Chapter 2 - Angel

45 1 0
                                        

--hapon

"May ibibigay pala ako sayong sulat ahm isa pang penpal mo kung okay lang sayo" at ngumiti sya.

"Oo naman okay lang sakin" sana di nya maalala yung sulat kamay ko. Remember yung sinabi ko na pinasulat ko siya sa slumbook ko. Hahah pangit pa naman dun sulat ko eh kaya baka di na nya maalala.

"Sige. Paalam." at umalis na ako. Naeexcite ako, ewan ko ba. First time ko kasi magkaroon ng penpal eh.

Recca's POV

Di ko alam kung san magsisimula magkwento sa inyo since di naman ako mahilig magkwento ng buhay ko.

Si Nayumi. Crush ko na siya simula nung first year pa lang siya. Parati ko nga siyang nakikita nun sa room nila kaso may pinopormahan ako nun.Parati niyang kasama yung tatlo niyang mga kaibigan. Mahinhin siya gumalaw, parang dalagang Pilipina. Di naman ako makalapit sa kanya kasi ang suplada niya.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nilapitan ko siya nung araw na humingi ako ng kapenpal sa kanya. Di naman pala siya suplada. Sadyang di lang siya umiimik. Ang tahimik niya parati. Akalain mo yun at pinansin ako. Nahanapan niya pa ako ng penpal. Si Athena, okay lang naman siya. Pero di ko alam kung bakit parang malayo ang loob ko sa kanya.

Papalapit na si Nayumi sa akin. May dala ata siyang sulat ulit para sa akin.

"May ibibigay pala ako sayong sulat ahm isa pang penpal mo, kung okay lang sayo" at ngumiti ako sa kanya di nga ako nagkamali. Parati na lang siya nakasimangot.

"Oo naman! Okay lang sakin" okay lang naman talaga sakin eh, para may nakakausap ako.

"Sige. Paalam." at umalis na siya. Binuksan ko ang sulat. Maganda ang sulat kamay ah. Binasa ko ang laman. Mukhang mas masaya siyang kausap kaysa kay Athena ah.Ano tong nasa huli? Ang ganda naman ng mga mata pero bakit ganito parang may kakaiba sa mata. 'Angel' ang ganda naman ng pangalan.

Nayumi's POV

Binigay na sa akin ni Recca ang sulat na para kay Athena at Angel. Tinago ko na muna yung sulat para kay Angel baka may makakita. Babasahin ko na lang to sa c.r. mamaya.

"Lyn, may ibibigay ako sayo." inabot ko yung papel. "Sige, C.r. muna ako."

"Salamat Nayumi." ngumiti sya.

Pumunta ako agad sa c.r. at binasa yung sulat. Nangangamusta siya. Ang ganda talaga ng sulat kamay niya. Sana hindi niya malaman na ako yung kapenpal niya.  

Recca's POV

Masaya kausap si Angel. Para siyang angel na dumating sa buhay ko. Ang bilis nya kasi magreply sa sulat ko. Lagi ko ding namimiss yung mga mata na nilalagay niya sa huli. Si Athena kasi parang napipilitan lang siya na magsulat sa akin unlike Angel pakiramdam ko i knew her, that i can trust her.

Nung time na yun kasi i was so down. Magulo ang family ko.

I'm committed to someone pero laro-laro lang yung samin. Di ako makapag-open, kaya yun naghanap ako ng kapenpal. Maswerte ako kasi nagkaroon ako ng dalawang penpal at komportable talaga ako kay Angel.

Nayumi's POV

Ilang sulat din ang natanggap ko. Ang sarap nya kakwentuhan. Ang hahaba pa ng sulat nya sa akin. Ang dami niyang problema, minsan humihingi sya ng advice sa akin. Pinapayuhan ko naman siya, lahat ng payo ko pinagiisipan ko talaga kailangan kasing isaalang -alang lahat ng taong involve: ung apektado at yung  

may kasalanan. Mahirap pero masaya naman. Ewan ko ba pero sobrang close na kami kahit ilang sulat pa lang yung pinagsasaluhan namin. Pagnakikita ko sya im so happy, yung parang nagkakagusto na ako sa kanya. Sino nga bang hindi eh, ang ganda nya ngumiti sa tuwing ibibigay ko yung letter at kapag binibigay nya yung sulat nya.

Unusual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon