Chapter 27

11 0 0
                                    

Beuty's  Pov

Hawak hawak ko ang positibong resulta ng dna test ng bangkay na nakuha sa sasakyan ni Ash. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya dahil nararamdaman ng puso ko na buhay pa sya.

"Ash naman eh! sabi mo papatunayan mo sakin na may forever? pero bakit nandiyan ka? Iniwan mo na ko nangako ka sakin diba? Pano mo matutupad ngayon yun hah"

Hindi ko na kayang pigilan ang pag hagulgol sobrang sakit, ayokong maniwala sa katotohanang patay na siya kasi hindi ko matanggap at kahit kailan hindi ko kayang tanggapin. Sobrang sakit parang pinipiga ang dib dib ko at mauubusan na ako ng hininga.

Hindi ko rin alam kung ilang litro na ng luha ang nailalabas ko sa sobrang sama ng loob, Ang akala ko ako ang unang mamamatay dahil sa paghihirap ko sa mga kamay ng kumidnap sakin sinikap kong magpakatatag kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya, Pinilit kong mabuhay para sayo Ash pero ano tong igaganti mo sakin?

Pagkamatay mo kapalit ng buhay ko? yun ba yun? mas gugustuhin ko pang ako ang namatay kesa ikaw, nakakulong na yung taong gumawa sayo nito pero hindi parin yun sapat na dahilan para sumaya ako dahil hindi na nun maibabalik ang buhay mo.

Sabi sakin ni Red yung ex girlfriend mo raw ang nagpakidnap sakin at nagpabugbog, hanggang ngayon hinahanap nila yung ex mo pero nowhere to be found ang gaga.


Sobrang dami ng bumabagabag sa isip ko ngayon nadedepress na ako, hindi ko alam kung kakayanin ko pa, hindi ko kayang makatulog ng maayos at kumain ng maayos dahil Isipin ko palang ang kalagayan mo ngayon wala na akong gana. Wala na akong ganang mabuhay pa gusto ko nang sumunod sayo Ash kunin mo nalang ako para hindi na ako nagkakaganito! Mababaliw na ako kakaisip sayo.


Ilang oras ang lumipas ng mapagpasiyahan kong umalis na dito sa Crematory Park kung saan ang Puntod ni Ash, masyado nang malalim ang gabi dinig na dinig ko ang tunog ng mga kuliglig palakas ito ng palakas.

Bigla akong kinilabutan sa sitwasyon ko ngayon, kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras ngunit nabigo ako dahil deadbat na ito. Umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin

"Shit! takot ako sa multo! wag kayong magpapakita jusko Ash mahal na mahal kita kaya lang wag mo akong mumultuhin kasi hindi ko alam kung kakayanin kong makita ka na lapnos ang buong katawan"

para akong baliw na nagsasalita mag isa yakap yakap ko ang sarili ko habang papunta sa parking lot ng bigla kong maalala na hindi ko nga pala dala ang sasakyan ko ng pumunta ako dito. Napasapo ako sa aking ulo dahil sa katangahan na ginawa ko

"Gooooshhh Beauty ang tanga tanga mo talaga dis oras na ng gabi hindi ka pa rin nakakauwi kahit pagbali baliktarin mo ang mundo kahit isa itong crematory park ay nasa sementeryo ka pa rin! Gaga ka talaga takot ka nga sa dilim at multo ehh!" panenermon ko sa sarili ko


Naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon hindi dahil naaalala ko si Ash kundi dahil sa katotohanang takot ako sa sobrang dilim at sa multo, Oo hindi pa ako nakakaranas makakita ng multo dahil ayaw kong mangyari yon.



"Shhhhhhhhhhhht!"

halos mapatalon at mapaihi ako sa takot ng may sumitsit sakin ng mahaba at animoy nakakatakot ang tinig, dahan-dahan kong nilingon ang direksyon kung saan nagmula ang sitsit ngunit wala namang tao! Poota hindi ko na ata kakayanin!

nagmadali akong maglakad kahit pakiramdam ko naliligaw na ako dahil nga sa madilim na ay hindi ko na maalala kung nasaan ang exit.

"Ssssshhhhhhhhhhhht"

hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo at magtititili sa sobrang takot

"Aaahhhhhhh multoooo multooo tulungan nyo ko may multooooo ahhhhhhhhhhhhh"


Bigla akong nanigas at pakiramdam ko naubusan na ako ng dugo sa katawan sa sobrang takot dahil sa nabangga kong matigas na malamig na bagay subsob na subsob ang muka ko, unti unti akong nagmulat at halos manlaki ang mata ko sa kulay puting nakikita

"Aaahhhhhhh multooo ngaaaa!"

Hindi ko na kaya naglumpasay at nagtititili na ako rito sa sidewalk umaatungal na rin ako, ano bang nang yayari sa buhay ko?

"Miss miss teka hindi ako multo. Tao ako Miss Guard ako dito ako yung kanina pa sumisit sayo hindi ko intensyong takutin ka ganun lang talaga ang tono ng boses ko pag sumisitsit pasensya ka na, naliligaw kaba? hindi kasi dito ang daan palabas doon pa sa kabila ang daan"

Napatigil at napatayo ako dahil sa dire diretsong pagpapaliwanag nya, nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya akala ko matutuluyan na akong mabaliw sa takot. Sinamaan ko siya ng tingin ng maalala ko kung gaano ako nagmukang tanga dahil sa kanya

"Hoy kuyang guard! bwisit ka alam mo ba yun? nagmuka akong tangang ewan kanina sa sobrang takot! kasalanan mo ito, kaya ayan naligaw na tuloy ako ihatid mo ako sa tamang daan at ihanap mo ako ng taxi. Yun na ang kabayaran ng pananakot mo sakin"

sabay cross arms ko, napahawak nalang siya sa batok niya, infairness may itsura siya at hindi pa ganun katanda siguro nasa late 20's na or mid 20's na siya.

"Okay Ma'am I'm sorry"

Halatang sincere ang boses niya sinundan ko siya hanggang sa makarating na kami sa Tamang landas

"Ma'am Pasensya na po ulit nandito ka na po sa Exit nakatawag narin po ako ng taxi mag ingat po kayo sa pag uwi, yung taxi driver kilala ko po yan kaya sigurado pong ligtas kang makakauwi sa inyo"



hindi ko siya nginitian ngunit nagpasalamat ako

"Salamat kuya Guard, see you again Chief Ocampo"

bakas sa mukha nya ang pagkagulat, kaya bago pa sya magtanong ay inunahan ko na siya.

"Wag kang assuming kuyang Guard ah! eh sa Ocampo yung nakalagay sa uniform mk eh saka  hindi kita type masyado ka ng matanda para sakin saka isa pa may boyfriend ako"

pagsusungit ko sa kanya sabay sara ng pinto ng sasakyan.

WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon