Episode 8: Seb

18 0 0
                                    

<Kono's POV>

Nasa bahay na ako ngayon kasama si Seb.

"Anong ginagawa niya dito, Kono?" Seryosong tanong ni Charlie.

"Kasi..." I looked straight to his eyes. "Sinabi ko na sa kanya ang---"

"What?!"

Gaya ng inaasahan, nagalit nga si Charlie. Dahil doon, napalabas din sina papa at tito sa sala mula sa kusina.

"What the hell are you thinking, Kono?!" I looked down, scared. "Huwag kang umiwas sa tingin ko- tss. Pwede ba sagutin mo ang tanong ko?!"

"Chuck---" magsasalita na sana ako nang biglang pumunta sa aking harapan si Seb.

"Tama na. Huwag mo siyang sigawan ng ganyan!" Pagtatanggol ni Seb sa akin.

"Huh. Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan ha?" Umalis si Charlie sa kanyang kinatatayuan at tumigil sa tabi ko. "Dinagdagan mo lang ang problema natin, Kono. Sana alam mo yan bago mo pa sinabi ang lahat sa lalaking 'to."

Tinignan niya ng masama si Seb at umakyat na sa kanyang kwarto.

"Tss. Ano bang problema niya?" Naiinis na tanong ni Seb.

"Hayaan mo na siya, Seb." I said smiling at him.

Tama. Alam kong magagalit sakin si Charlie ng ganito pero, alam ko ding tama ang naging desisyon ko.

"Kono, anak." Tawag ni papa na kasalukuyang nakaupo sa couch kasama ang papa ni Charlie.

Lumapit kaming dalawa ni Seb sa kanila, "Pa, galit ka rin ba sakin?" Tanong ko.

He smiled, "Hindi, anak. Naiintindihan namin ang dahilan mo kung bakit mo 'to nagawa." Paliwanag ni papa.

"Tama ang papa mo, hija." Sagot naman ni tito. "Pagpasensiyahan mo na si Charlie sa mga nasabi niya kanina. Masyado lang yang nag-aalala sayo kaya ganun na lang kung magalit yun. Alam mo kasi, may punto rin siya, eh. Pwede mong ikapahamak ang desisyon mong yan." Dagdag pa niya.

"Alam ko po tito. Pero marami na po kasi ang...ang napapahamak dahil sa...sa suspek na yun. Hindi ko na kaya pang maghintay lang sa pwedeng mangyari." Paliwanag ko sa kanila.

"Anak talaga kita, Kono." Sabi ni papa habang nakangiti sa akin. "At dahil nandito na rin naman si Seb, gusto sana namin siyang makausap."

Tinignan ko si Seb. "Okay lang po." Sagot lang niya at agad sa sumunod sa kanila ni papa patungo sa guest room kung saan nakapaloob ang files ng imbestigasyon.

Sa tingin ko...makakasama ko na si Seb sa pagmamatyag kay Zhen. O kung sino man siya ngayon.

Habang naghihintay, minabuti ko ng umakyat sa kwarto ko kung saan katabi nito ang guest room na naging kwarto na ngayon ni Charlie.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako at sa corridor, nagkaharap kaming dalawa ni Charlie.

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Gusto ko siyang kausapin at ipaintindi sa kanya ang dahilan kung bakit ko nagawa ang bagay na yun pero...napangungunahan ako ng takot. Takot na masaktan ko na naman siya.

"Anak! Aalis na si Seb!" Sigaw ni papa mula sa sala. Dahil dito natauhan kaming dalawa. Umiwas ng tingin si Charlie at bumaba na.

"Charlie, sandali---"

Tumigil siya sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sa akin. "Tinatawag ka na ng papa mo." Sabi niya.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at ako naman ay minabuti na ring puntahan sina papa at Seb.

Deadly LoverWhere stories live. Discover now