Chapter One: Mate

53 5 0
                                    


©2017 DUEYDEE. All Rights Reserved

Chapter One: Mate
•••••

Dalawang taon ang nakalipas.

ELISE

"Elise?" Kristen

"Hmm?"

"Kanina pa ako nag sasalita rito." Kristen, ngumiti sya at kitang-kita ko ang kanyang matutulis, mahaba at maputing pangil.

"Pasensya, ano nga palang sinasabi mo?"

"Sabi ko, may pupuntahan ako mamaya. Lumabas ka at mag grocery ng makakain mo. Baka matagalan rin ako dahil maghuhunting pa ako." Kristen

Tumalikod sya saakin at pumunta sa kwarto nya. Naglakad narin ako at pumunta sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga ng kama at tumulala.

Kristen Amor a Vampire, sya ang nagligtas saakin noon sa walang hiyang Rogue Werewolf na yon. Yes, werewolf. Wala akong alam noon na totoo pala sila hanggang sa naging isa narin ako.

Except sa kakayahan kong makarinig at makabasa ng mga nasa isip ng ibang tao, bata palang ako noon nung nalaman kong may ganon ako. Hanggang sa natutunan kong kontrolin yon hanggang sa nagdalaga ako. Wala akong pinagsabihan nun kahit pa yung mga magulang ko.

Hindi ko na rin alam kung anong nanyari sa mga kaibigan ko at kay Lance...

Kinupkop ako ni kristen, sa hindi ko malamang dahilan. Dahil hindi ko nababasa ang nasa isip nya dahil vamp sya. Hindi ko rin alam kung bakit ganun. Nasabi nya rin kasi saakin na ang race ng Werewolves at Vampires ay hindi magkasundo at magkalaban. Noong tinanong ko sya kung bakit nya ako iniligtas at dinala rito ay wala syang sagot at nag-sh-shrug lang. Di ko nga alam kung magpapasalamat ako dahil niligtas nya ako noon. Ayoko maging ganito. Isang halimaw.

Takot na takot ako noong una akong magpalit ng anyo. Hindi ko ma-kontrol ang sarili ko. Muntik na akong maging kagaya ng umatake saakin noon. Napigilan ako ni Kristen, at tinuruan ako ng katiting sa kung ano ba ako at kung anong dapat kong gawin.

Sa una ay, Hindi ko matanggap. Hanggat sa unti-unti ay natututo ako at hinayaan nalang. Wala narin naman akong magagawa.

Hindi pwedeng makontrol ako ng wolf ko dahil baka maging gaya ako ng Rogue na yon. Dapat balanse ako at ang wolf ko.

Onti lang ang nalalaman ko tungkol sa uri ko dahil wala naman akong pack na kinabibilangan upang gumabay at magturo sakin. Isa akong lonewolf at wala pa akong nakakasalamuhang ibang weres except sa Rogue na yon.

Bumangon na ako sa kama at nag bihis. Itim na sando, itim na jeans at itim na boots. Inilugay ko ang nakatali kong buhok na alon-alon. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ayos na to.

Bumaba na ako at pumunta sa sala, nakita ko sa lamesita ang isang note, pera, at susi.

"El,

Di na kita dinaanan sa kwarto mo. Gamitin mo na lang yung sasakyan ko.

Kris"

Kinuha ko na ang pera at nilagay sa bulsa ko. Iniwan ko ang note at naglakad na palabas ng bahay hawak ang susi na pinaglalaruan ko sa mga daliri ko. Sumakay na ako, at minane-obra ang kotse.

Hindi kami nakatira sa syudad, nasa gitna ng gubat ang Mansyon ni Kristen. Lubak ang daan at nadadaanan ko ang matatayog na mga puno.

Nakarating na ako ng grocery store at nag park, pumasok na ako sa loob. Kumuha ako ng cart at pumunta ng meat section. Kailangan ko ito.

Matapos kong magbayad ng mga pinamili ko ay bumalik na ako ng parking lot. Habang tulak-tulak ang cart may napansin akong kakaiba. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Wolf... Dumilat ako at tumingin sa paligid, hinahanap kung nasan ito ngunit wala akong nakita.

Isinantabi ko ang nararamdaman at ipinasok na sa loob ng sasakyan ang mga pinamili ko. May naramdaman uli ako, napalingon ako kung saan nanggaling ito. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatingin sakin.

"Mate" mahinang usal ng lalaki.

Nangunot ang noo ko dahil narinig ko ang sinabi ng lalaki dahil matalas ang pandinig ng isang were na kagaya ko. Naramdaman ko ang wolf kong masaya at parang gusto kong lumundag papunta sakanya at yakapin sya. Bakit ganito? Tanong ko sa sarili ko.

"Ang mate natin..." sabi sakin ng wolf ko.

Akmang lalapit na sya sakin ng nag madali along kumilos upang ma-ipasok ang natitirang pinamili ko at pumasok sa loob. Naglalakad na sya papunta sa kinaroroonan ko, nagmadali akong umalis roon. Lumingon ako saglit sa likod at humarap uli. Nakita ko ang mukha ng lalaki na nagtataka.

Kailangan kong makausap si Kristen tungkol dito. Wala syang nasabi saking ganito. Mate, bulong ng wolf ko sakin. Tsss..

Nang makarating ako sa bahay, kinuha ko ang lahat ng mga pinamili ko at nilagay sa kitchen. Nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto ko. Di ko na-aamoy si Kristen, wala pa sya. Merong amoy ang vamp pero hindi ko maexplain kung ano. Kaya sa pabango nya na lang ako dumedepende.

Pumunta akong banyo at naghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at nakitang golden brown na ang kulay ng mga mata ko. Shit! Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili ko. Idinilat ko ito at nakitang bumalik na sa dating kulay ang mga mata kong dark brown. *sigh*

Bumaba na ako uli at pumuntang kitchen upang magluto, alas-syete na ng gabi. Matapos kong magluto at kumain ay pumanhik na uli ako sa kwarto ko.

Narinig ko ang yabag ni Kristen, dali-dali akong lumabas at lumundag pababa ng second floor. Tumingin sakin si Kristen ng may pagtataka.

"Magusap tayo." Seryosong sambit ko sakanya.

Naglakad sya at umupo sa magarbo at malambot nyang sofa, nag crosslegs at tumingin sakin na tila nag hihintay kung anong sasabihin ko sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa harap nya.

"Kanina sa parking lot ng grocery store may nakita akong lalake, wolf rin sya." Nakatingin parin sya saakin naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"May kakaiba akong naramdaman ng makita ko sya at ang wolf ko." Nag-iwas ako ng tingin sakanya.

"Ano pa?" Kristen, nagbalik ako ng tingin sakanya.

"May sinabi syang "Mate" ano yun? Di ko na sya hinayaang makalapit sakin at dali-daling umuwi dito. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Nagulat ako ng ngumisi sya sakin. Bakit?

"Nahanap mo na ang kapareha mo, ang soulmate ng wolf mo." May ngiti parin syang mapang-asar.

•••••

OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon