Chapter Three 💝

8K 177 2
                                    

Chapter Three : Shrimp

________________________________________

MARIING ipinikit ko ang aking mga mata. I peacefully embrace the cold breeze of the wind touching my bare shoulder just to find the right comfort I needed to atleast ease the pain inside my heart.

Nandito na naman ulit ako sa likod ng bahay kung saan may maliit na mini garden na dinisenyo sa lugar na 'to. It was like my safe haven. Dito ako palaging pumupunta tuwing gabi naghihintay ng isang falling star kung saan maaari akong makapag-wish.

Isang buwan narin pala ang lumipas simula nang ikasal kami ni Reigan. I quit from my work dahil gusto ko nalang maging housewife just to give my whole time taking care of my husband but it didn't turn out well because Reigan doesn't seem so please about it and I understand him somehow.

Sino naman kasi ang magtitiyagang mag-ukol nang pansin sa babaeng hindi mo naman mahal?

Wala, 'diba?

Kahit masakit na hindi siya umuuwi rito sa bahay ay iniinda ko ang lahat. Alam ko naman na doon siya namamalagi tuwing gabi sa hospital kung saan naka-confine si Ate Charlotte. Uuwi siya tuwing umaga upang magpalit lang ng damit at tutungo na agad sa trabaho.

Ganoon nalang ba ang pagkamuhing nararamdaman niya sa akin na hindi man lang niya ako magawang makasama kahit isang buong araw? I know how much he loves my sister but can't he even give me a chance?

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali.

"It's already past 2 A.M.. Bakit nandito ka pa sa labas at hindi pa natutulog, Fallon?" he asked in a stern voice.

Nilingon ko naman ang kinaroroonan niya. I gave him a sweet smile eventhough I felt broken inside.

"Napaaga yata ang uwi mo ngayon?" I asked softly.

I toughen my heart just to prevent myself from crying. Seeing him right now made my heart clenched in pain but I need to endure all of this. I need to be strong to fight my own feelings.

"Huwag mong winawala ang usapan! Ano'ng ginagawa mo rito sa labas ng bahay?" he asked harshly.

I somehow managed not to break the smile on my face while facing his dark angry face.

"Naghihintay nang falling star," sagot ko sa malambing na boses.

Endure everything, Fallon. You should face him with a smile eventhough you're breaking inside, I keep on saying to myself.

"Naalala mo ba noong mga bata pa tayo about doon sa wish k--------------"

"Enough with this, Fallon!" putol nito sa sasabihin ko. "Pumasok ka na sa loob at matulog."

Tinalikuran naman niya agad ako at humakbang papasok sa loob.

"Kailan mo kaya ako matututuhang mahalin?" I asked that made him stop from walking.

Lumingon naman ito sa kinaroroonan ko. Isang ngiti naman agad ang isinalubong ko sa kanya.

"Alam mong hindi mangyayari 'yon," he answered directly. Ramdam na ramdam ko ang kirot na bumalot sa puso ko nang marinig ang mga katagang 'yon mula sa kanya.

"Alam ko naman 'yon...." I said painfully.

Hindi ko na naitago ang kirot sa dibdib ko.

"Then why do you keep on doing this? Masasaktan ka lang, Fallon. Alam mo 'yon...."

Napayuko naman ako sa sinabi niya. Mariing ipinikit ko naman ang aking mga mata.

"Mahal kasi kita," agarang sagot ko sabay angat ng tingin at malungkot na ngumiti sa kanya.

"Masama bang ipilit ko ang sarili ko sa 'yo, Reigan?" I asked while looking straight through his eyes.

"Yes, Fallon," he answered without a blink. Hindi man lang natitibag ang depensa nito. Walang pag-aalinlangan sa sagot nito. "Kasi hindi ganyan ang pagmamahal. Hindi ito ipinipilit..." dugtong niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Naisubsob ko naman ang mukha ko sa aking mga palad at kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigilang lumabas sa loob ng isang buwan.

Hindi man siguro tama para sa 'yo ang lahat nang 'to pero ito lang ang alam kong paraan upang mahalin mo rin ako.

Selfish may it seem but what can I do if a part of me is still hoping for you to love me back also?



*********************

BUMABA ako mula sa ikalawang palapag at agad na nagtungo sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong ko si Reigan habang may hawak-hawak na dalawang tray sa magkabilang kamay nito.

"Magtungo ka na sa dining area. Nakapagluto na ako ng breakfast natin," aniya.

Dumaan siya sa gilid ko at wala na akong ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang papalayong pigura nito.

I sighed.

Pagkatapos ng eksenang nangyari sa amin kaninang madaling araw ay wala na akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak sa loob ng aking silid hanggang sa makatulog ako. Magkaiba naman kami ng silid ni Reigan kaya walang problema kahit na inilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sumunod naman agad ako sa kanya sa dining area at naabutan ko siyang nakaupo sa upuan nito. Kaagad na naglakad naman ako patungo sa upuan ko at umupo roon.

This isn't the first time na nagkasabay kaming kumain but this is the first time he cooked something for us to eat. Kaya sisiguraduhin kong kakainin ko lahat ng niluto niya ngayong araw.

Bumaling ang tingin ko sa ulam na niluto niya. Napalunok naman ako nang makita ang kabuuan ng ulam na inihanda niya.

"Ikaw lahat nagluto nito?" tanong ko. Umiling naman ito.

"Hindi," sagot niya. "'Yong bacon at 'yong itlog ay si Manang ang nagluto. Maaga kasing nagising si Manang kaysa sa akin kanina at naabutan ko siyang nagluluto na sa kusina. Pinatigil ko siya at ako naman 'yong nagluto ng iba."

Tinignan ko naman ang natitirang ulam na hindi niya binanggit. So, siya 'yong nagluto ng breaded na shrimp.

"Kumain ka na," aniya at nagsimula na itong kumuha ng pagkain nito.

I'm allergic to shrimp! Kaya pa'no na 'to?

Ano'ng gagawin ko?

Ngunit ito 'yong pagkaing kauna-unahang niluto ni Reigan na matitikman ko.

Bahala na nga!

May gamot naman ako doon sa taas.

Kaagad na kumuha ako ng ulam na niluto ni Reigan. Nilagyan ko rin nang kanin ang pinggan ko. Tanging 'yong ulam na niluto niya lang 'yong kakainin ko.

I swallowed the lump on my throat before I started to eat everything on my plate.

I hope I won't experience worst after this....

-

♡lhorxie

Selfish Attachment ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon