PROLOGUE

64 6 0
                                    


©2017 DUEYDEE. All rights Reserved

Prologue
•••••

"Elise!"

Napalingon ako sa tumawag sakin, kahit alam ko naman ang sasabihin nya.

"Halika na kayo dito! Luto na nato." Ngumiti sya ng matamis saakin.

"Oo, eto na." Tapos na kaming mag assemble ng tent.

Habang kumakain, may narinig kaming alulong. Napatigil kaming apat sa pag kain. Ang lakas nun sobra at tumindig ang balahibo ko.

"Mabuti pang tapusin na natin itong pagkain natin." Lance at tiningnan kaming tatlo.

"Pagkatapos nating kumain Lance, tingnan natin saglit tong napili nating campsite." Raphael, tumango si Lance bilang pagsang-ayon.

Niligpit ng dalawang dalaga ang kanilang mga pinag kainan at dinagdagan ang kahoy ng kanilang campfire.

"Anna?"

"Ano yun?" Anna, samagot sya ng hindi tumitingin tumitingin sakin kundi sa kakahuyan. Umalis na kanina sila Lance at Raph.

"Pumasok na tayo sa tent, medyo nangangati na ako dito eh." Kahit hindi naman talaga yun totoo. Kinakabahan lang talaga ako.

"Sige, babalik naman yung dalawa maya-maya." Anna

Di ko na namalayan na nakatulog na pala kami kakahintay sa dalawa.

"ELISE!/ANNA!" Napaupo agad ako sa sigaw nilang dalawa habang nagmamadali nilang binubuksan ang tent. Kinusot-kusot ko yung mata ko bago sila tingnan. Alam ko na kung anong nangyari. Natatakot na ako. Si Anna naman ay nakahiga parin at nakikinig lang. Inalog alog ko sya kahit alam ko ng gising sya.

"Kailangan na nating umalis dito." Lance, medyo hingal pa.

"Bakit?" Anna

"May malaking lobo kaming nakita at kanina pa kami sinusundan. Di ko alam pero pula ang mga mata nya't nag lalaway. Susugurin nya na kami ng tumakbo na kami pabalik dito. di namin alam kung nasan na sya sa mga oras na ito." Raphael

"Umuwi na tayo, delikado tayo dito." Lance

Bumangon na ako at tinulungan si Lance na ayusin ang mga gamit namin, nanginginig ang mga kamay ko. Ganun rin ang ginawa nila Anna at Raphael.

Habang naglalakad kaming apat sa madilim na gubat, nanindig ang balahibo ko, di ko malaman kung bakit. Hindi naman ito hatid ng malamig na hangin. Tinitingnan ko ang buwan at nakita kong bilog na bilog at maliwanag.

Hinawakan ni Lance ang kamay ko upang magbigay assurance na nasa tabi ko lang sya. Tiningnan nya ako at nginitian.

Pero mas hindi na ako mapakali, alam kong merong ng nagmamasid samin ngayon. Hindi ko sya mabasa pero alam kong meron talaga. Nararamdaman ko ang nararamdaman nung nakamasid samin, pero di ko masyadong maintindihan.

"Lance bilisan na natin." Nangingig na ang kamay ko habang hawak nya ito.

Patakbo na akong naglalakad, di naman maintindihan ni Lance kung anong nangyayari, pero tumatakbo narin sya kasabay ko.

Narinig naming lahat na may umalulong, sa pagkakataong ito, alam na rin nila na malapit lang saamin yung kung anong hayop na yon.

"Aghhhh!" Napasigaw si Anna dahil sa takot.

Nakarinig namin ang yabag ng pagtakbo dahil sa mga tuyong dahon. Naalarma kaming apat at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Hinawakan ni Lance ng mahigpit ang kamay ko. Lumingon ako kela Anna ngunit sa kabilang direksyon sila papunta. Lumingon si Lance at napalingon rin ako kung saan sya tumingin. Nakita ko na sa direksyon namin papunta ang malaking aso na nakikita ko. Tinawag ako ni lance at sinabing.

"Elise, wag kang mapagod okay? Sabayan mo ako sa pagtakbo!"

