Chapter Eight 💝

2.3K 68 3
                                    

Chapter Eight : Free
________________________________________

"REIGAN, uuwi ka ba nang maaga mamaya?" I asked habang nakasunod ako sa kanya pababa ng hagdan. Hindi naman ito umimik kagaya nang ginagawa nito simula noong nakaraang linggo.
Hanggang sa makarating kami sa sala ay hindi parin niya ako iniimik. Halos tatlong linggo na niya akong hindi pinapansin at madalang na rin siyang umuuwi sa bahay matapos nang mga nangyari. Ngunit hindi parin ako sumusuko sa pagsuyo sa kanya hanggang ngayon.
"7th monthsary natin ngayon. Maghahanda ako nang dinner mamaya. Gusto ko sanang------"
"Did you already sign the annulment papers I gave you?" putol nito sa sasabihin ko.
Walang emosyon ang mukha nito. Napalunok naman ako sa sinabi niya.
"Reigan, matalik na kaibigan ko si Cylde. 'Yong nakita mo-----"
"Huwag mo akong utuin, Fallon! Friends don't hug each other like that," malamig na sambit nito.
Parang may bumara naman sa lalamunan ko nang dahil sa mga sinabi niya. Umiling naman agad ako sa kanya.
"We're done here. Sign those annulment papers dahil wala rin namang silbi kung ipagpapatuloy pa natin ang kontrata, Fallon. Hindi kita kayang mahalin alam mo 'yon. Naiirita, nagagalit, at naiinis ako sa tuwing nakikita kita, Fallon! I'm tired of pretending na okay lang ang lahat sa akin sa mga nangyayari sa atin sa loob ng ilang buwan na 'yon dahil ang totoo ay nagtitiis lang ako hanggang sa matapos ang walong buwan. Kaya itigil mo na 'to!"
And right there, my heart broke again into pieces.

**************************
NAPADAKO ang tingin ko sa wristwatch na suot-suot ko. Gabing-gabi na at hindi parin umuuwi hanggang ngayon si Reigan. Kagaya nga nang sabi ko ay naghanda ako nang dinner namin ngayong gabi dahil monthsary namin. Pilit ko paring pinapatatag ang sarili ko kahit na bugbog na bugbog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.
Kailangang hindi ako panghinaan ngayon ng loob dahil sa mga nangyayari. Kapag naipaliwanag ko ang lahat kay Reigan alam kong maaayos pa namin 'to.
Hindi ako susuko.
"Fallon, sa tingin ko ay hindi na uuwi ngayon ang asawa mo. Gabing-gabi na," Nana Emma said.
Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya.
"Okay lang po ako rito, Nana Emma. Hihintayin ko po ang asawa ko. Iwan niyo na po ako dito at matulog na po kayo."
"Sigurado ka, hija?" Tumango naman ako bilang sagot. Nagpakawala naman ito ng isang malalim na buntong hininga. "Sige, maiwan na kita dito."
Umalis naman agad si Nana Emma at nagtungo na sa kwarto nito upang matulog. Naiwan naman akong mag-isa dito sa loob ng dining area. Sinulyapan ko ulit ang relo sa bisig ko. I let out a heavy sigh. Ngunit naagaw ang atensyon ko nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Nakita kong si Mommy ang tumatawag kaya agad na sinagot ko ito.
"Hello, Mom..." sagot ko sa kabilang linya.
"Fallon, anak!" Mom exclaimed. Nagulat naman ako sa pagsigaw na ginawa niya.
"Ano po 'yon, Mama?"
"Pumunta ka ngayon sa hospital. Ang Ate Charlotte mo, gising na!" anunsyo niya.
Nabitawan ko naman ang cellphone na hawak-hawak ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang isang malamig na tubig.
I'm done....




**********************

WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang dalawang tao na nasa loob ng hospital room. It was Reigan holding Ate Charlotte's right hand tightly while she was sleeping. Panaka-nakang hinahalikan nito ang kamay ng kapatid ko na para bang takot na takot na itong mawala ito sa paningin nito.
"Fallon, anak," I heard Mom's painful voice called me. Humarap naman agad ako sa kanya. "Bakit mo sa akin ibinibigay 'to?"
Napatingin naman ako sa annulment paper na hawak-hawak nito na ibinigay ko. Nagpunta agad ako sa hospital nang marinig ang balitang ito kasama ang annulment papers na pinirmahan ko.
"M-mom," naiiyak na sabi ko at agad na yumakap kay Mommy. "Sorry po..."
"Anak, ba-bakit ka nag-so-sorry?" naguguluhan at nag-aalalang tanong nito. "At...at bakit ka umiiyak?"
Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mommy at pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
"Mom, kasalanan ko po ang lahat. Huwag po kayong magagalit kay Reigan. Kasi...kasi ang totoo po, wala naman pong nangyari sa aming dalawa. Na...na-setup lang po siya. Kasi...kasi mahal na mahal ko po siya, Mommy," pag-amin ko.
My Mom gasped hard. Gulat na gulat ito sa mga sinabi ko. Napaiyak naman ako nang dahil doon.
"Sorry po, Mommy. Patawarin niyo po ako sa nagawa ko." Napahagulhol na ako nang iyak dahil doon. My Mom cried too. Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko. "Patawad po...." I said and cried like a child.
"Shhhh, anak," pagpapatahan nito. "Huwag ka nang umiyak. Naiintindihan ko. Nagmahal kalang. Ngunit hindi pa naman huli ang lahat upang itama mo ang lahat na nagawa mong mali, anak."
Habang papunta ako rito ay nakapag-isip-isip na ako nang maaari kong gawin. At doon ko napagtanto ang mga sinabi ni Clyde sa akin noon....
"Mom, ayoko pong malaman ni Ate Charlotte ang lahat nang 'to dahil alam kong masasaktan lang siya. Sorry po dahil naging selfish po ako, Mommy. Sorry po..." Kumalas naman mula sa pagkakayakap ko si Mommy at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. "At pakisabi po kay Reigan, sorry sa lahat nang mga ginawa ko. Tanggap ko na po lahat, lahat nang kamaliang nagawa ko. At...at gusto ko po sanang lumayo rito, Mom....Away from everything. I want to find myself worth and heal what's being broken inside of me..."
Nanlaki naman ang mga mata ni Mama sa mga sinasabi ko na para bang hindi ito makapaniwala sa agarang desisyon ko. Pero sabi nga ni Clyde sa akin noon...
If everything doesn't work, move on and accept it. Dahil 'yon 'yong bagay na hindi ko nagawa noon na siyang gagawin ko ngayon...
I'll set you free now, Reigan Montenegro, for good...

-
♡lhorxie

Selfish Attachment ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon