Prolouge

490 19 0
                                    

Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Nag iisa lang akong anak kaya spoiled ako sa kanila ... Nag-iisa lang ang lalaki sa buhay ko at mahal na mahal ko sya at yun ay walang iba kung di ang DADDY ko! Daddy's girl kasi ako eh. Super Cool nya at hangang hanga ako sa kanya dahil si Mommy at ako lang ang natatanging babae sa buhay nya... Kaya nga lagi kong winiwish na sana pag nagkaroon ako ng lalaking mamahalin at magmamahal sakin balang araw ay gusto ko katulad ng daddy ko..
Pero... Lahat ng iyon .... Biglang nawala na parang bula

Flashback

*kusina

"I'm done with it! Sawang sawa na ako! Ni minsan hindi mo manlang kami magawang iprioritize ng anak mo!!" mom

Huh? Teka anong meron? Ano ba itong sinasabi ni mommy?

"hinaan mo nga yang boses mo at baka mamaya marinig pa tayo ng anak mo!" Dad

So?? Ayaw nilang iparinig sakin ang unang beses na pagtatalo nila?? At bakit naman kaya??

"mas mabuti nga iyon eh! Ng malaman ng anak mo kung anong klaseng ama ka! Napakamanloloko mo!" Mommy

Huh? Naguguluhan ako?

"manloloko? Teka? .... Diba't ikaw itong nagmakaawa sakin na huwag kang iwan para sa anak mo!? Alam mong may iba akong pamilya at sila ang legal at hindi kayo! Alam mong kabit lang kita.. Pero ano?! Pinagsiksikan mo parin yang sarili mo sakin! Ginawa ko ang lahat para maging mabuting ama sa anak mo! Alam mo namang pinakasalan lang kita dahil sa pera!"

Naiyak ako, so lahat pala ng mga yun ay hindi totoo? Yung sweetness na ipinagakita nila sakin noon eh puro pag papanggap lang pala? Ang sama nila. .. Lalo na si daddy!! Nakita kong umiiyak na si Mommy at pagbubuhatan pa sya ng kamay ni daddy kaya naman agad akong pumunta sa harapan ni mommy at tinulak si daddy

"b-baby?" dad
Yan ang tawag sakin nila mommy at daddy

Hindi ko alam pero biglang naging automatic na na blangko yung ekspreyson sa muka ko..

"what are you trying to do to my mom!?"

"nag-uusap lang kami ni mommy baby"

"really? Narinig ko lahat! Lahat lahat! Napakasama nyo! Lalo kana! Umalis ka na dito sa bahay namin! At wag ka nang babalik! Ayoko sa daddy na manloloko! At gold digger"

"a-anak..."bulong ni mommy"pabayaan mo na ang daddy mo...."

"but mom! Lagi mong sinasabi sakin na ONE IS ENOUGH! hahayaan mo nalang ba na gaganyanin ka ni daddy!??"

Parang nabuhayan naman ng loob si mommy
"tama ka anak... Ikaw na lalaki ka! Lumayas ka na sa pamamahay namin ng anak ko at wag na wap ka nang babalik at simula ngayon lahat ng natatamasa mong kayamanan ay binabawi ko na!"

*end of flashback

Pagkatapos ng pangyayaring yun ... Akala ko magiging okay na ang lahat ... Pero hindi parin pala? Kasi si mommy masyado nyang dinibdib ang pag hihiwalay nila nag paiba iba sya ng mga lalaki.... At lahat ng lalaking yon ay niloloko lang siya lagi.. At hindi ko yun matanggap tanggap.

WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon