Chapter 3 - The Comeback

36 1 0
                                    

Nayumi's POV

Here comes February, Araw ng mga Puso.

Wala eh sawi ang puso ko.

Wala pa din akong nagugustuhan hanggang ngayon.

Ang tagal ni Mr.Right eh, mukhang naligaw pa siya.

Mr. Right kelan ka ba dadating? Naiinip na ako.

Want ko din naman maranasan ang mainlove.

Nasa school ako ngayon.

Nakadungaw ako sa bintana ng may nahagip ang mga mata ko.

Malayo pero sa lakad pa lang kilala ko na kung sino.

Namamalik-mata lang ba ako?

Nilakihan ko pa talaga ang mata ko.

Nananaginip yata ako eh.

Totoo ba itong nakikita ko?

Hindi ba ako nagkakamali?

Siya ba talaga yun?

Totoo nga nakabalik na siya!

Parang gusto kong tumalon sa tuwa ng makita ko siya. Kaso bawal, nasa classroom kasi ako agaw atensyon kung gagawin ko yun.

Kinurot ko ang kamay ko, para kung panaginip lang ito magising na ako pero hindi eh totoo talaga.

Siya yun! Si Recca talaga yun!

Nakauwi na siya.

Parang tumatalon ang puso ko sa saya habang pinagmamasdan ko siya.

Di ko maalis yung tingin ko sa labas, kung di pa umingay sa classroom di pa ako makakabalik sa sarili ko. Mabuti na lang at malapit na magrecess. Lalapitan ko siya agad mamaya. Ngayon lang ulit ako naexcite ng ganito. I miss her so much. Nakakapanggigil!

--recess

Nasa bench ako sa ilalim ng punong mangga. Medyo mahangin. Masarap maupo dun kaya don ako nagpapalipas ng recess at tinatanaw ko din si Recca. May kasama kasi siyang babae ahm di maalis ang tingin ko sa kanila eh mula pa nung nakita ko silang magkasama. Nilapitan ako ni Glenn isa sa mga kaibigan ko. Nagulat pa nga ako sa paglapit nya.

Biglang lumapit si Recca samin.

"Kamusta ka na?" di ko alam kung ano sasabihin eh nahihiya ako. Pero im happy to see her. Kaw ba naman kausapin ang matagal mo ng inaantay, makakasagot ka ba agad? Nananabik kasi ako sa pagbalik niya ayan tuloy di ko alam sasabihin ko. Speechless ako. Kulang na lang kurutin ko ang mukha niya para maprove na andito na siya sa harapan ko at kausap ko na.

"Okay lang ako. Ikaw?" ngumiti siya pero parang may iba, parang may iba sa mga mata niya, ewan ko ba parang may kung ano na di ko maipaliwanag. Di naman siya galit pero ang weird ah.

"Okay lang ako. Kelan ka pa nakauwi?" tanong ako ng tanong nahahalata yata na sobra ko siyang namiss.

Wala eh op dito si Glenn di naman kasi sya kinakausap ni Recca. They are not in good terms eh i can feel it pero bakit kaya?

Kasama niya kasi kanina yung nililigawan niya dati kaya di ko siya nilapitan. Ang alam ko gf yun ni Glenn eh. Kaya ba parang may kung ano sa kanila. Well, hindi ko na dapat yun pinoproblema kasi hindi naman yata ako ang dahilan kung bakit hindi sila magkaintindihan.

"Ngayon lang na buwan. Inaasikaso ko yung clearance ko. Magaaral ulit ako sa pasukan eh. Nagpasama nga ako kay Joy kanina." biglang tumalim ang tingin ni Glenn. Am i seeing something between them? Parang may electricity sa pagitan nilang dalawa. Yan ang napapala ko sa panonood ng anime. Pero yun talaga ang madeddescribe ko sa kanilang dalawa now. Ang conyo ko na naman.

"Mabuti naman kung ganun. So balik 2nd year ka nyan ulit. Sayang yung last year pero masaya ako for you." tiningnan ko siya. Tinitingnan niya din pala ako. Sinisipa ko kasi yung buhangin. Kinakabahan kasi ako. Ang bilis ng heartbeat ko. Naexcite yata masyado nung nakita ko siya. Pumayat siya. Umikli yung buhok niya. Gwapo pa din siya. At ang ganda pa din ng mga mata niya at mga ngiti niya. Di ko maiwasang di mapatingin sa mga mata niya. Parati kasi ako naaakit ng mga mata niya.

"Sige, alis na ako ah. May gagawin pa kasi ako." Tumayo na si Glenn. Di nga siya nagsasalita eh simula pa kanina. Hinayaan niya lang kami ni Recca na mag-usap.

"Ingat ka." naglakad na siya.

Naiwan kami ni Recca. Awkward din naman para sakin. Ang tagal ko kasi siyang inantay eh. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Pwede ba ulit tayong magsulatan?" nagulat ako sa tanong niya pero im happy kasi namiss ko din yun eh. Namiss ko siya ng sobra.

"Sure." tinititigan niya pa din ako, para bang may itatanong siya.

"Pinopormahan ka ba non?" is she referring to Glenn? Mukha nga. Pero bakit ganon ang tono ng boses niya parang galit na basta iba eh. May gf naman yung tao eh, pero dati oo pinopormahan niya ako kaso binasted ko ayaw ko pa kasi, im too young for that.

"Dati. Pero may gf na sya." saad ko na may halong pagtataka. Sino bang hindi magtataka eh iba ekspresyon ng mukha niya parang... nagseselos. Ayon natumbok ko din ang word tsk. Kita nyo na masyado pa akong inosente sa pag-ibig pati selos di ko masabi-sabi.

"Kaya pala." anong kaya pala? Di ko siya maintindihan ah. Ano nga ba ang nakikita nya kay Glenn? Mabait naman yung tao. Friend ko naman yun.

"Sige pasok ka na. May pasok ka pa. Ingat ah." tapos tumayo na siya. Yun lang tinanong niya. Amazing ah.

"Ikaw din. Ingat ka." tumayo na din ako. Tapos na din kasi ang recess. Next subject ko na.

Bumalik na ako sa classroom. Masaya akong makita ulit siya at malamang di na ulit siya aalis at ipagpapatuloy niya ang pagaaral niya.

Unusual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon