Araw-araw inaantay niya ako para sabay kami umuwi pag tanghali.
Minsan nauuna siya, alam kong ayaw niya na pumapasok ng maaga pero pumapasok siya agad kasi di ako pwede malate. Kung dati pumapasok siya mga ilang minuto na lang bago tumunog ang bell ngayon maaga na siya. Tama naman kasi siya eh ano naman ang gagawin niya sa school pag pumasok siya ng maaga? Tumatambay lang naman kasi siya. Pero ngayon want na want na niya kasi nagkakasama kami papunta sa school kahit ang tahimik ko pa din.
Maria Clara lang ang peg ko eh. Kinikilig naman ako eh sino ba namang hindi di ba? Nageeffort siya ng todo para lang may mapag-usapan kami. Pinapangiti niya ako kahit nahihirapan siya kasi hindi ako umiimik.
Pumunta ako sa kanila isang araw.
Meet the family na ba ito?
Kinakabahan ako.
May kilala naman ako sa kapatid niya eh ung dalawang lalaki, ung isa kaklase ko nung grade one ako at yung isa naging classmate ng kapatid ko. Yung dalawa na babae kilala ko din. Natatakot ako sa mama nya baka di ako magustuhan eh.
What will i do?
How will i act?
Nanlalamig na mga kamay ko sa kaba. Mamaya niyan magmukha na akong namumutla nito eh. Buti na lang at hindi ako maputi kahit papano hindi agad mahahalata na namumutla na ako sa kaba at takot.
Andito na ako sa gate nila.
Nakapunta na ako dito pero di pa ako nakakapasok.
May aso sila. Medyo takot pa naman ako sa aso. Muntikan na kasi akong makagat ng aso kaya ayoko sa aso, ang hahaba kaya ng teeth nila. Scary. :(
"Tao po?" ang hina yata ng boses ko. Nilalamon ako ng takot huhuhu.
"Tao po?" kinakabahan talaga ako. Pano na to?
"Tao po?" ayon at narinig din. Mukhang nagulat pa siya.
"Halika. Pumasok ka." binuksan niya ang pinto. Pumasok na ako. Ang lawak pala ng garden nila.Ang dami ding halaman.
Aw! aw! aaw! Waahhh may aso. Galit yata sa akin. -_-' Inalalayan niya ako pumasok.
May nakita akong babae. Ang puti naman niya. Di sila magkamukha ah. Matangkad at medyo wavy ang hair niya. Nakakaintimidate din siya.Pero i think she's nice.Maganda din siya. Kaya pala ang gwapo ni Recca ah nagmana sa mama. Siya na yata ang mama ni Recca. Ano gagawin ko?
"Ma, si Nayumi po." Lumapit ako at bumati.
"Magandang araw po!" kinakabahan ako at nagmano ako.
Kinakabahan talaga ako.
Ayon pagkapasok ko naupo na lang ako.
Tiningnan ko ang paligid pero i just stay where i am. Ganun talaga ako pag nasa ibang bahay. Hindi ako malikot lalo pa at di yon sa akin. Tahimik din ako di ko kasi alam ang gagawin ko lalo na ang sasabihin ko. Sumasagot lang ako kapag tinatanong then tatahimik ulit ako. Ang awkward lang kasi.
Para akong robot haiyst mukhang ang sama ko yata hindi man lang ako nagkukwento. Waah baka ano kasi masabi ko baka ayawan pa ako ng mama niya. Improving ako ah nakakaramdam na din ako ng ganito sa mga taong nakapaligid kay Recca.
Natapos ang araw na parang wala lang di naman kasi di ako umiimik eh pakiramdam ko ang liit ko kasi di ako sanay makipagusap sa tao. Natatakot kasi ako. Sanay din ako mag-isa kaya nanahimk lang ako. Di din ako tumatayo kaya parang naaasar si Recca. First time ko ito kaya hindi ako comfortable. Kyaaahhh first impression last. Ano kaya impression ng Mama ni Recca sakin?
Paguwi ko sa bahay inalala ko ang nangyari at naiiyak ako huhuhu nakakaasar naman eh parang ewan lang ako sa bahay at harap ng mama niya. *gulo ng buhok* Tsk!
Naulit pa yung pagpunta ko sa kanila minsan ay dinadaanan ko na siya bago pumasok para sabay na kami. Ok naman ang mama niya sadyang ako lang ang nagiisip na hindi ako magugustuhan ng mga taong nakapaligid sakin maybe dahil na din nung bata ako kasi hindi nila magawang matuwa sa lahat ng ginagawa ko kaya I isolate myself from the people around me.
----
Ayun late update pero salamat sa mga nagbabasa kahit hindi ganoon kaganda ang kwento.
Thank you so much.
:)
Godbless.

BINABASA MO ANG
Unusual Love
Novela JuvenilA forbidden love. Kahit ako hindi ko lubos maisip na magmamahal ako ng kagaya nya. Mahilig ako sa fairy tale simula ng bata pa ako at tulad ng mga prinsesa sa bawat kwento, gusto ko din magkaroon ng isang prince charming. Ngunit, hindi ko inaasahan...