Chapter Six : Jealous
________________________________________HINDI nawawala ang ngiti sa aking mga labi habang dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Ilang araw na rin pala ang lumipas simula nang magkaroon kami nang kasunduan ni Reigan. At hindi ko maipagkakailang mas naging maayos ang pagsasama namin nang dahil doon.
Today is our monthsary, tatlong buwan na rin pala kaming kasal ni Reigan ngunit pakiramdam ko ay ito ang unang buwan nang pagiging mag-asawa namin.
"Fallon, pumasok ka na sa loob. Hindi tayo makakapasyal ngayong araw dahil umuulan sa labas," I heard Reigan's voice behind me. Napangiti naman ako nang dahil doon.
Nandito kami ngayon sa Del Rio Hotel and Resort upang ipagdiwang ang monthsary naming dalawa. Ang totoo nga niyan ay pinilit ko lang siyang pumunta kami rito ngayon at mag-stay nang dalawang araw bilang bakasyon.
Alam kong ayaw niya sa plano kong 'to but I left him with no choice. Dahil hindi ko talaga siya tinigilan hanggang sa hindi siya pumapayag.
Lumapit na agad ako sa kinaroroonan niya at ginawaran siya nang isang matamis na ngiti. Umirap naman ito sa ginawa ko. Reigan treat me the same. He still act cold and distant towards me but he knows how to loosen up when I want to hug him. Hinahayaan niya ako sa ganoong bagay at alam kong hanggang doon nalang 'yon.
"Pasok na tayo sa loob," nakangiting sabi ko.
Tumango lang ito sa sinabi ko. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng Villa na tinutuluyan namin dito sa resort. Nagtungo kami sa loob ng sala kung saan may nakalapag na pagkain sa ibabaw ng mesa at may isang sikat na palabas na lumalabas ngayon sa TV.
"Manonood tayo ng movie?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Hindi rin naman tayo makakalabas ngayon dahil sa ulan kaya ito nalang."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nauna na itong umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa kanya at umupo agad sa tabi niya. He flinched when I hugged him but he didn't complain at all. Alam ko naman na kahit ayaw ni Reigan sa ganito ay pinipilit parin niya ang sarili niyang gawin ang mga bagay na gusto ko dahil na rin sa kontrata. I buried my face on his chest and gently close my eyes.
"Fallon," he uttered. " Manonood tayo ngayon."
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit gustuhin ko mang tumigil ang oras ay alam kong malabong mangyari 'yon.
"Mahal kita, Reigan," I said softly. "Mahal na mahal."
I heard him sighed. "Alam ko. Ilang ulit mo na bang sinasabi sa akin ang bagay na 'yan? Manonood tayo ngayon kaya paano ka makakapanood kung itatago mo 'yang mukha mo sa dibdib ko?"
"Sandali lang naman," sabi ko.
Hindi naman ito umimik at hinayaan lang ako sa gusto ko. Nanood nalang ito ng palabas habang ganoon parin ang ayos ko. Ilang minuto rin akong ganoon hanggang sa naisipan kong ibaling ang tingin ko sa palabas. My eyes darted on his handsome face. Tutok na tutok ito sa palabas na pinapanood namin habang kumakain ng popcorn.
"Reigan, why did you give up painting?" I asked him out of the blue.
Natigilan naman ito sa sinabi ko. Dumako ang tingin nito sa akin at nang magtama ang aming mga mata ay agad na nag-iwas ito nang tingin.
"You know the reason why I did," he answered.
"Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ka na talaga maaaring magpinta."
"It's still useless even if I did."
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"It's your passion. Hindi naman ibig sabihin na kung hindi mo maaaring maabot ang pangarap mo na maging isang sikat na pintor ay titigil ka na agad. Alam kong napakalaking resposibilidad ang nakaatang sayo ngayon at wala ka nang oras sa ganoong bagay. But through paintings I know you can pour everything out, may it be your frustration, sadness, happiness, and pain, you can express it out. Kahit 'yon nalang ang gawin mong pangpalipas oras, Reigan. Huwag lang 'yong ititigil mo nalang agad."
"Kagaya nga nang sabi mo, I don't have time for that, Fallon," he said coldly.
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"You can if you wanted too..." I said. "Teka lang, hintayin mo ako rito."
Umalis naman agad ako sa kinaroroonan naming dalawa at nagtungo sa kwarto ko. Kinuha ko 'yong binili ko sa mall noong isang araw. Kaagad na bumalik ako sa puwesto namin at nakangiting inabot sa kanya ang lapis at sketch pad na binili ko.
"May oras ka na ngayon," I said to him smiling. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Iguhit mo naman ako."
Umiiling na kinuha nito ang inabot ko sa kanya. Napangiti naman ako nang dahil doon. Kaagad na umupo ako sa tabi niya.
"Sketching is different from painting, Fallon," he uttered.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.
"Eh, parang ganoon na rin naman 'yon," I said.
Umiling naman ito sa sinabi ko at nagsimulang isalin sa ibang pahina ang sketch pad na ibinigay ko. Nag-iwas naman agad ako nang tingin sa kanya.
"Paano ko maguguhit ang mukha mo kung hindi ka tumitingin sa akin?" Umiling naman ako sa sinabi niya.
"Iba nalang ang iguhit mo," nahihiyang sabi ko.
"Harap na," he insisted. "Kung ayaw mo, I won't sketch anything."
Kaagad na lumingon naman ako sa kinaroonan niya. And I pouted my lips because of embrassment.
"Cute," he uttered and pinch the tip of my nose.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at mukhang ito rin ay nagulat rin sa nagawa niya. Tumikhim naman agad ito sabay iwas nang tingin.
"Huwag kang magalaw. I'll try to sketch you," he said to call my attention.
Namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa sobrang hiya.
What the hell just happened?

BINABASA MO ANG
Selfish Attachment ✔
RomanceFallon Xylex Rodriguez is secretly inlove with Rei Gallen Montenegro eversince. Her world revolve on loving him but it was being crumbled with just one truth. A truth that crushed her being showing her that the man she only love was owned by her sis...