Beauty's POV
Ako si Beauty Perez, 16 years old. 4th yr high school student, Isa lang akong simpleng babae at walang arte, NBSB at gaya ng karamihan Anti-forever na super duper bitter! WALA NAMAN KASI TALAGANG FOREVER noh!! Kasi ... Kung meron? Bakit laging may naghihiwalay? Saka para sakin ... Manloloko lang ang mga lalaki lahat sila ay pare pareho! Sa una lang sila sweet at matino! Pero pag nakuha na nila ang gusto nila sayo ay i iwan at iiwan ka rin nila! Tama naman ako diba? Kaya wag ka nang kumontra!! Mga echosera!!
"BEEAAUUUUUTYYYYY!!!!"
"Ay demonyitang palaka ka!" nakakagulantang naman
"hindi ako demonyitang palaka! Ang ganda ganda ko kaya!"
"gaga alam mo namang ekpresyon ko lang yun noh!"sagot ko sa baliw kong bestfriend
Siya nga pala si Beatriz ang aking pinakamamahal na bestfriend ... Super ganda, super yaman at super talino nyan .. Sya naman ay naniniwala sa forever at sa kakahanap nya nun nakarami na sya ng boyfriend but... Don't get it wrong she knows her limitation at hindi sya easy na gaya ng iba
"Alam ko eh kasi naman kanina ka pa tulaley dyang gaga ka" Beatriz "oo nga pala bestie nakita mo na ba yung hottie transferee?"
"hindi, bakit?" sabi ko sa kanya ng walang kainte interes
"ano ba yan! Ang KJ mo talaga!"
"eh kasi bestie alam mo namang wala akong kainte interes pag dating sa mga lalaki eh! Saka alam mo namang sakit lang sila sa ulo at walang ginawa kundi ang manloko kasi nga past time lang nila tayong mga babae"
"ay nako! Nako! Ayan ka na naman sa pagiging bitter mo eh!!"
"hindi ako bitter bestie nag sasabi lang ako ng totoo"
"weh?? Dinga?? Mula ulo hanggang paa eh bitter na bitter ka kaya! Kaya nga naging famous ka dito sa skul dahil dyan sa pagiging bitter mo at hindi dahil mommy mo ang may ari ng skul nato.. Ms.BITTER"
Daming sinabi
"Ediwow THE BITTER THE BETTER! tara na nga! Pumasok na tayo sa room at baka magbell na!"
Nandito kasi kami sa hallway .. Pagpasok ko sa room .. Nakita ko yung classmate kong magjowa, masyado silang PDA syempre masakit sila sa matang tignan kaya lumapit ako
"alam nyo kung makapaglampungan kayo daig nyo pa ang mag asawa na! Eh magjowa pa lang naman kayo, ke bata bata nyo pa ang kakati nyo na eh ni Algebra nga di nyo kayang masagutan tapos puro pa kayo landian kung ako kasi sa inyo aral muna bago shota!"
"eh ano bang pakialam mo?" babae "mind your own business nga!"
"oo nga hindi porket famous ka dito sa skul dahil dyan sa pagiging bitter mo eh, basta ka nalang manghihimasok sa buhay ng may buhay" lalaki
"hey girl! I always minding my own business kaya! Gaya nyo ang sakit nyo kaya sa matang tignan! Get a room kung di na kayo makatiis! Wag kayo dito, paaralan ito hndi palandian at ikaw
(sabay turo ko sa lalaki) kaya nga ako naging famous dito sa skul eh dahil sa mahilig along manghimasok ng buhay ng may buhay diba? At lagging inilalabas ang pagiging bitter ko! Wag ka gang shunga!" -___-"Okay .. Class maupo na kayo, magsisimula name tayo" ma'am "teka... Anong Meron dito??"
"As usual ma'am bitter na naman po yang inaanak mo"
"Ma'am kasi po PDA SILA" pagtatanggol ko Sa sarili ko .. Totoo naman ehh
"Osya sya Tama na dahil magsisimula na tayo"ma'am
Umupo na kami at nagsalita na si teacher ninang "you may come in na iho" tapos may tisoy na pumasok muka syang stupidyante "okay class he will be your new classmate,magpakilala ka na dito sa unahan iho"
"Hi, My name is Jhiroo Seuk, 17 y/o.. Matalino, gwapo, sporty sana makasundo ko kayo, especially Sa kayo mga magagandang binibini"
"Eww" ako
So .. Lahat sila nakatingin sakin lalo na yung mga girls .. Kung makatingin naman tong mga to akala mo naman eh kaya nila ko -___-
"oh? Bakit sakin kayo nakatingin? Muka ba kong blackboard?? Dun nga kayo sa harap magsitinginan! Nakakairita kayo ehh" tapos tumayo ako
"ahmmm, Jhiroo right?""yes"
"may nakalimutan ka atang sabihin tungkol sa sarili mo?" tapos nginisian ko sya mwehehe
"huh? Ahm wala .. Na"
Lalo akong napangisi sa sagot nya kaya pumunta ako sa harapan at lumapit sa kanya tapos tinap ko yung shoulder nya"nakalimutan mo kayang sabihin na mayabang ka at siguradong babaero ka" tapos nagsmirk ako sa kanya, i know na medyo rude yung ginawa ko kasi nandun pa si teacher ninang sa unahan but who cares? Sanay na yan sakin
"pffft wahahahaha" nagtawanan ng malakas yung mga classmates ko lalo na yung mga boys tinignan ko yung Jhiroo .. Haha hindi maipinta yung pagmumukha nya at ang sama ng tingin nya sakin... Bago pa nya ako lamunin ng buhay eh bumalik na ako sa aking upuan
"Okay class.. Tahimik na .. Jhiroo iho pagpasensyahan mo yang inaanak ko ganyan lang talaga yan .. Okay you may sit beside her nalang.."
"sheyt" bulong ko.. Naalala ko nga pala na bakante nga pala yung katabi kong upuan
Tiningnan ako nung Jhiroo at ngumiti sya ng parang nakakaloko
"ooops" kunwari di ko yun sinasadya "sooo...rry"
"what the?"
Pinatid ko kasi sya kaya nagtawanan lahat ng classmates namin hayy ... Sarap nyang pagtripan wohohoho
BINABASA MO ANG
WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]
Teen Fiction"Walang Forever ! Sabi ni Miss bitter?" Wala nga ba talaga o sadyang bitterella lang talaga sya?