Prologue

19.3K 224 8
                                    

Pasensiya na po sa grammatical and typo errors.

Hope you'll like this!

___________________________

Prologue

Love?

That's the only thing I wish to have but I couldn't have.

Happiness?

That's the only thing that world denies me to have.

Envy?

That's what I've always felt since I learn to fall inlove.

Desperate?

That's what I am.

Attention?

That's all I want to seek from someone I love.

Selfish?

That's the only thing he thinks of me.

Shattered?

That's what I've got for being selfish.

Pain?

That's what I feel when I start having my selfish attachment on him.

It may be odd but all those things listed above, I've already experienced it when I started to love him.



"HOY, Fallon! Ano na naman 'yang sinusulat mo?"

Bumalik naman sa tamang serkulasyon ang utak ko nang biglang may umalog sa ulo ko. Napatingin ako sa notebook na sinusulatan ko. I don't know why I wrote something like this. Basta't isa lang ang alam ko, I love writing romance novels, 'yong magaganda ang ending. I guess, may namumuong plot na naman sa utak ko na gusto kong gawan nang panibagong kwento and this would be the start of it.

"Wala!" nakasimangot na sagot ko kay Ate Charlotte.

Kaagad na itinago ko ang ballpen at notebook sa loob ng bag ko. Umupo naman sa silyang nasa harapan ko si Ate Charlotte. Walang pasabing kumuha siya ng french fries na kinakain ko at walang pakundangan na kinain 'yon sa harap ko. Napapailing nalang ako.

"Ang takaw mo talaga, Ate! Bumili ka nga nang sa 'yo," natatawang sabi ko at inilayo ang french fries sa kanya.

Napatawa nalang ako nang ngumuso siya nang pagkahaba-haba at nangalumbaba sa ibabaw ng mesa.

"Ang damot!" parang batang sabi niya.

Napahalakhak naman ako nang dahil doon. My sister is four years older than me. First year highschool palang ako at siya naman ay Fourth Year na.

"Oy, pagkain! Tamang-tama!"

Napasinghap ako nang biglang may umagaw ng french fries sa kamay ko. Nilingon ko naman kung sino ang salaring humablot ng pagkain ko at walang iba kundi ang ang nag-iisang bestfriend ko.

"Kearl Anthony Montenegro!" I hissed. "How many times do I have to tell you na huwag kang mang-aagaw ng pagkain ng may pagkain!"

Pakiramdam ko lalabas na ang ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng boses ko. Natatawang nagkamot nalang ito ng ulo at biglang umakbay sa akin.

Selfish Attachment ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon