nagdala ako ng meryenda para kay Chief Ocampo dahil dadalawin ko ulit si Ash sa puntod nya, ilang buwan na ang lumipas simula ng iwan ako ni Ash at sa ilang buwan na pagdalaw ko ay naging close kami ni Chief Ocampo. Nalaman ko na may anak siya na 2years old pero walang nanay dahil Iniwan sila hindi raw ito handang maging Ina sa dahil bata pa raw siya."Chiiief Magandang hapon"
"Maganda ka pa sa Hapon Beauty ang aga mo atang dadalawin si Ash ah? may pa red roses pa, saka ilang beses ko bang uulitin sayo na Ocampo nalang wag na Chief 26 palang ako nagmumuka akong matanda sa pag tawag mo sakin ng chief"
red rose kasi ang favorite na bulaklak ni Ash kaya yun ang lagi kong dinadala sa kanya, natawa naman ako sa inasta nitong Guard na to. Nasabi ko na ba sainyo na siya ang may ari ng crematory park na ito?
"Ang arte mo oh ayan meryenda pakonswelo dyan ka na nga dadalawin ko na si Ash ko magdadrama pa ako"
nagflip hair muna ako bago mag walk out at ang bruhildo tinatawanan lang ako
Nawala na ang saglit na kasiyahan sa mukha ko at napalitan na ng lungkot ang bigat sa pakiramdam, dadalawin ulit kita kakausapin, dadalhan ng gusto mo kaso hindi ka naman nagreresponse kasi nga patay kana
"Ashhhh Miss na miss na kita baby mahal ko oh ayan kung kelang wala ka na saka ko lang kayang sabihin ang endearment natin mahal na mahal kita Ash bumalik ka na sakin pwede ba? Please Ash hindi ko na kaya ang araw araw na sakit sa tuwing nakikita at naaalala kong nandiyan ka na sa garapon na yan"
humigit kumulang isang oras akong nakatambay sa puntod nya, kung dati halos buong araw akong nandito, ngayon hindi na ganun katagal. Napag pasyahan ko ng umalis kaya lang kung gano kainit ang panahon ganon din kainit ang ulo ko
salubong ang kilay kong papalapit sa isang babae at sa batang kinagagalitan nito.Iyak ng iyak ang bata malayo palang alam ko na kung sino ito
"Celiiine!" tawag ko dito at kaagad naman itong lumingon at tumingin sa akin
"Tita mommyyy" sigaw nito habang natakbo palapit sakin sa kabila ng paghikbi niya
"Shhh why are you crying? did she hurt you? where's your daddy?" nag aalalang tanong ko kahit 2yrs old palang itong anak ni Ocampo matatas at matalino ito
inis na tinignan ko ang babaeng nagpaiyak sa baby ko kahit gulat ay hindi ko iyon pinahalata
"Angeline? anong ginagawa mo dito? bakit mo pinaiyak si Celine?"
malamig nya akong tinignan
"Hindi ko siya pinaiyak at pwede ba wag kang makialam dito dahil wala namang alam!" binaling nya ang tingin kay Celine
"Celine sumama ka na sakin bibilhan kita ng maraming maraming toys basta sumama ka lang sakin kahit ngayon lang sige na please?"
hindi ko maintindihan ang inaakto ng may sapak sa ulo na babaeng ito, kinarga ko si Celine hindi ko hahayaang sumama siya sa babaeng yan ni hindi ko nga alam kung kaano ano nya yang bruhang yan malala na talaga ang isang to.
"lets go Celine I'm sure that your daddy is looking for you right now" sabi ko dito at hinakilan sa noo
tinalikuran ko na Si Angeline at sinimulang maglakad palayo dahil dadalhin ko na si Celine sa Opisina ng daddy nya kaya lang halos mabitawan ko si Celine sa sakit na naramdaman ko ng hablutin ng may topak na babaeng to ang napakaganda kong buhok kahit nahihirapan at binababa ko muna si Celine at hinarap ito na nakasabunot parin sa buhok ko
"Hoy Beauty kahit anong gawin mo ate mo pa rin ako matanda lang ako sayo ng isang taon pero ate mo parin ako give me some respect! kaya wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita! napipika na ako sayo na sa lahat nlang ng bagay na meron ako ay nakikisawsaw ka! Una kay Daddy pangalawa kay Jhiroo ngayon naman kay Celine? ano pa bang kadesperadahan ang gagawin mo para maagaw sakin lahat ha?"
isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya na syang dahilan para mabitawan nya ang buhok ko
"How dare you to talk to me like that? wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan dahil kung wala akong alam mas wala kang alam! Una sa lahat yang daddy mo ang sumira sa pamilya at sa buhay ko! Pangalawa wala na akong pakialam sainyong dalawa ni Jhiroo kahit magsama na kayo mismo wala akong pake at pangatlo kaano ano ka ba ni Celine at pinipilit mo siyang sumama sayo? hindi mo ba nakikita na umiiyak na ang bata dahil sa ginagawa mo? WALA AKONG INAAGAW SAYO ANGELINE TANDAAN MO YAN KUNG MARAMI MANG NAWALA SAYO KASALANAN NO YAN DAHIL HINDI MO SILA ININGATAN!"
sobra sobra ang inis at galit kohindi siya umimik dahil sa sinabi ko ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa namutla siya at nakatulalang nakatingin sa likod ko.
Teka? si Celine? lumingon ako sa likod para makita kung ano ang tinitignan ng bruhang may topak
"Celine? Ocampo?"
nawala ang ngiti nito ng makita nya ng malapitan kung sino ang babaeng nasa harap ko, napalitan iyong na lukot na mukha
"What brings you here?"
malamig na tanong nito kay Angeline, teka? magkakilala ba sila? malamang Beauty nag uusap nga sila diba? tanga lang
inis na napairap ako sa isip ko
"S-Si Celine kukunin ko na siya iuuwi ko na siya samin ibigay mo sa sya sakin"
"Why would I? Who do you think you are para kunin sakin ang anak ko?"
"Trevor ako pa rin ang ina niya"
"Ikaw lang ang nagluwal sa kanya pero ni minsan hindi ka naging ina sa kanya"
mukha akong tanga na tahimik lang sa isang tabi at nakikinig sa nakakashookt na usapan nila, nakatulog na si Celine sa bisig ng kanyang ama
"Hindi mo ko naintindihan Trevor takot lang ako ng mga panahong iyon, ngayon handa na akong harapin ang lahat para sa anak ko gagawin ko lahat" bakas sa mukha nito ang pagiging desidido
tumawa ng mapait si Ocampo
"Lahat? talaga ba? gagawin mo na talaga lahat?" nakangising turan nito
gusto kong barahin si Ocampo dahil para syang tanga na paulit ulit kaso napaka intense ng eksena kaya hindi na muna ako sasabat
"Oo lahat, kahit ano gagawin ko makasama lang ang anak ko"
"Good. Then apologize to Beauty and Marry me be my wife for real"
mabilis na palunok lunok si Angeline dahil sa gulat maski naman ako gulat na gulat rin
"Nababaliw ka na ba Trevor? hindi tayo pwede alam mo yan! alam mong ayaw ni Daddy sayo dahil- dahil guard ka lang"
this time hindi ko na napgilang makialam
"Cut it out Angeline hindi mo ba alam na napakayaman ng taong tinatanggihan mong mang alok sayo ng kasal? saka wag mong isangkalan ang daddy mo dito dahil malaki ka na ikaw ang madedesisyon pra sa sarili mo hindi ang ibang tao"
inis na iniwan ko silang dalawa bahala sila dyang mag usap halata naman sa mukha ni Angeline na mahal pa niya si Ocampo kung bakit nilandi pa niya noon si Jhiroo hay nako pokpok
BINABASA MO ANG
WALANG FOREVER! sabi ni Ms.BiTTER [COMPLETED]
Teen Fiction"Walang Forever ! Sabi ni Miss bitter?" Wala nga ba talaga o sadyang bitterella lang talaga sya?