Chapter Ⅲ

11 0 0
                                        

27-monday

Dear notebook,

Tsk badtrip agad ako! Ang daya kasi di natuloy yung lakad namin dapat! Haist sabi nya sa text nya, "xorie kc biglaan yung practice namin, i-reschedule na lng ntin nxt tym"

After ko mabasa yung text nya umuwi na lang ako galing akong school, natural pumasok hayst boring! Ni wala man lang text ulit after nung last text nya! Argh buset talaga!

Natulog na lang muna ako wala naman kasing gagawin sa bahay. Nagising ako around 5pm, nagpaload ako ng mga 7pm. Kasi hanggang ngayon wala pa din text? Tsk. Tawag ako ng tawag till 9pm wala pa din!? Last attempt ko na tatawag, kapatid nya yung nakasagot ang sabi wala pa daw sya, baka nasa comp.shop pa daw, baka 10pm pa daw dumating? Puro baka it means matatagalan pa sya umuwi? Grabe!

Nakausap ko na din sya sa wakas, naiyak na lang ako sa sobrang inis. Tinanong ko pa sya kung after nung practice nyo san ka pa nagpunta? Sabi nya nag-aya daw ng inuman kaya ngayon lang daw sya nakauwi, nagsorry din sya. Ako? Wala akong imik, binaba ko na lang yung phone ko tapos tinext ko na lang na matutulog na ako. Di ko na inantay yung text nya, pinatay ko na yung phone ko.

Nakakainis lang isipin na habang inaalala ko sya iba pala ang inaatupag nya. Okey lang naman sakin ang kaso pwede naman makitext man lang di ba? Ang dami namang paraan. Ganun nga talaga kapag ayaw maraming dahilan, kapag gusto maraming paraan.

*******
~Rose

MEMORIES NOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon