Jhiroo's POV
Nakakainis! Badtrip! Ilang araw na akong hindi makapagpapansin kay Beauty dahil masyado syang busy sa kanong hilaw na yun!
"Oh? Bakit muka kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan?"
"Ay malaking butete!
Ikaw pala yan Beatriz. Hehe wala naman.. Naiinis lang kasi ako"
"Huh? Kanino naman?"
"sa kanong hilaw na yan!" tapos ngumuso ako sa lugar nila Beauty
"Ah.......... Selos ka noh?" tapos binigyan nya ko ng makahulugang ngiti
"anooo?? Ako nagseselos? Hindi noh!! Saka dihamak na mas gwapo ako kesa dyan sa kanong hilaw na yan!"
"ashuus! Denial overload 101 tapos deffensive ka pa masyado! Wag ganun, halatang halata ka na eh?"
"huh? Hindi ako nagdedeny totoo naman kasi yung sinasabi ko at mas lalong hindi ako deffensive, kaano ano nya ba pati yang asungot na yan?"
"dating patay na patay si Bestie dyan kay David pero ngayon friends nalang sila"
"ANOOO?! Naging patay na patay si Beauty dyan?? Eh mukang bakla nga yan eh!! saka friends lang naman pala sila eh bakit wagas makalingkis yang ungas na yan sa kanya? Saka balita ko college na yan at sa America nag aaral ah? Bakit hindi nalang sya bumalik don?! Hindi yung nilalandi nya pa si Beauty at saka diba bawal ang outsider dito?? Eh anu pang ginagawa nyan dito?!"
"Tss.. NapakaO.A mo Jhiroo ganyan ka ba talaga pag nagseselos? Saka hello?? Mommy ni Beauty ang may ari ng school tapos sya pa ang nagmamanage kaya di uubra ang rules ng school"
"so unfair"
"hahaha selos ka lang eh. Muka ka tuloy bakla lalo na ngayong ang haba haba ng nguso mo! Hahaha"
"ang hard mo naman te! Hindi ako nagjejelly noh"
Wtf am i saying? Bekiwords? Bagay pala sakin
"hahahahahahaha omg Jhiroo bagay sayo"
"heh! Uyy balita ko kayo na ni Dustin?"
"wow change topic agad agad? Matagal na ngang kami eh kaya hindi kami laging magkasama ni Bestie kasi busy ako sa aking honey baby my loves so sweet"
"ang korni mo naman pala pag in la bobo este in lab abo. Tsk!! Ano ba naman yan!! Bakit pag dating sa lalaking yan ang sweet nya! Pag sakin at sa ibang lalaki o di kaya mga lovers eh saksakan ng bitter nya?!"
"wooh si Jhiroo Jelly"
"hindi nga ako najejelly! Ohh tignan mo! Nagsusubuan pa sila eh parehas lang naman sila ng pagkain!"
"BEEEEESTIIIEEEE!!!" nakakagulantang namang sumigaw itong si Beatriz
"h-hoy! Wag mo nang tawagin!" inayos ko na kaagad yun bangs ko, tinaas ko yun para dagdag pogipoints
"BEEEESTIEE!!!!!" tinawag ulit ni Beatriz si Beauty
Lumingon naman sila
Kainis na kanong hilaw to pag ako nainis iluto ko sya eh"Ow? Hi Bestiee!! Yow Jhiroo"
"Hi guys wazzup?" plastic mo tol para kang nakashinghut ng katol! Makahawak ka sa kamay ni Beauty akala mo pag aari mo eh! Putulin ko kaya yan? Put in a disc
"pwede ba kami ni Jhiroo dyan sa table nyo Bestie?" sigaw ni Beatriz
naku naku? Anung gagawin ko?
"Beatriz wag na! Dito nalang tayo, tignan mo nga oh busy sila! Baka makaistorbo tayo" insert sarcasm
"Oh no dude, di naman kami busy eh"
"marunong ka naman palang magtagalog eh english ka pa ng english kanina feeling mo naman nasa America ka" bulong ko
"Ahm Jhiroo may sinasabi ka ba?" tanong sakin ni Beauty
"W-wala kumakanta lang ako"
Nandito na nga pala kami sa table nila at hindi talaga ako mapakali! Sige na i surrender! With matching hands up pa! Nagseselos ako. Sobrang nagseselos ako at hindi ko alam kung bakit!!!!!
"Jhiroo para kang kiti kiti dyan. Okay ka lang ba?" Beatriz
"Baka naman natatae ka Jhiroo" Beauty
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko, buti nalang at inallayan ako ni Beatriz kaya hindi ako nahulog.
"h-hindi ah"
"nangangati ba pwet mo bro?"
*booogsh
this time nalaglag na ako
tinulungan ako ni Beauty na makatayo
"aray ko ang sakit" tapos hinimas himas ko yung pwet ko. grabe lang ehh feeling ko nagkapasa na yung pwet ko nito
"Tss.. ang lampa mo naman jhiroo" Sabi sakin ni Beauty
"Grabe naman kasi kayo ehh, kumakain ako tapos kung anu-ano yung mga pinagsasabi nyo, binabastos nyo yung pagkain ehh"
"para ka talagang bakla, the way you act and the way you speak. tss"
"grabe ka namang Miss Bitter ka, kung bakla ako edi sana hindi na kita nililigawan"
"tsss, whatever"
"nanliligaw ka pala sa My Princess ko?" si kanong hilaw feeling close kung makapag tanong
"yes dude, why? is there a problem?" oha? english yan! ginawa ko pa ang best ko para lang maging british accent!
"oh no, i'm just askin'" wews T______T bakit ang galing ng accent nya?
"bakla talaga"
hindi ko tuloy namalayan na napanguso na pala ako
____________________________________________________________________________________
a/n: sorry kung putol yung last ud ko guys, pero ayan na inayos ko na ^______^
BINABASA MO ANG
WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]
Teen Fiction"Walang Forever ! Sabi ni Miss bitter?" Wala nga ba talaga o sadyang bitterella lang talaga sya?