Chapter 1: Athena
Nayumi's POV
"2nd year high school na ako. Wala pa ding pagbabago tahimik pa din ako kagaya ng dati. NBSB pa din ako."
Wala eh di ko pa mahanap ang magpapatibok ng puso ko, marami namang nangungulit pero wala eh ayoko pa talaga.
May ipapakilala pala ako sa inyo. Meet my friends:
Jane Rodriguez- ang mataray at magaling sumayaw. ms. DJ
Lyn Barrios-ang maldita at magaling kumanta
Ann Villanueva-ang friendly at maganda.
Sila lang naman ang mga kaibigan ko simula ng grade school. Kasa-kasama sa mga kakulitan. Masaya sila kasama at sanay na ako sa mga ugali nila.
Marami din naman akong ka-close sa classroom pero sakanila ako madalas sumama.
Madaming gwapo sa mga kaklase ko pero hindi kami attracted sakanila siguro kasi sawa na kami sa pagmumukha nila at parati na namin sila nakikita. "
--nasa may ilalim kami ng punong mangga
"psst!" isang lalaki ang nanunutsot samin.
Ayun deadma. Loko-loko kasi may kanya-kanya kaming pangalan di kami tawagin sa pangalan namin.
"Ann!" ayun matino na ang tawag.
"Lyn!" may sumingit pa.
"O! mga manliligaw nyo tinatawag kayo!" panunukso ko. Hahaha sanay na ako parati kasi silang nagpapacute sa mga kaibigan ko simula ng grade five pa kami. Malapit kasi ang classroom nila sa amin kaya parati kami nagkikita.
"Hayaan mo sila! Hindi kami interesado! Wala lang yan magawa sa buhay kaya namemeste!." asar na asar na sabi ni Lyn. Hindi ko alam pero i now she's interested sa may crush sa kanya. Well, wala namang masama since crush lang naman yun.
"Tara na nga balik na tayo sa Classroom." yaya ni Jane. I know she likes the chubby one pero ewan ko ba bat sya napair kay mr.black.
"Nakalimutan kong ipakilala sa inyo yung mga asungot kanina. Well may mga looks naman sila kaya lang kinulang sa katalinuhan.
Si France yung may gusto kay Ann. Kaklase ko na sya nung grade 1 ako. Babaero porke sya yung pinaka may looks sa kanila.
Si John kaklase ko din sya nung grade 1. Umamin nga yan sakin non na may gusto sya sakin. Ang babata pa namin, anong malay ko sa ganyang mga bagay pero ngayon crush nya na daw si Lyn ei.
Si Bill naman,chubby, gwapo naman, sya yung kakilala ni Jane. Mahangin din eh.
Si Jr naman yung may gusto kay Jane, sya si mr.black maitim kasi siya. Parati nakangiti mukha tuloy na baliw."
Wag na kayong mangarap kasi may pagka boyish ako. Wala akong nakikitang gwapo sa kanila. Pero tong mga kaibigan ko pinipair ako dun sa isang kumag. At asar na asar ako kasi ang hangin nya grabe dinaig nya pa ang room na may dalawang aircon. Tsk wala sya sa pinapangarap kong maging boyfriend. I.Q. pa lang bagsak na. Basagulero pa. Di talaga ako magkakagusto sa kanya.
Kasi ang tipo kong lalaki o magiging boyfriend ko ay:
Masipag
Mabait
Sweet
Matalino
Maunawain
Mapagmahal
Yung mga tipong too good to be true, prince charming ang dating ika nga. Nasosobrahan na yata ako kakabasa ng mga fairy tales, nakakakilig kasi yung katapangan nila.
BINABASA MO ANG
Unusual Love
Novela JuvenilA forbidden love. Kahit ako hindi ko lubos maisip na magmamahal ako ng kagaya nya. Mahilig ako sa fairy tale simula ng bata pa ako at tulad ng mga prinsesa sa bawat kwento, gusto ko din magkaroon ng isang prince charming. Ngunit, hindi ko inaasahan...