Epilogue

9.7K 173 12
                                    

Epilogue
_____________________________________________________

PAKIRAMDAM ko ay hindi ako masyadong makahinga. Sumisikip ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko lalo na't nag-iwas siya ng tingin sa akin at binalingan ulit ang madilim na kalangitan na tanging mga bituin at buwan lang ang nagsisilbing ilaw.
I bit my lower lip and tried my best to walk towards his direction even if my knees were trembling. Kinakabahan ako.
Ayaw na ba niya sa akin?
Suko na ba siya?
Umupo ako sa tabi niya at hindi manlang siya umimik. Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.
"I...I'm sorry."
Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang nasabi ko. Basta't isa lang ang alam ko, gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil nasaktan ko siya, iniwan ko siya at nasabi ko 'yong mga bagay na wala namang katotohanan bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.
"You don't have to. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mo na," he said bitterly "Congratulation pala para sa wedding mo bukas. Kung nagpunta kalang dito dahil baka akala mo kikidnapin na naman ulit kita para hindi matuloy ang kasal niyo. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko gagawin 'yon. You deserve to be happy, Fallon. And I don't want to take away that happiness from you."
Nanatili parin siyang nakatingala sa kalangitan at hindi manlang tumitingin sa akin.
"Reigan kasi------"
"Pero huwag kang mag-e-expect na magiging masaya ako para sayo kasi hindi ko kaya, Fallon. Kasi sa totoo lang nasasaktan ako. Sobrang sakit. Isipin ko palang na ang babaeng mahal ko ay magpapakasal sa ibang lalaki parang dinudurog na ang puso ko. Paano pa kaya bukas, 'diba?" he asked painfully. "Alam mo ba kung bakit ako nandito? This was suppose to be your safe haven. Pero mukhang nagkabaliktad yata kasi ako naman ang pumupunta dito. Kaya lang naman ako nandito kasi kahit sa huling pagkakataon umaasa parin ako. Umaasa na baka sakaling makakakita ako ng falling star at tuparin na 'yong wish ko dahil iisa lang naman ang wish ko, eh, iyon ay ang m--------"
"Mahalin ulit kita. Kasi ikaw mahal na mahal mo ako at siyang tanging babaeng gusto mong pakasalan," dugtong ko sa sasabihin niya.
I felt him stiffened and he look at me. Nanlaki ang mga mata nito.
Bakas na bakas ang gulat sa mukha nito ngunit hindi maitatago ang pait at sakit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"How....how did you k-know t-that?" nauutal na tanong nito.
Napalunok naman ako at pinigilan ko ang sarili kong yakapin at halikan siya.
"'Yon din kasi ang wish ko noon tuwing pumupunta ako rito, diba?" sagot ko sa kanya.
I don't have any plans of telling him about the video.
Ibinaling naman niya ulit ang tingin sa kalangitan at narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Magsasalita pa sana ako ngunit naramdaman kong unti-unting pumapatak ang ilang butil ng tubig mula sa ibabaw. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon.
"Reigan, kailangan nating bumalik sa bahay. Umaambon na," sabi ko dahil unti-unting bumubuhos ang ulan.
Halos mapatayo na nga ako sa kinauupuan ko. Umiling naman agad siya sa sinabi ko.
"Pumasok ka na sa loob. I still need to wait for a falling star here..."
"Baliw ka na ba!" inis na ani ko. Arrghh! Just like the old times. "Walang falling star na dadating ngayon kasi umuulan na nang malakas!"
Basang-basang na nga ang ilang parte ng katawan ko at ganoon din siya ngunit wala itong pakialam kahit ganoon.
"Reigan, halika ka na! Sa loob nalang tayo mag usap," giit ko at hinila ko ang braso niya ngunit sadyang malakas talaga siya at ayaw niyang magpahila.
"Umalis ka na, Fallon. You also did this before, right?"
Shit! Pakiramdam ko mas lalong nag-init ang ulo ko. The last time I check nang dahil sa ginawa kong pagpapaulan dito noon ay agad na nagkasakit siya. Knowing Reigan, kapag ganitong nagpapabasa siya sa ulan madali siyang magkalagnat.
"Oo! Dahil baliw ako noon at pinagsisihan ko 'yon dahil nagkasakit ka for almost four days nang dahil sa kabaliwan ko." I bursted in tears. "Kaya please lang, pumasok na tayo sa loob. Ayaw kong magkasakit ka, Reigan."
Pakiramdam ko nanginginig na ang boses ko sa sobrang takot. Takot para sa kanya. Ramdam na ramdam ko na 'yong mga luhang pumapatak sa mga mata ko.
"Huwag kang mag-alala, if ever I will get sick this isn't your fault anymore," anito at bahagyang ngumiti. "Ito nalang kasi ang huling pag-asa ko."
"Reigan naman------------"
"Pasensya ka na, Fallon. Hindi ko kasi alam na ganito pala ako kung magmahal. Nadadamay ka pa tuloy dito. But this is my last hope." Yumuko ito dahil sa sobrang kahihiyan and that broke my heart into pieces.
I can't take this anymore.
"MAHAL KITA!" I shouted.
Hindi sana ito ang tamang oras para sabihin ito ngayon sa kanya but I think I have no choice dahil ang tigas kasi ng ulo, eh.
Hindi ko naman masabi ang gusto kong sabihin dahil palagi nalang niyang pinuputol ang mga sinasabi ko.
"A-ano'ng sabi mo?"
Nanlalaki ang mga mata nito. Sandaling ipinikit ko muna ang mga mata ko bago siya hinarap.
"Pumasok na tayo sa loob. Please, Reigan," I pleaded.
Nag-aalala na kasi ako sa kalagayan niya.
Gusto kong maglumpasay sa sobrang inis nang umiling ito.
"No," sagot niya. "Please, say it again. Totoo ba 'yong narinig ko o hindi? A-ako mahal mo ako?" he asked almost in shaking voice.
"Reigan, please," I begged.
Nag-aalala na talaga ako sa magiging kalagayan niya pagkatapos nito. Ngunit imbis na makinig ay hinila lang niya ako upang maupo ulit sa bench na inuupuan niya. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga.
We're already wet for godsake!
Naman!
Kailangan talagang magpaulan para dito?
"Please, I want to hear it again. Totoo ba 'yon? Sagutin mo ako, Fallon. Kasi pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kakaisip ng bagay na 'yon."
"Oo. Mahal kita," I confessed.
Nanlaki naman ang mga mata nito.
"Shit!" biglang mura nito na ikinagulat ko. Tinignan ko naman siya ng masama. "I'm sorry. Hindi parin kasi ako makapaniwala. I mean....ano...'diba...ikakasal ka na bukas? 'Diba? Ano sabi mo no'ng huli tayong nagkita hindi mo na ako mahal tapos... tapos ngayon..... baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil naaawa ka sa akin, Fallon." Bumalatay ang sakit sa mga mata nito. "I don't want that to happened. I don't want you to say those words out of pity."
"Kaya ako nagpunta rito kasi gusto kong malaman mo na mahal kita at hindi na matutuloy ang kasal namin ni Cylde bukas. Sinasabi ko 'to sayo hindi dahil naaawa ako kundi dahil ito talaga ang nararamdaman ko. Pilit ko mang kalimutan ang nararamdaman ko sayo ay hindi ko magawa. I don't even know why. Basta ikaw at ikaw parin ang tinitibok nitong lintik kong puso kahit na sobrang nasaktan ako noon."
"Double shit!" mura ulit nito kaya sinamaan ko naman ulit siya ng tingin. "I..I'm sorry...I'm just-------"
"Kinikilig ka?" tanong na ko. Nanlaki naman ang mga mata nito at namula ang magkabilang pisngi nito.
"Triple shit, Fallon!" he cursed loudly. "Don't say that, please."
Hindi ko na napigilang tumawa. Iba rin pala siya kung kiligin.
"Wait!" biglang bulalas nito na ikinatigil ko sa pagtawa.
Bigla niyang binuklat ang basang notebook na hawak-hawak niya na ngayon ko lang napansin na meron pala siya. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang makilala kung kanino at anong notebook iyon.
"I...I want you to read this together with me," sabi niya.
"Reigan!" gulat na bulalas ko. "Saan mo nakuha 'yan?"
Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ang ulan na pumapatak galing sa taas ang pumapatak sa pisngi niya.
"Binigay kanina sa akin ni Charlotte. Then, I realize how jerk I am before," he said painfully and reach for my hand to hold it. "Reading this is my way of adding the pain I felt. Masokista na nga siguro ako pero sa tuwing binabasa ko 'to, pakiramdam ko ramdam na ramdam ko ang sakit na naranasan mo noon. At palagi nitong pinapaalala sa akin that I deserve to feel this pain."
"Pero, Reigan....." naiiyak at nasasaktang usal ko.
Para saan pa ba 'to? Bakit kailangan pang basahin?
Aaminin ko, bago ako nagtungo sa States ay naalala ko noon ang isinulat ko sa gagawin ko sanang nobela ngunit hindi ko na nagawa because when I read it, naisip ko na lahat ng 'yon ay nangyari sa akin. That's the reason why I add some details in the end saying....
"It may be odd but all those things listed above, I've already experienced it when I started to love him."
"Please," he begged. "Just for the last time I want to felt that pain. Ngayon galing na mismo sa bibig mo."
Napalunok naman ako at marahang tumango.
Kahit ayaw ko, wala akong magagawa. He begs for this at wala akong lakas upang hindi sundin ang natatanging request niya.
"Sabay tayo, ha?" sabi ko at marahang tumango lang siya bilang sagot.
Tinignan ko 'yong notebook na basang-basa na ngunit mababasa mo pa naman ang mga nakasulat.
Sumisikip ang dibdib ko habang tinitignan ito.
"Love?" magkasabay na bigkas namin.
Pakiramdam ko may punyal na tumutusok sa dibdib ko habang binabalik-balikan ang sinulat ko noon. Lalo na't sasabihin ko ito sa kanya and this would only cause too much pain on him.
"That's the only thing I wish to have but I couldn't have. Happiness?"
Pakiramdam ko parang tinu-torture ako ngayon sa tuwing binibigkas ko ang bawat salita lalo na't kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito.
"That's the only thing that world denies me to have. Envy? That's what I've always felt since I learn to fall inlove."
But I need to do this.
I need to say this for his sake.
Because this is what he wants.
To finally let go and to move forward.
"Desperate? That's what I am. Attention? That's all I want to seek from someone I love. Selfish? That's the only thing he thinks of me."
Napatingin ako sa mga mata niya habang sabay kaming nagbabasa. Kahit blur na minsan ang nakikita ko nang dahil sa luhang pumapatak galing sa mga mata ko ay kailangan ko paring tapusin 'to.
Tapusin kasama siya.
"Shattered? That's what I've got for being selfish. Pain? That's what I feel when I start having my selfish attachment on him."
Because I know in the end, we can finally let go of the pain. The pain we have in the past.
"It may be odd but all those things listed above, I've already experienced it when I started to love him."
Mabuti nalang at naitawid ko ng husto ang pagkakasabi sa huling sentence dahil bumubuhos na talaga ang luha sa mga mata ko nun.
"That's how jerk I am really before," he said painfully.
Namumula rin ang mga mata nito nang dahil sa pag-iyak. Umiling naman ako sa sinabi niya at pilit kung pinupunasan ang luha sa mukha niya kahit nababasa lang ulit 'yon ng ulan.
I don't want him to feel too much pain anymore.
I love him now, tomorrow, and always.
I want him to be happy.
"But all the pain and envy I felt before," panimulang banggit ko ulit at bahagyang ngumiti.
Hinaplos ko nang marahan ang pisngi niya.
"For being desperate and selfish. And for my heart being shattered into pieces....."
Napaiyak na naman ako at pinunasan na niya this time ang luha ko. Natawa pa nga ako kasi nababasa parin naman kami ng ulan kaya wala ring silbi 'yon.
"It's all worth it," buong pusong sabi ko. "It's all worth it because in the end you already give me your attention and love. I already found my own happiness with you. And when I started my selfish attachment with you, I never thought that all I've listed above will lead me back to you."
And with that he cupped both of my cheeks and claimed my lips into a passionate kiss. Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko at dinama ang halik nito.
A kiss that symbolizes all of his love for me.
"I love you, Reigan Montenegro," I uttered lovingly after the kiss.

________________________________________________________________________________
SELFISH ATTACHMENT
Love?
That's the only thing I wish to have but I couldn't have.
Happiness?
That's the only thing that world denies me to have.
Envy?
That's what I've always felt since I learn to fall inlove.
Desperate?
That's what I am.
Attention?
That's all I want to seek from someone I love.
Selfish?
That's the only thing he thinks of me.
Shattered?
That's what I've got for being selfish.
Pain?
That's what I feel when I started having my selfish attachment on him.
It may be odd but all those things listed above, I've already experienced it when I started to love him.
FALLON XYLEX RODRIGUEZ

-
♡lhorxie

Selfish Attachment ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon