Ano bang pwedeng mangyari sa loob ng 1hour break?
Flashback
Nandito ako ngayon sa rooftop. Dinadama ang sariwang hangin at napakandang tanawin. Okay na sana eh kaya lang ang dami kong couples na nakikita pero ang higit na nakaagaw pansin sakin ay ang magkasintahan na medyo malayo sa karamihan para silang nagtatalo hindi ko makita ang mukha nilang dalawa kasi nandito ako sa taas.
Nakaupo sila sa bench biglang tumayo yung lalaki ng hindi humaharap sa babae tapos yung babae pinigilan yung lalaki pero marahas na inagaw ng lalaki pabalik ang kanyang kamay humarap ulit ang lalaki doon sa babae at may kung anong sinabi kaya ayun humahagulgol na yung babae. Hay nako pag nakakakita ako ng ganyang eksena naiinis talaga ako"Bakit ba kasi walang forever eh!" Inis na sigaw ko, wala naman sigurong makakarinig dahil mag isa lang ako dito
"Merong forever wag kang bitter"
Akala ko nag iisa lang ako akala ko lang pala yun tsk bakit ba kung nasan ako nandito rin itong lalaking ito?
"Stalker ka ba?"
"Hindi"
"Eh bakit kung nasaan ako andun ka rin?"
"Alam mo hindi ka rin pala panget ano? Pilingera ka pa, kung ikaw lang rin naman ang babaeng susundan ko mas pipiliin ko na yung ex ko kesa sayo"
Ang lakas manglait ng hinayupak na to pagkatapos bigla man lang akong iniwan ng hindi nakakabawi?
Asaaaaaar
grrrrr
"Pero kahit ganun biglang nagbago ang isip ko eh dahil masyado kang bitter gusto mo patunayan ko sayo na merong forever?" Sabi nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko
End of flashback
Natapos na ang klase at hanggang ngayon wala pa rin akong sa mood sa Old School ko palagi akong nakapoker Face pero dito feeling ko lagi na akong grumpy face maaga na ata akong tatanda neto. Sayang ang Beauty ko dahil lagi akong nakukunsumi hindi ako panget! Maganda ako noh kaya nga Beauty ang pangalan ko kasi M.A.G.A.N.D.A A.K.O
*screeeetch(tunog ng kotseng pumreno wahaha)
Kinalampag ko yung pintuan ng kaskaserong driver na muntik na akong banggain
"Hoy bwisit kang kaskasero ka lumabas nga dyan sa kotse mo! Ang ganda nga ng kotse mo hindi ka naman marunong magpatakbo ng maayos! Papatayin mo ba ako? Hoy sabing lumabas ka dyan oh baka gusto mong hilahin kita dyan palabas?"
Binuksan nya ang pinto
"Aish ikaw na naman? Panget ka na nga hindi ka pa marunong tumingin sa dinaraanan mo bakit ka ba nag sspace out? Dahil ba sinabi ko kanina?" Inis na nay halong pagtatakang tanong nya
"Hindi noh masyado ka talagang---
Bigla nyang pinutol ang sinasabi sa pagtatakip ng kanyang hintuturo sa aking labi
"Alam ko masyado talaga akong gwapo kaya halika na sumama ka nalang sakin at papatunayan ko sayo na mayroong forever"
Bigla nyang hinila ang kamay ko ngunit hindi ito marahas sapat na para dalhin nya ako papasok sa kanyang magarang sasakyan
"Pwede bang bitiwan mo na yung kamay ko? As if namang tatakas pa ako nito eh nakaseatbelt at nakalock narin ang pinto ng kotse mo" sambit ko sabay irap
"Pano kung ayokong alisin ang pagkakahawak ko sa kamay mo?" Sabi niya ng may halong nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi
Biglang nag init ang mukha ko. Bat ganun? Parang lalo syang gumagwapo
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kababuyang naiisip ko dapat kasi naiinis ako sa kanya hindi yung kung anu ano ang pumapasok sa isip ko kaasar eh
"Edi wag mong bitiwan para hindi ka makapagdrive ng maayos! Duuhh kung gusto mo iposas mo pa yang kamay ko sa kamay mo para hindi na maghiwalay at magkaroon ng forever che!"
Humagalpak sya ng tawa
"Ngayon ko lang napansin na kahit panget ka cute ka rin pala kapag naiinis don't worry I can drive using my one hand" sambit nya na ang lapad lapad ng ngiti
"Alam mo nakakadiri ka kapag ngumingiti ka ng ganyan para kang sinaniban ng masamang espiritu kaya kung ako sayo itigil mo na yan"
Humarap sya sa sakin
"Talaga ba? O baka naman kasi lalo ka ng naiinlove sakin? Grabe ang lakas talaga ng appeal ko at pati pangit nasungkit ko ang puso hahaha"
"Yuck! Mandiri ka nga sa sinasabi saka nagdadrive ka wag ka saking tumingin wala sa mukha ko yung dinadaanan natin! Kung gusto mong mapahamak wag mo akong idamay sayang ang beauty ko pag namatay ako ng maaga"
"Pagabi na kaya, gusto mo ako nalang ang pumatay sayo ngayong gabing ito? Papatayin kita sa sarap" nandiyan na naman ang kanyang pilyong ngiti
Biglang nag sink in sakin ang sinabi nya at marahas kong hinigit ang aking kamay dahilan para mapareno sya ng mahigpit at tumama ang kaliwang noo nya sa manibela dahil sa lakas ng impact nagdurugo ito
"H-hey a-are you okay? You're forhead is bleeding"
Napabulong sya ngunit narinig ko parin
"Fuck it"
"A-ano k-kasi" hindi ko maituloy ang sasabihin ko hindi ko kasi alam kung paano humingi ng paumanhin hindi ako sanay at kung sakali man ito palang kasi ang unang beses na hihingi ako ng paumanhin. Ramdam kong nag iba ang mood nya bigla akong natakot ng mapatingin ako sa kanyang mata dahil napakalamig na nito parang nawalan ng saya at ng buhay?
"GET OUT OF MY CAR NOW!"
"O-okay" nanginginig ako sa takot mabilis akong lumabas ng sasakyan nya kahit hindi ko alam kung nasaang lugar man ako, naiiyak ako, ito ang unang beses na sigawan nya ako ito ang unang beses na nakita ko siyang magalit. Kung sabagay ano bang alam ko tungkol sa kanya? Eh kailan ko lang naman sya nakilala.
Napatingala nalang ako sa kalangitan ang babaw ng ulap kapag minamalas nga naman mukang uulan pa wala pa naman akong ibang dala kungdi sarili ko lang sa sobrang takot at pagmamadali ko kasi kanina ay naiwanan ko ang bag ko sa kotse nya.
Napakalakas na ng simoy ng hangin. Nasaang lugar na ba kasi ako? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pang ilang beses ko na ba itong umiyak? Hindi naman kasi ako iyakin kaya hindi ko alam kung pang ilang beses na ito una? Pangalawa? Ewan ko ba. Natatawa ako sarili ko kahit umiiyak na ako para kasi akong baliw sa mga pinag iiisip ko eh. Kahit kailan palagi nalang akong mag isa lahat sila nagagalit sakin maski nga ako galit narin ako sa sarili ko.
Mahirap ba akong mahalin? Bakit lagi nalang silang lumalayo sakin? Oo nga pala may nagmamahal sakin si Beatriz pero anong ginawa ko? Tinalikuran ko lang sya iniwan ng walang paalam kaya hindi na ako magtataka kung bakit lagi nalang akong naiiwan kasi ako mismo ang unang sumusuko. Sigurado akong nag aalala na sakin ang bestfriend ko
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lumalakad lang ako sa gilid ng kalsada walang gaanong sasakyan ang dumaraan at oo nga pala bumuhos narin ang malakas na ulan, tama lang siguro ito para kung sakali mang may makakita sakin ay hindi nila mahalata na umiiyak ako. Nangangatog na ako dahil kulang kulang isang oras na akong babad sa ulan pakiramdam ko ay ano mang oras ay bibigay na ang katawan ko unti unti nang nadidilim ang paningin ko bumabagsak na ang katawan ko sa semento wala na ako sa wisyo nakapikit na ako ngunit gising pa ang diwa ko. Naramdaman ko nalang na may bumuhat saakin may sinabi sya ngunit hindi ko maintindihan hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman
BINABASA MO ANG
WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]
Teen Fiction"Walang Forever ! Sabi ni Miss bitter?" Wala nga ba talaga o sadyang bitterella lang talaga sya?