Kahit pagod na pagod na ako at kinakapos na sa hininga ay sinabayan ko sya. Kahit di ko na alam kung saan kami papunta ay patuloy parin kami sa pagtakbo. Tiningnan uli ni Lance ang likod namin kung sinusundan parin ba kami, tumingin rin ako at wala akong nakitang bakas nya. Pero hindi parin kami tumigil at tumakbo parin, dahil baka sa ibang direksyon ito pumunta o baka nagtatago lang ito.

Ngunit naramdaman ko na sumisikip na ang aking dibdib at dina makahinga. Bumagal ako, napapikit ako habang tumatakbo, hinahawakan ko ang dibdib ko. Napansin ito ni Lance.

"Elise? Okay ka lang ba, wag muna ngayon please? Kailangan nating makaalis dito." Lance

Meron akong asthma at nababasa ko sa isip nya ang pag aalala at ang gusto nyang makaalis kami rito. Kailangan naming makarating sa highway dahil nandoon ang gamit naming sasakyan. Pero pano kami makakapunta don kung hindi na namin alam kung saang lupalop kami ng gubat nakarating.

Naramdaman ko nanaman uli ang presensya ng lobong humahabol samin. Tumingin ako sa isang direksyon at nakitang kong nakatayo ito roon. Umalulong nanaman itong muli. Kita kong may dugo na sya sa ibat ibang parte ng katawan nya.

Biglang pumasok sa isip ko si Anna at Raph. Hindi maaari...

"Elise, kailangan na nating tumakbo uli, maabutan na tayo ng halimaw na iyon." Lance

Sinubukan kong magsalita, kahit di na ako makahinga.

"H-hi-hindi k-ko k-ka-kaya Lance" mahina at nauutal na ako dahil kinakapos ako sa hangin sa bawat pag banggit ko.

Wala syang nagawa kundi ang pasanin ako na parang sako at tumakbo. Pero dahil sa nadagdag na bigat ko sakanya, alam kong bumagal kaming dalawa. Naririnig ko sa isip ko na nais nya na akong madala sa ligtas na lugar.

Pinipilit kong habulin ang paghinga ko dahil sobrang nahihirapan na ako.

Pero nakita kong tumakbo sa harap ni lance ang lobo, sobrang lapit nito sakanya at sinugod si lance. Ihinagis nya ako sa ibang direksyon at tumama sya sa puno. Tumama ang likod nya at nawalan ng malay dahil sa lakas ng pag kakahampas nito.

Nagpagulong guling ako dahil sa pag hagis nya saakin. Napapikit ako ng mariin at hindi ako makapagsalita dahil hinahabol ko parin ang hininga ko. Si lance...

Nakaramdam ako ng Hapdi at pag pilas ng balat ko sa may bandang tyan. Napadilat ako, at nakita kong kagat ako ng lobo sa tyan ko. Ang pangil nyang malalaki ay nakabaon sa laman ko. Sobrang sakit! Winagayway nya ako na parang papel at gigil na gigil sya sa pag kagat ng tagiliran ko. Hinahabol ko ang hininga ko at napasigaw sa sakit ng dulot ng ginagawa nya.

Isinisigaw ko ang pangalan ni lance kahit kapos ako sa hininga. Ngunit di ko maramdaman ang presensya nya at wala akong nakuhang sagot sa pagtawag ko sakanya.

Sinakmal ako ng sinakmal at wala akong magawa, dahil sa panghihina at sakit na nararamdaman ko. Marami na sigurong nawalang dugo sakin. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at umiyak.

Wala na akong boses para sumigaw pa, ngunit naramdaman kong tumigil ang lobo sa pagkagat sakin

Idinilat ko ang mga mata ko kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha at dugong nasa mata ko ay pinilit ko tingnan ang paligid.

Gamit ang natitirang lakas ay gumulong ako upang makadapa sa madamong lupa na basa ng aking sariling dugo. Nakita ko ang isang babaeng sobrang puti na hanggang bewang ang buhok.

Kahit nanlalabo ang paningin ay kita ko kung pano nya ibinalibag ang lobo na parang wala lang ito at hinampas sa punong nasa harap nya. Di ko na kaya pang manood dahil kusa ng pumipikit ang mga mata ko...

===============================
Author's Note :))

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

Date Started - November 4, 2015

No part of this book may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without permission. Please do not participate in or encourage piracy. Thank you.
================================
No proof reading, sorry sa typos&grammars.

OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon