Chapter Eight: Gipsy

11 0 0
                                    


©2017 DUEYDEE. All Rights Reserved

Chapter Eight: Gipsy
•••••

Tumakbo sya ng tumakbo, di alintana lahat ng mga sugat nya sa katawan. Kahit pa werewolf sya di nya agad mapagaling ang mga sugat nya sa katawan dahil sa natamo nyang sugat at bali nung naka ingkuwentro nya yung rogue were.

Nakakita sya ng bahay, alam nyang nakalayo na sya sa pinag dalhan sakanya ni Amanda. Mas binilisan pa nya ang pagtakbo kahit na nadadapa ay pinilit nyang makatayo. Hanggang sa makalapit na sya sa mismong bahay at kinatok ng kinatok ng malakas ang pinto. Wala na syang pake alam kung sino man ang nakatira rito.

ELISE

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta kinalabog ko ng kinalabog ang pinto. Di ko naman alam kung anong oras na, dahil wala namang orasan yung pinag dalhan sakin nung bruha.

Sumilip ako sa bintanang malapit saakin, may nakita akong matandang babae na pababa sa hagdan.

"Tulungan mo po ako."

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Di ko mabasa kung anong nasa isip nya. Weird, kung simpleng tao lang naman sya mababasa ko ang isip nya. Pero bigla akong napanatag nung buksan nya ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag.

"Madali ka, pumasok ka."

Nagmadali rin naman akong pumasok sa loob nung nag balik tingin ako sakanya nakita kong tiningnan nya ang paligid, isinarado nya agad ang pinto at pumikit. Bumubulong sya? Ewan ko pero may binibigkas syang di ko naman naririnig. Tama kaya hindi ko mabasa ang isip nya dahil hindi sya pangkaraniwang tao. Witch kaya sya?

Nag mulat sya ng mata at tumingin saakin, kulay berde ang mga mata nya. Itinaas nya ang kamay nya at sumenyas na sumunod ako sakanya. Hindi ako gumalaw, tuloy-tuloy syang nag lakad hanggang nasa may hagdan na sya. Tiningnan nya ako at nag salita.

"Sumunod ka na sakin ija." Tumuloy uli sya sa paglalakad at sumunod narin ako sakanya.

Pumasok sya sa isang kwarto, sumunod narin ako sakanya doon.

Marami akong nakitang ointments at mga garapon na may kung ano-anong laman sa mga aparador rito. Meron ring mga indoor plants na ngayon ko lang nakita. Marami rin akong nakitang mga necklace,bracelets, at yung iba tela na maliliit na nakasabit sa dingding.

"Dito ija." Nakita ko syang nakaturo sa mahabang sofa.

"Umupo ka rito."

Ika-ika akong pumunta sa sofa. Ibinagsak ko ang sarili ko, ang lambot... Saka ko lang naramdaman lahat ng mga sugat at bali ko sa katawan. Ngayon parang di na ako magalaw sa sakit at hapdi.

"Jan ka lang at wag kang gagalaw." Ngumiti sya sa akin. Isang matamis na ngiti.

Pumunta sya sa aparador na puro ointments ang nakalagay. Kumuha sya nang tatlo at sa sunod na aparador naman ay kumuha sya ng boteng kulay dilaw ang laman, at kinuha nya yung basong naka display.

Ipinatong nya lahat ng kinuha nya sa lamesitang nasa harap ko. Sumandal ako sa upuan at pinag masdan ko lang sya sa ginagawa nya. Sobrang sakit na talaga ng mga natamo ko at ang bali ko. Pumikit ako ng madiin at dumilat.

Ngayon ko lang na obserbahan ang matandang babae na to. Nakabistida syang kulay dilaw at may linings na puti at itim. Marami syang purselas at singsing sa mga kamay, makikinang na kuwintas, maraming hikaw sa tenga. Pero may napansin akong kakaiba sa lahat ng mga kuwintas nya. Malaki ang pendant nito at may batong kulay green na nakakaakit ng mata. Ang ganda...

Pero natigil ang pag oobserba ko sakanya ng kinuha ng matandang babae yung kamay ko. Inilahad nya ang palad ko. Nakita ko sa kabilang kamay nya ang isang ointment na kasama sa kinuha nya sa aparador. Inilapit nya ito sa hintuturo ko at pinisil ng kaonti. Maingat sya sa ginagawa nya. Nilagyan nya ng kakarampot na cream ang daliri ko.

Ng matapos nyang gawin yon ay itinabi nya iyon at nag salin sya sa baso ng dilaw na likidong laman ng boteng kinuha nya kanina. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Namamanhid yung daliri kong nilagyan nya ng ointment, nararamdaman kong gumapang ang manhid sa buong kamay ko hanggang braso. Tumingin ako sakanya, naramdaman kong namanhid ang dibdib ko kasabay ng ulo at balakang ko. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakabingi.

"Bakit po ganito ang nararamdaman ko?" Nakatingin lang ako sakanya.

"Para hindi mo maramdaman lahat ng sakit habang ginagamot kita." Ngumiti uli sya.

Dahan dahan nyang inilapit sa bibig ko yung baso.

"Inumin mo ito ija."

"Para saan po ito?" Di na ako makagalaw. Manhid na ang buong katawan ko at nararamdaman kong para akong lumulutang. Ramdam ko ring mapungay na ang nga mata ko.

"Inumin mo na anak, at wag kang mabahala." Inalalayan nya ang bibig ko.

Nilunok ko lahat ng laman ng baso. Hindi ko nalasan yung pinainom nya saakin. Wala na rin akong panlasa. Tumitig lang ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nag papanic. Hinayaan ko lang syang gawin sakin to. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Pero ipinipilit kong idilat iyon.

"Wag mong labanan." Inalis nya ang buhok na humaharang sa mukha ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko...


•••••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon