Prologue

82 1 2
                                    

PROLOGUE

Simple

Maganda

Mabait

Masipag

Mapagmahal

Matiyaga

Maunawain

Ito ang mga mabubuting katangiang nakita nya sa akin, na bihira ko naman ipakita sa iba lalo na sa mga taong di ko naman gusto.

Suplada

Mataray

Palaban

Maldita

Maarte

Ito naman ang mga katangiang pinapakita ko sa mga taong una ko pa lang nakakasalamuha.

Nasa kanya na yun kung pipiliin niyang makilala pa ako o huhusgahan niya na lamang ako.

Marunong ako kumilatis ng tao at sa una pa lang nating pagkikita alam ko na agad kung makakasundo ko siya o hindi.

Hayaan niyo muna ako magpakilala. Ang dami ko ng sinabi di nyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Nayumi May Perez. Asar sa mga nagpapacute sa akin, kalaban ng mga kaaway ng mga friends ko, sobrang isnabera , honest at ayaw na ayaw sa mga sinungaling. Isa lamang akong ordinaryong babae, at masunuring anak.

Panganay ako sa walong magkakapatid. Nakikipagkompetensya sa magaling kong kapatid yung sumunod sa akin.

Pero ang pinaka highlight ng buhay ko ay yung nainlove ako sa isang babae din. Hindi ko plinano sadyang nangyari lang. Para sakin ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko. It's so magical.

Huwag niyo akong husgahan, kasi kahit kayo kung kayo ang nasa sitwasyon ko, maiintindihan nyo yung rason ko kung bakit sa dinami dami ng pwedeng mahalin kagaya nya pa.

Unusual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon