Chapter Four : Akala
________________________________________
SANDALING ipinikit ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Nana Emma pagkamulat ko. Lumapit ito sa kinaroroonan ko.
"Jusko, hija, pinag-alala mo ako ng husto! Mabuti nalang at dumaan si Tonyo kanina sa bahay at naisugod kita rito sa hospital! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina nang maabutan kita sa kwarto mo na halos hindi na makahinga," she said in horror while remembering what happened a while ago.
Marahang ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya. Kahit na nanghihina pa ako ngayon ay pinilit ko paring magsalita.
"Hindi ko naman po kasi alam na wala na po pala akong natitirang gamot sa kwarto para po sa allergy, Nana Emma. Sorry po," paghihingi ko nang paumanhin sa nagawa ko.
"Kahit na! Sana ay nagsabi ka manlang. Hindi 'yong nagkulong kalang sa loob nang kwarto mo nang halos kalahating oras kahit alam mo naman palang hindi na maayos ang pakiramdam mo!" sermon nito.
"Hindi ko naman po kasi alam na ganito ang mangyayari," nahihiyang sagot ko.
Pagkatapos kasi naming mag-almusal kaninang umaga ni Reigan ay agad na umalis ito upang magtungo sa trabaho. Nagtungo naman agad ako sa kwarto ko at hinanap ang gamot para sa allergy ko dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko nun. And then, I found out na ubos na pala ang gamot ko roon. Nahihiya rin akong magsabi kay Nana Emma ng kalagayan ko kasi ako mismo ang nagdulot nun sa sarili ko. Akala ko kasi lilipas rin 'yon kaya lang napadami yata ang kain ko kaya ganito ang inabot ko ngayon. Mabuti nalang talaga dahil nagtungo si Nana Emma sa silid ko at nakita niya ako roon.
"Alam mo naman palang allergic ka sa shrimp, hija. Ibang ulam nalang sana ang kinain mo."
Isang tipid na ngiti naman ang isinagot ko kay Nana Emma. Narinig ko naman siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Bumukas naman ulit ang pinto at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang bumungad si Reigan sa paningin ko. Kaagad na dumako ang tingin ko kay Nana Emma.
"Nana Emma!" I exclaimed.
Bakit pa niya ipinaalam kay Reigan 'to? Sinabihan ko na siya kanina na ilihim ang bagay na 'to sa asawa ko.
"Karapatan ng asawa mong malaman ang bagay na 'to, hija," usal nito.
"Maiwan ko na kayong dalawa."
Umalis naman agad ito sa loob ng silid. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga nang lumapit sa kinaroroonan ko si Reigan. Nag-iwas naman agad ako ng tingin nang makita ang matatalim nitong titig.
"Are you out of you mind?" he asked annoyingly.
"Bakit ka nandito?" I asked instead of answering his question. "May trabaho ka pa, 'diba?"
"Ask it to yourself," he said half-sarcastic. "Alam mo palang allergic ka sa shirmp, Fallon! Bakit mo pa kinain 'yon? Don't you know how to take good care of yourself?"
Niyakap ko naman ang unan na hawak-hawak ko. I closed my eyes for a while.
"Luto mo 'yon, eh. It was the first time you cook something for me. And I didn't want to slip that chance away, " I said softly.
Hindi naman ito nakaimik sa sinabi ko dahilan upang humarap ako sa kinaroroonan nito. And there I saw him dumbfounded. Bumalik lang ito sa realidad nang makitang nakatitig ako sa kanya. Tumikhim kaagad ito.
"Kahit na! Dapat alam mo parin kung ano'ng dapat at hindi dapat gawin, Fallon!"
"Gaya nang pagpilit ko nang sarili ko sayo?"

BINABASA MO ANG
Selfish Attachment ✔
RomanceFallon Xylex Rodriguez is secretly inlove with Rei Gallen Montenegro eversince. Her world revolve on loving him but it was being crumbled with just one truth. A truth that crushed her being showing her that the man she only love was owned by her sis...