Episode 6: Her Twisted Twin
<Charlie's POV>
October 17, Wednesday, almost a week pagkatapos magising ni Kono mula sa mahabang pagkakatulog dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Pero aksidente nga ba talaga yun? Sa tingin ko hindi. Yun din ang paniniwala ng papa niya. At dahil nangako ako sa kanyang wala akong pagsasabihan sa totoong nangyari, hindi ko ito magawang sabihin kay tito at kay papa.
Nandito na naman ako ngayon sa office ni papa--- trying to hack the Classified Informations in his computer. Hinahanap ko kasi ngayon ang listahan ng mga kasong pagpatay sa taong ito na may magkakaparehong paraan ng pagpatay. Gusto kong tulungan si Kono na malaman kung sino ang killer na ito kaya naman, ginagawa ko talaga ang lahat ng aking makakaya.
Search: Murder cases in year 2012
Results:
- The masked man murder case
- Rape and murder case
- Bloody rose murder case (case unsolved)
Bloody rose Murder case? Ito na siguro yung hinahanap ko. I clicked it.
LOADING...
Results: 5 murder cases with just 4 months.
Victim 1: Elizabeth Marilagan - a waitress in a resto owned by the Hiroshi Family. Killed by multiple stab wounds at her back reaching her spinal cord and anterior part of her heart.
Tinignan ko ang picture. Nahanap ang kanyang katawan sa isang garbage truck. Nakasuot pa din ng duty uniform niya--- duguan, at nakatali sa kanyang leeg ang isang halamang puro tinik ang paligid--- parang stem ng rosas. Hindi--- rosas nga ito.
Victime 2: Amboy Ramirez - a businessman owning a small business of furnitures. Found dead at his office, lying on the floor, poisoned. Nakasuot ng rose petal bathe robe ang biktima. Tss. Rosas na naman.
Victim 3: Marizel Liando - the neighbor of Amboy Ramirez. Having a small kalinderya. Found her dead body at her own kitchen stabbed at the heart.
Malalim ang pagkakasaksak. Halos di na makita ang blade ng nasabing murder weapon. May rosas na nakaguhit sa sahig gamit ang sariling dugo ng biktima.
Victim 4: Loiusa Vareas
Tinignan ko yung litrato. Ito yung babaeng nakita ang katawan sa likod ng kanyang sariling sasakyan. Nakagapos ang paa't kamay at sinakal pa siya hanggang sa malugutan ng hininga. Isang puting rosas na natintahan ng kanyang dugo ang nakita.
Victim 5: Harri Marcos Soligano - isa ding businessman. Body found at the street lying and with several stabbed wounds at his back and chest.
Naaalala ko na. Ito yung araw na naaksidente din si Kono. Ang ibig sabihin lang nun... ang nagtulak kay Kono sa daan kaya siya nasagasaan ay ang matagal ng hinahanap na killer ng limang biktimang ito.
Malapit na. Kaya kong lutasin to.
Kinuha ko ang aking flashdrive sa bulsa ng bag ko at isinaksak ito sa computer ni papa.
TRANSFERING DATA... 15 %
Nakikita ko na ngayon si papa na papalapit na sa kanyang opisina.
20 %
Naku naman oh! Please lang! Pakibilisan!
36 %
YOU ARE READING
Deadly Lover
Mystery / Thriller...But when I look into her eyes... nagiging iba na. She's the killer who's hunting me for many months. She's the master of this death game. Will I be able to survive...?