakad papuntang Mcdo, kung saan maghihintay naman si Chill ng jeep na kanyang sasakyan pauwi. Habang naghihintay ay nag-usap kami tungkol sa usual topic namin. Ang mga bagong anime, mangas, o kahit na yung mga stories na binabasa niya sa wattpad in a form of ebook. Di kalaunan, may napadaan na ding jeep papunta sa bahay nila Chill. At ng nakaalis na ang jeep na iyon, naglakad naman ako papauwi sa amin.

Malapit na ako sa entrance gate ng aming subdivision ng may napadaang dalawang aleng pinag-uusapan ang isang balitang nagpabuhay sa kanina ko pang nababagot na utak. Isang krimen na naman ang nangyari sa lugar na ito, at kung tama ang kalkulasyon ko, pangalawang biktima na ito sa isang buwan. Second week na ngayon ng September at sa pagkaka-alala ko, last week ay meron ding pinatay. Hmm.. uso na ba ang patayan ngayon\ Tinanong ko ang location ng krimen at pinuntahan ito dala-dala siyempre ang excitement sa mukha ko. Isa na naman itong misteryong susubukan kong lutasin.

.............................................................................................................................................

Nandito na ako ngayon sa pinangyarihan ng krimen. Sa isang kanto bago marating ang gate ng kabilang subdivision. Kahit gaano pa karami ang taong nakiki-osyoso sa nangyari sa biktima, pinilit ko pa rin na makapasok sa tinatawag nilang restricted area. Bago ko pa tuluyang malapitan ang katawan ng biktima, may humila na sakin papalabas ng area of investigation at yun ay walang iba kundi ang pakialamerong anak ng kompare at kapwa detective din ni Papa na si Charlie Url Caparas or Chuck. Gaya ng dati, pinagalitan niya na naman ako.

"Ba't ka ba nandito, Kono\ Don't tell me, nandito ka na naman para sa mga investigations mo sa mga biktima\ Sinabihan na kita last week na huwag makialam dahil hindi mo trabaho ito, at saka baka may mangyaring masama sayo dito, noh. Mapagalitan pa ako ng Daddy mo."

Tinignan ko siya ng malapitan at sinabi ng direkta sa kanyang mukha ang laman ng aking  isipan. "Ah... in other words nag-aalala ka lang sakin kaya ka nagkakaganyan. Hmp, pabayaan mo nga ako pwede\ Paki-alamero ka talaga."

"Urgh, ikaw Kono--- ang tigas talaga ng ulo mo."

"Alam mo Chuck, pareho lang naman tayong anak ng mga detectives di ba, kaya kung pwede ka dito, syempre dapat ganun din ako. Oo, hindi ko nga linya ang trabahong ito, pero baka nakakalimutan mong malaki ang naitulong ko last year sa imbestigasyon na hinahawakan ng daddy mo. Hm\"

Deadly LoverWhere stories live. Discover now