Chapter Four: Alpha

38 2 0
                                    

©2017 DUEYDEE. All Rights Reserved

Chapter Four: Alpha

•••••

ELISE

Nagmulat ako ng mata, ang sakit ng ulo ko, damn. Dahan-dahan akong umupo. Hmm, tanghali na ata? Napatigil ako ng kumikirot yung likod ko. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto kung nasaan ako. Ang linis na, wala na yung mga gamit na ginamit sakin ng doctor.

Umalis ako sa kama ng dahan-dahan, maghahanap ako ng damit na pwede kong ma-isuot. Hindi naman kasi pwedeng lumabas ako ng ganito lang. Pumunta ako sa aparador na kasing laki ko lang ngunit walang damit doon na pwede kong magamit, napatingin ako sa upuan na malapit sa pinto. May nakatupi ritong v-neck shirt na puti. Kahit hanggang itaas ko ito ng tuhod ay isinuot ko ito, masakit yung likod ko sa bawat galaw na ginagawa ko.

Humawak ako sa pader para maging alalay sa paglalakad ko. Binuksan ko ang pinto, gutom na gutom na ako. Tiningnan ko ang labas, walang tao. "Ang dami namang kwarto rito." Diniretso ko ang hallway, nakita ko ang hagdan at bumaba.

May nakita akong malaking portrait dito sa salas ng bahay na ito. Lalaki ang nakapinta dito, makapal ang kilay, matangos ang ilong, di gaanong kaputian pero di mo mapagkakailang gwapo ito. Nasa mid-30's ata ito.

Nakaamoy ako ng pagkain, nakakapaglaway. Sinundan ko ang amoy nito at napunta ako sa kusina ng bahay. May lalaking nakatalikod sakin, nagluluto sya. Maganda ang pagkakahubog ng katawan nya. Naka-apron sya.

"Gising ka na pala." Boses ng lalaking nakatalikod.

"Ahh, opo. Ang bango naman po ng niluluto mo. Pwede po ba kong makikain? Gutom na gutom na kasi ako." Napangiwi ako sa tanong ko, di ko naman kasi to bahay. Ay! Si kristen, pucha nakalimutan ko sya. Baka naman siguro papa-uwiin ako ng mga ito.

"Umupo ka jan, hahainan kita." Di parin sya tumitingin.

Tiningnan ko ang lamesa, mahaba ito. Dahan-dahan ko itong tinungo. Umupo ako sa gilid, nakatingin lang ako sa lalaking nag lalagay ng pasta sa plato.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inilapat ko ang likod ko sa sandalan ng upuan. Napapangiwi ako.

"Eto, kumain ka na." Napamulat agad ako ng mata. Umupo sya sa harap ko, meron rin syang plato at may pasta rin. Tiningnan ko sya, oooooh. Nakangiti sya saakin. Kahawig nya yung nasa Painting kanina na nakita ko sa sala. Hindi naman siguro sya yun, that painting looks like it painted in ancient times.

"Salamat po." Ngumiti ako sakanya.

"Kain na." Sumubo na sya ng pasta. Nakatingin parin sakin at nginuso yung plato ko.

Bumaba ako ng tingin at wow, mukang masarap yung ginawa nya. Sumubo ako ng isa, Nakakaluha naman to.

"Ang sarap naman po nito!" Ngiti-ngiti kong sabi sakanya. Tumawa lang sya, sunod-sunod ang pag-subo ng pasta.

"Ija, dahan-dahan lang. Mabulunan ka." Naglagay sya ng tubig sa baso at inilagay ito sa harap ko. Kinuha ko ito at ininom lahat ng laman nito. Itinuloy ko uli ang pagkain. May narinig akong mahinang tawa, natigil ako at napatingin sakanya. May pasta pa akong nakalawit sa bunganga.

"Vhhakiit pfoooo?" Puro hanging bigkas ko.

"Gutom na gutom ka ata, sabagay di na rin ako magtataka kung bakit. 3 days straight kang tulog."

OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon